Chapter 23

1.4K 23 2
  • Dedicat lui Fhei Costante
                                    

CHAPTER 23

[ Jonas ]

Halos isang buwan na din ang nakalipas. Hindi pa din bumabalik si Ella. Kahit anong contact wala kami. Sabi din kasi ni Tito Carlos, tigilan na namin ang paghahanap sa kanya. Babalik naman din daw yun.

Pero habang tumatagal, lalo akong nawawalan ng pag-asa.

Andito ako ngayon sa office ko. Balik work-a-holic na naman ako simula ng nangyari yun. Syempre, ganito naman ako noon eh. Di ba.

"Hi, babyyyyyyyyyyyyyyyyyyy!" biglang may pumasok naman sa office ko.

"Sorry, partner! Hindi ko napigilan! eh!" sabi naman ni Pj na kasunod ng babae.

"What the fck! Anong ginagawa mo dito, Irish?" napatayo naman ako nung nakita ko siya. Ang gulo-gulo pa din ng sitwasyon, dumating ka pa! Psshh. Tama na please. Lord naman. T_____T

"Iwanan mo muna kami Pj" sabi niya kay Pj. Umalis naman din si Pj.

"Kung manggugulo ka lang, magulo na din ang buhay ko. Kaya umalis ka na!" sabi ko at pinagpatuloy yung ginagawa ko.

Hindi ko para pag-aksayahan ng oras 'tong babaeng 'to.

"Hindi ako manggugulo, Jonas. Andito ako para makipag-ayos sa'yo"

"Yun na nga eh! Hindi ba panggugulo yon? May iba na akong mahal, may iba na akong gusto. Kaya tama na" sabi ko naman.

"What are you saying, Jonas? I'm here to apologize. Sa lahat ng nagawa ko. Pero it doesn't mean na I want you back. I heard everything, Jonas. Nakwento na ni Pj sa akin. I'm sorry about that, pero don't worry. Hindi talaga ako nandito para manggulo. Andito ako para maging friends ulit tayo" 

"What?" yun na lang nasabi ko. Akala ko kasi andito siya para manggulo na naman.

"May fiance na ako, Jonas. At mahal ko siya. Oo alam kong nasaktan kita noon, at nanggulo pa ako sa'yo. But I'm really sorry for that"

Buti na lang at hindi siya manggugulo. -_____-

"Gusto ko sanang tumulong, pero mukha namang wala din akong magagawa sa nangyayari. But Jonas, don't give up. Kung mahal mo talaga siya, wag kang susuko. Kilala kita. If two people are really meant for each other, they will find their way back. Tandaan mo yan ha?"

It Might Be You (Revising)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum