Kabanata XIII

258 4 1
                                    

Kabanata XIII

Laging binibisita ni Maria si Luis sa hospital kahit na ang dami niyang inaayos sa M-Line. Dalawang araw lang naconfine si Luis, at pagkatapos ay umuwi na siya. Hindi pa rin maganda ang pakiramdam ni Luis kahit nakalabas na siya. Ramdam ni Maria kung gaano kalata kumilos ni Luis kung kaya't lagi siyang nag-aalala dito.

Ngunit sa panig ni Luis, hindi dahil masama ang pakiramdam niya kung bakit siya nagkakaganoon. Nitong mga nakaraang araw, simula nang maganap ang sunog, lagi nang nababalot ng takot ang puso niya. Natatakot siya na maulit yun, at baka sa oras na yun, si Maria na mismo ang mapahamak. Nararamdaman niyang hindi aksidente ang nangyaring sunog, kundi may gumawa talaga nito. May gustong manakit kay Maria.

Oo at nabasa ni Luis nakatanggap si Maria ng mensahe na gusto nitong iwan siya ni Maria upang mailigtas ang buhay ni Luis, pero hindi mawala sa isip niya na marahil mayroong gustong paghiwalayin sila. At hindi ito titigil hangga't hindi nito natatakot si Maria upang tuluyan nang iwan si Luis. Ngunit may parte kay Luis na kinakabahan pa rin sa kung anong susunod na naghihintay para sa kanila ni Maria.

Halos araw-arawin ni Luis ang paghatid at pagsundo niya kay Maria. Kung maaari nga lang, ayaw niyang nawawala ito sa paningin niya. Laking pasalamat na rin niya na wala si Andy sa Pilipinas ngayon kaya kahit papaano, nababawasan ang dalahin niya. Si Maria ang pinagtutuunan niya ng pansin. Si Maria ang kailangan niyang protektahan sa oras na to.

Sinundo ni Luis si Maria sa trabaho. Nagrenta muna sila Maria ng lugar para kahit inaayos pa ang nasunog na M-Line, tuloy pa rin ang trabaho. Dahil sa mga nangyari, tambak ang gawain nila. Marami silang kailangang asikasuhin. Maraming kailangang tapusin. Ang trabaho ay trabaho.

Nitong mga nakaraang araw, lagi na lang pagod si Maria kung kaya't laging nag-aalala sa kanya si Luis. Alam din ni Luis na problemadong-problemado si Maria mula nang naganap ang sunog ngunit hindi ito ipinapahalata ni Maria. Ngunit walang maitatago si Maria kay Luis. Kilalang-kilala ni Luis si Maria kahit tingnan pa lang niya ito sa mata.

Pagkagaling sa Vicera, sisiguraduhin ni Luis na dadaanan niya muna si Maria upang sunduin ito. Minsan nga ay sinasabi niya kay Maria na gusto niyang tumulong sa mga gawain pero tumatanggi lagi ito sa kanya. Ayaw kasi ni Maria na maging pabigat pa siya kay Luis. Alam ni Maria na marami ring inaasikaso si Luis sa Vicera at ayaw na niyang dumagdag pa.

Alas-sais na ng gabi at umalis na si Luis ng Vicera upang puntahan si Maria. Pagdating niya roon, naabutan niya agad si Mang Doro. "Magandang gabi po."

"Luis."

"Si Maria po?"

"Marami pa daw siyang gagawin. Puntahan mo na lang sa office niya."

"Sige po, salamat."

Pumunta na si Luis sa office ni Maria. Nakabukas ang pinto kaya naman pumasok na siya. Pagdating niya roon, nakita niyang nakadukdok si Maria sa mesa at natutulog. Nakahawak pa si Maria sa lapis niya.

Naisip ni Luis na marahil mayroong idinedesign si Maria ngunit hindi na nito kinaya ang antok na dala ng pagod kung kaya't hindi na nito namalayang nakatulog na siya. Nalungkot si Luis. Ayaw na ayaw niyang nakikitang ganoon si Maria. Ayaw niyang napapagod ito ng husto.

Lumapit siya kay Maria at tinapik ang balikat nito. "Babe?"

Hindi kumikilos si Maria kung kaya't paulit-ulit niya itong tinapik. "Babe.."

Hindi nagtagal ay gumalaw na si Maria at unti-unting binuksan ang mga mata niya. Umayos siya ng upo at nakita niya agad si Luis na nasa tabi niya. "Luis.." Tiningnan niya rin ang mesa niya at nakita niya ang mga designs na hindi niya natapos dahil nakatulog siya. Nabigla siya. Inayos niya ang hawak sa lapis at magsisimula na sanang magdesign ulit nang biglang ipinatong ni Luis ang kamay niya sa kamay ni Maria. "Babe."

Maria La Del Barrio: Pagbigyang Muli - EnrichWhere stories live. Discover now