Kabanata V

340 3 2
                                    

Kabanata V

"Babe.."

Inaantok pa si Maria pero ginigising na siya ni Luis. "Babe..mamaya na."

Natatawa si Luis kay Maria. Lagi kasi tong mahirap gisingin pag sa bahay nya to natutulog. "Babe. Hindi ka ba pupuntang M-Line ngayon?"

Napabukas bigla ng mata si Maria. "Oo nga pala." Napatingin siya sa tabi niya at nandun si Luis. Tumagilid siya para makaharap niya to. "Ikaw? Hindi ka papasok?"

"Pinag-iisipan ko nga e. Kung ako sayo, di na rin ako papasok. Ganto na lang tayo babe. Magtitigan tayo maghapon." Ngiting-ngiti si Luis.

Natawa si Maria. "Kung anu-ano na naman ang pumapasok sa isip mo, ang aga-aga." Pinisil niya ang ilong ni Luis. "Good morning."

Tatayo na sana si Maria para maghilamos pero hinila siya ni Luis pabalik sa kama. Ngayon, nakapatong na siya kay Luis at tinititigan lang siya nito. "Luis.. Tama na yan. Tumayo na tayo." Pero sa totoo lang, natutuwa si Maria.

"Ganto muna." Niyakap siya ni Luis. Hindi na nagpumiglas si Maria. Nagpayakap na rin siya dito. Hinalikan ni Luis ang noo niya. Napangiti siya. Yung mga simpleng bagay na ganun ang madalas na nagpapagaan ng loob niya.

Hindi nagtagal, hinarap niya si Luis. "Wala ka na talagang balak pumasok?" Biniro niya si Luis.

"Pwede rin." Natawa si Luis. Hinawi niya ang mga hibla ng buhok na tumatabing sa mukha ni Maria. "Pero hindi rin pala. Pinagluto kaya kita ng breakfast. Dapat kainin mo yun!"

Natawa si Maria. Alam naman niya kasing hindi sanay magluto si Luis. "Talaga? Sige nga tikman ko. Baka naman katulad lang yan nung isang linggo ha?"

"Babe naman! Wala ka talagang bilib sakin! Tingnan mo baka lalo ka pang mainlove sakin pag natikman mo luto ko." Ngising-ngisi si Luis.

"Sige sige. Siguraduhin mo lang." Nakangiti si Maria.

"Yes maam." Hinalikan nya agad ang labi ni Maria. "Good morning babe."

"Hindi ka ba kakain?" Nagtataka si Maria dahil nakatingin lang sa kanya si Luis habang nakaupo ito sa harap niya.

Ngumiti si Luis. "Kumain ka lang babe. Sabi ko naman sayo tititigan lang kita e."

Natawa ng bahagya si Maria. "Babe."

"A babe, muntik ko pang makalimutan. Tumawag si Sab. Pwede daw bang iextend yung stay ni Andy dun? Kahit isang linggo pa."

Ang tagal nang hindi nila nakakasama ang anak. Namimiss na siya ni Maria. Pero dahil nagtitiwala naman siya kay Sabrina, tumango siya. Kahit paikut-ikutin pa ang mundo, si Sabrina ang unang kinilalang ina ni Andy at ito ang nagpalaki sa anak.

Tinabihan siya ni Luis. "Okay lang ba talaga? Kasi kung hindi, ako na bahala kay Sab. Kunwari ako yung ayaw pumayag. Ano sa tingin mo babe?"

Tumingin siya kay Luis. Seryoso tong nakatingin sa kanya. "Luis..okay lang. Oo, namimiss ko si Andy, pero hindi naman ako nalulungkot." Hinawakan niya ang pisngi ni Luis. "Dahil nandito ka."

Ngumiti si Luis. "Syempre naman. Para sa babe ko."

Natawa si Maria at hinimas ang buhok ni Luis. "Ayan ka na naman."

"Babe, lalo na kapag kasal na tayo, hinding-hindi ka na malulungkot." Hinawakan niya ang kamay ni Maria.

"Kasi.. Araw-araw, ako ang makikita mo paggising. Tapos lagi kitang ipaghahanda ng agahan. Lagi mo kong katabi matulog. Kahit kelan mo ko yakapin okay lang." Ngising-ngisi si Luis.

"Aba teka, bakit parang sinasabi mong ako lang ang makikinabang sayo?"

"Medyo." Nagtawanan sila. "Pero babe.." Naging seryoso na si Luis. "Kung naeexcite ka sa kasal natin, mas lalo ako." Nangiti si Maria. "Kasi..hindi ko na kailangang mamiss ka araw-araw. Hindi ko na kailangang gumawa ng excuse para lang makapunta sa bahay mo. Tapos..ikaw ang una at huling makikita ko. Babe kinukumpleto mo ang bawat araw ko. Pangako ko sayo pagsisilbihan kita. At babe..sana pag kasal na tayo, walang magbago satin. Sana ganito parin tayo. At babe?" Ngumiti si Luis. "Mahal na mahal kita."

"Luis. Mas mahal kita." Hinilig ni Maria ang ulo sa balikat ni Luis. "Salamat babe. Sa pagmamahal."

Pagkagaling ni Maria sa M-Line, tumuloy siya sa Vicera. Gusto niyang sabay sila umuwi ni Luis. Mula nang managinip siyang masama tungkol kay Luis, hindi na naalis sa kanya yung takot na totoong may hindi magandang mangyari kay Luis.

"Maam Maria." Lumapit si Pedro kay Maria.

"Ano ka ba naman Pedro. Sabi ko naman sayo, Maria na lang. Ako pa rin naman to." Nakangiti siya kay Pedro. "Si Luis?"

"Nasa office niya. Malungkot."

"Ha? Bakit naman?" Kanina lang kasi, magkausap sila at nagtatawanan pa.

"E hindi kasi kami umabot sa deadline. Balak na yata ipull-out nung kliyente."

Napabuntung-hininga si Maria. Ilang araw na hindi sapat ang tulog ni Luis tapos mauuwi pa sa ganito. Alam nya ang pinagdaanang hirap ni Luis para lang matapos ang trabaho nila.

Pagkatapos mamaalam kay Pedro, pumunta na si Maria sa office ni Luis. Pagdating nya doon, may inaasikaso itong mga papeles at seryoso lang. Kumatok siya.

Hindi tumitingin si Luis sa pintuan. "Pasok." Tuluy-tuloy lang ito sa pag-aasikaso ng mga papeles sa mesa niya.

Nalungkot bigla si Maria nang nakita ang reaksyon ni Luis. Lumapit siya dito at umupo sa upuan sa harapan. Tumingin na si Luis at nagulat siya nang malaman kung sinong nasa harap niya. "Babe."

Ngumiti si Maria. "Musta?"

Nagbuntung-hininga si Luis at tiningnan ulit ang mga papeles sa harap niya. "Okay lang."

"Luis."

Tumingin na ulit si Luis kay Maria at ngumiti. "Okay lang ako. Sinabi sayo ni Pedro no?"

Tumango si Maria.

"Wag kang mag-alala. Ako pa. Ilang beses na ba kong pumalpak dito. Sanay na ko."

"Babe.." Nalulungkot siya kapag ganun si Luis. Tumayo siya at pumunta sa likod ng upuan ni Luis. Niyakap niya ito nang nakatalikod. Ipinatong niya ang baba niya sa balikat ni Luis.

"Babe.."

Hinigpitan ni Maria ang yakap niya kay Luis. "Okay lang yun. Naniniwala ako sayo. Alam kong makakabawi rin kayo."

"Maria.." Gumaan ang pakiramdam ni Luis nang niyakap siya ni Maria.

"Luis..kahit anong mangyari, nandito lang ako sa likod mo."

Gumaan ang nararamdaman ni Luis. Inalis na niya ang pagkakayakap sa kanya ni Maria. Tumayo siya at inikot ang upuan para magkaharap silang dalawa.

Hinawakan ni Luis ang pisngi ni Maria. "Salamat."

Ngumiti si Maria. Niyakap niya si Luis at pagkatapos ay hinarap niya ito. "Uwi na tayo?"

"Kiss muna."

Natawa si Maria pero hinalikan nya rin naman si Luis agad. "O ayan. Pwede na ba tayong umuwi babe? O gusto mo kumain tayo sa labas?" Gusto pa niyang makasama si Luis nang matagal.

"Opo, misis." Ngiting-ngiti si Luis at niyakap ng mahigpit si Maria.

Nang makauwi si Maria sa bahay niya matapos siyang ihatid ni Luis, dinatnan niya si Sandra sa sala. Humalik siya sa pisngi nito at tumabi sa kanya.

"O anak, ginabi ka yata."

"Kumain pa kasi kami ni Luis sa labas."

Tumango si Sandra na natatawa. "Oo nga naman. Bakit pa nga ba ko nagtatanong?"

Nagtawanan sila pareho. "Anak, meron nga palang nagpadala sayo ng regalo. Ayun sa mesa, ipinatong ko dun."

"Regalo?" Nagtataka si Maria kung sinong magbibigay sa kanya. Hindi naman niya birthday. Naisip niya tuloy baka regalo ng isa sa mga naging kliyente niya.

Kinuha na niya ang regalo. Kahon ito pero nang inalog niya parang walang laman. Binuksan niya ito agad at ang tanging laman lang nito ay isang note.

Bumilis ang tibok ng puso ni Maria sa nabasa.

"Malapit na ang katapusan ni Luis. Malapit na malapit na."

Maria La Del Barrio: Pagbigyang Muli - EnrichWhere stories live. Discover now