Chapter 20

1.3K 19 5
                                    

Chapter 20

[ Ella ]

Pag mulat ko ng mata ko ay kasabay ng pagsakit ng ulo ko. Hindi naman sobra. Pero parang kirot lang.

"Nasaan ako?"

Walang tao. Pero alam ko na araw ngayon dahil maliwanag. Seeing that I am on a patient's bed, and this dextrose beside me, parang alam ko na.

Naalala ko na ang lahat. "Oo nga pala" ang nasabi ko. Pero nasaan sila? Si Daddy? At yung Jonas na yun? At naalala ko yung ginawa nila sa akin.

MGA WALANG HIYA!!!!

Lalo na yang Jonas na yan. Hinding hindi ko sya mapapatawad!! Hay jusko. Ang Bataan ko. Bakit ko ba naisuko yung bataan ko sa kanya?! HUHUHUHU. T_________T

Nakakainis! As in nakakainis! Hindi ko matanggap ang nangyari na pinaniwala nila ako sa isang napakalaking kasinungalingan na ASAWA KO SI JONAS.

FCK! Nakakainis! Nakakainis.

Pero teka. Si Tita Sandra? Ano na kayang nangyari sa kanya?

Natigilan ako bigla. Kahit bumalik na yung alaala ko ay nagawa ko pa din na maalala at mag-alala kay Tita Sandra.

Pero sabagay, maganda naman ang naging pakikitungo nya sa akin noong wala akong maalala. At siguro nahusgahan ko lang sya agad-agad. Hay. Pero hindi eh, kasama din sya sa pagpapaniwala sa akin na asawa ko si Jonas. T______T

Alam ko na! Tatakas ako. Tama. Ayoko na dito.

Naalala ko naman na may private bank account ako na hindi alam nina Daddy kaya naman pwede siguro akong kumuha dun since hindi naman siguro nila nagalaw yun at alam yun.

Kaso, paano ako tatakas dito? Hmfff.

May naisip naman ako bigla.

----

Naglalakad na ako ngayon sa labas ng ospital. Ang galing ko di ba? Hahahaha. Hay. Sila lang naman walang bilib sa akin eh. Kaya lagi ako pinapasagip kay Jonas.

Magugulat na lang sila. Pero may mga iniwan naman akong notes dun eh. Bahala na sila.

Anu ka ba Ella!! Jonas na naman yang nasa isip mo. Tsss.

Erase erase!! XD

Baliw na ata ako. -____-

Teka, napansin kong naka patient's gown pa din ako. Sa paglalakad ko ay may nakita akong parang squaters area. Ayos 'to. Nakita ko kasing may mga nakasampay dun sa may barong baro. Pwede na siguro yun. Mukhang pang Jejemon pero at least pwede na 'to.

Sorry Lord. Ang dami ko ng kasalanan ngayon. T___T

Agad naman akong pumunta sa may banko. Teka, paano ako nakalabas? Aba, malay ko din. Hahaha. Sakto kasi na konti lang ang mga tao sa ospital. Tsaka, ayun. Dumaan ako sa mga fire exit. XD

Pagka-kuha ko ng pera, umalis na ako sa banko. 300,000 pesos ang kinuha ko. Pinayagan nila ako since sabi ko e ililipat ko lang ng ibang banko. XD

Paano na naman ako nakalusot? Hahaha. Ayun, wala atang alam yung bank teller at yun mga guard sa nangyayari sa akin. Hahaha! Nagpa-authograph pa. :p Pero syempre, kunwaring autograph ko lang yun.

Habang naglalakad, nakakita naman ako ng isang koche na FOR SALE. Naisip ko kasi na kung magba-byahe ako papunta kung saan eh baka mas lalo ako mahirapan magtago at magdisguise.

"Kuya, magkano niyo po binibenta 'to?"

"130,000 ineng" sabi naman ni Kuya. Okay na din. Honda Civic siya na black. Medyo tinted din kasi kaya natypan ko.

Kinuha ko naman sa bag yung 130,000. "Bilhin ko na manong" 

"Wow, in cash talaga" sabi naman ni manong. "Hindi mo na ba ichecheck ineng? Oh eto ang susi. Bumalik ka na lang pag nagkaroon ng problema"

Agad kong kinuha ang susi at nagdrive. Sht. Hindi ko nga pala dala yung lisensya ko. :| Pero okay lang yan!

Nag-gas naman ako. Hindi kasi ako pwedeng lumayo at tumakas gamit ang eroplano. Pero mas gusto ko sanang umalis at bumalik na lang ng America. Hay buhay nga naman.

Habang nagda-drive. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Pero ang alam ko, pa-norte ako. NLEX. Bahala na.

Habang nagda-drive. Binuksan ko naman yung radio.

Now playing: Violin by Jason Chen.

[ Nasa right yung video. ;) ]

Pati nga naman radio. Nakikisama oh. 

Cause I know how you play my heartstrings

Over and over again

I'm done with all the lies

Oo, sawang-sawa na ako sa mga kasinungalingan na ginawa niyo ni Daddy. At sa kasinungalingangn mahal mo ko!

I'm done with all the pain

I'm done with all the time wasting up on you

Mga manloloko!! Mga sinungaling.

And I can't take it no more take it no more

I'm done with the screamin

This time, I'm telling this to my self. I'm gonna escape for now. But this doesn't mean I'm weak. Gusto ko lang muna mapag-isa. Ayoko muna ng kahit ano. Gusto kong mapalayo at mapag-isip.

I'm done with all those silly love songs that keep on playin

Can you hear the violin?

I'm done with your lies, Jonas. I'm done with you.

"I'm done with you and I HATE YOU"

It Might Be You (Revising)Where stories live. Discover now