KABANATA 4

2K 44 3
                                    

JONAS POV

"Ella. Sweetie. Gising ka na pala? Anong masakit?" Nagising ako nang marinig ko syang sumigaw. Nataranta ako at agad kong tinawag ang mga doctor at nurse nya.

Agad na pumasok ang kanyang nurse at doctor. They checked her at binigyan ito ng pampakalma. Ayon kay Ella, sobrang sakit daw ng ulo nya. I got damn worried.

Maybe, 2 hours sleep lang yung nagawa ko kagabi dahil may mga tinapos akong trabaho pero pumunta pa din ako dito sa ospital kasi I still feel guilty. This happened because of me. I am responsible for it.

Willing din naman akong alagaan sya. Bumaling muli ako ng tingin sa kanya, she looks.. confused? And she's staring at me for a while now.

"What's the matter? Masama ba pakiramdam mo? Ha?"

Hindi pa rin sya nagsasalita. Maybe, she's still shocked or baka hindi pa sya ganung ka-okay.

Ako at ang mga doctor at nurse nya lang ang narito sa kwarto. Umuwi si Nanay Rosing para magpahinga. Si Tito Carlos naman on the way na daw papunta dito para dalawin si Ella.

"S-sino ka? Bakit kita kasama at.. S-sino ako?"

HA!? Ano!? Sino daw ako!?

Napakunot ang noo ko sa aking narinig.

Lahat kami na nasa kwarto ay napatigil sa aming ginagawa at napatingin sa kanyang doctor.

"Doc, what is happening?"

Patay ako kay tito nito. M-may amnesia sya? Sht. Kasalanan ko ang lahat ng 'to. Santisima!

"H-hindi mo ba ako naaala? I mean, wala kang naalala kahit ano? Hindi ito magandang biro, Ella!" I got no response but she's still looking at me.

The doctors and nurse checked her again. Pati ako ay naguguluhan sa mga nangyayari.

Nung tinititigan ko sya. Naawa ako pero sa ugali nya, hindi kaya niloloko nya lang kami?

She seemed very different though! Hindi nya ako sinigawan o inaway nang makita nya ako which is weird because she does that to me automatically back in the days! I know the fact that this girl hates me very much!

Hindi sya si Ella na kilala ko. Maybe, yes, nagka-amnesia nga sya. Mukha syang inosenteng batang walang kaalam-alam sa mundo.

....At ang bait nya. Very opposite of the Ella that I know.

ELLA POV

Bakit wala akong maalala? Aghhh. Ang hirap. Pilit kong iniisip kung sino ako pero wala akong makuhang sagot.

Biglang sumakit ang ulo ko kaya napasigaw na ako. Parang di ko kaya ang sakit.

"Ella. Sweetie. Gising ka na pala? Anong masakit sa'yo?" Nagising ang lalaking nasa tabi ko.

Sweetie? Sino sya? Boyfriend ko? Or.. Asawa? Hindi ko talaga alam. Wala akong maaalala about him.

Lumabas sya saglit at kasunod nya at may mga pumasok na nakaputi.

May itinurok sila sa akin kaya nawala naman ang sakit ng ulo ko. Ngayon naman ay nakaramdam ako ng panghihina.

"S-sino ka? Bakit kita kasama at.. S-sino ako?" Hindi ko na maiwasan ang magtanong.

"H-hindi mo ba ako naaala? I mean, wala kang naalala kahit ano? Hindi ito magandang biro, Ella!" Medyo napalakas ang boses ng lalaki.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at parang natakot ako bigla.

Bakit ako magbibiro?

Tinitingnan ko ang bawat kilos ng mga nasa paligid ko. They all seemed shock to know that I can't remember anything.

Sabagay, kahit ako mismo ay naguguluhan din. I feel incomplete. I feel unsafe. I feel tense.

Umiling ako sa kanya at yumuko na lang.

"Naaksidente tayo four days ago. Ikaw. Ikaw si Isabella. Ako si Jonas, magkasama tayo noong gabi na yun. Wala ka bang naalala?"

Naaksidente kami? Wala talaga akong maalala. Lahat ng sinasabi nya sa akin ay bago sa aking pandinig at isip.

"Ka-ano-ano kita? Bakit tayo magkasamang naaksidente? Asawa ba kita? Boyfriend?"

Biglang may pumasok na isang matandang lalaki mula sa pinto but he looked surprised to me.

He immediately hugged me.

"Ella, my dear. Gising ka na pala. Kamusta ka na? Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Hindi ako umiimik. Hindi ako makarelate sa nangyayari. Hindi ko sya masagot because I don't even know him.

I looked at the man beside me again. Hinihintay ko pa rin ang sagot ng lalaki sa aking mga katanungan.

"Ano ang problema? What's going on here?" Napansin ng matandang lalaki ang mga doctor at nurse na narito sa kwarto.

"Tito, let's talk muna sa labas. Ella, don't worry. I'll be back"

Hinawakan ko ang kamay nya. Napalingon naman sya sa akin at parang nabigla.

"Please don't leave me. Just stay with me." Sa totoo lang natatakot ako, hindi ko alam kung bakit. Siguro marahil siya ang una kong nakita pag gising ko ay panatag ang loob ko sa kanya.

"Babalik ako. Don't worry"

In return, hinawakan nya din ang kamay ko and he kissed my forehead. Lumabas siya kasama ang matandang lalaki pati ang mga doctor.

Naiwan ang isang nurse na dinalahan ako ng pagkain.

"Ma'am, kailangan nyo pong kumain para bumalik lahat ng lakas nyo. Apat na araw din po kayong walang malay"

Ganoon katagal?

JONAS POV

Pagkalabas..

"Hijo, what happened?" Alam kong naguguluhan din si Tito sa nangyayari. I also forgot na papunta nga pala siya dito sa ospital at hindi ko na siya nainform na nagising na si Ella.

"Tito, i'm sorry. Nagising si Ella kanina lang and she can't remember anything sabi nya. Hindi na kita natawagan agad"

Kung nitong mga nakaraang araw ay guilty ako sa pangyayaring aksidente naming dalawa at sa pagkawalang malay nya sa apat na araw, ngayon ay parang trumiple ang guilt na nararamdaman ko.

She has amnesia and it is all my fault.

"Let's ask the doctor na lang. Okay? Don't panic"

The doctor who checked Ella is now talking to him.

"Mr. Evangelista, your daughter said she can't remember anything and kanina pag gising nya ay sumigaw sya sa sakit ng ulo. It is possible that she has an amnesia due to the kidnapping incedent which is a traumatic experience and adding the car accident where she had a head injury. We will run laboratory tests and CT scan again"

Tumango na lamang si Tito sa doctor. He looked at me at muli kaming pumasok sa kwarto ni Ella.

Kumakain sya ngayon. Lumapit ako sa kanya.

"Ella. He is your Dad"

She just smiled. Siguro ay nahihiya siya. Hinayaan na lang muna namin siya kumain.

Enzo and Daniel immediately rushed to the hospital upon hearing the news. At kailangan din makilala ni Ella ang mga kapatid nya.

And that's what happened. Kahit ang dalawa ay nagulat sa kilos ni Ella. She's really different now.

"Ikaw? Ka-ano-ano kita? Asawa ba kita?"

My eyes widened when I heard her question. What made her think na asawa nya ako?

Akala ko ay makakalimutan na nya ang tanung na yun. Sabagay, I can just tell her I am a friend.

Sasagot na sana ako ng napangunahan ako ni Tito Carlos.

"Yes. He is your husband "

It Might Be You (Revising)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum