Chapter 22

1.4K 17 2
  • Dedicated to Kimberly Kaye Justo
                                    

CHAPTER 22

[ Ella ]

Drive lang ako ng drive. At inabot na ako ng gabi. Andito ako ngayon sa Zambales.

Biglang namatay yung makina. Sht!! Tinignan ko at wala na pala akong gas. -___- Pag sinuswerte ka nga naman. Nakalimutan ko. Tsss.

Hindi ko alam kung bababa ako ng sasakyan. Kasi naman madilim. Baka mamaya e may mumu dito! Pero nakita ko na may ilaw dun sa may di kalayuan. Parang may bahay ata at tindahan dun.

Kaya naman bumaba na ako. At pumunta dun. Gutom na din naman ako e. Buti na lang at may mga bahayan pala dito.

"Tao po. Tao po" Nang tumingin ako sa paligid e, hindi pala siya tindahan. Karindirya sya actually. Mabuti na lang at gutom na din kasi talaga ako.

"Naku pasensya na ineng, sarado na kami. Ubos na kasi ang mga luto ko" sabi naman ng isang matandang babae na lumabas.

"Ah. Ganun po ba" sabi ko. "May alam po ba kayong hotel dito? O kaya apartment?"

"Naku ineng, sa bayan pa iyon. Mga ilang kilometro pa ang layo. Hindi ka tara rine ano?"

"Ahh. Hindi po. Naubusan po kasi ako ng gas" sabi ko naman.

"Taga-saan ka ba iha? At saan din ang iyong punta?"

"Ah. Taga-Maynila po ako. Hindi ko din po alam eh"

"Ha? Anong hindi mo alam?"

"Hindi ko po alam kung saan ako pupunta"

At ayun! Dun nagsimula ang kwentuhan namin ni Lola Juilana. Siya ang may ari ng karinderia na 'to. At nasa likod ang bahay nya.

Siya lang pala ang nakatira sa bahay na 'to dahil isa syang matandang dalaga. Sabi nya eh dito na daw muna ako sa ngayon. Sinabi ko na din sa kanya ang sitwasyon ko. Sinabi ko din na itago na lang nya muna ako dito. 

"La, malaki naman pala itong bahay niyo" sabi ko. Ang laki naman kasi talaga para sa isang tao lang. Kasya siguro dito ang 7 katao.

"Wala naman kasi akong asawa, ineng. Lalo naman anak. Pinangarap ko kasi noon ang malaking bahay, pero hindi ko naman akalaing tatanda akong dalaga" sabi naman nya.

Hinatid naman nya ako sa magiging kwarto ko. Okay na din. Hindi naman sa kalumaan talaga yung bahay na haunted house. Kaya okay naman ako. Yung koche naman eh hindi malayo dito.

"Bukas ka na lang magpatulong kay Marco sa gas ng koche mo Hija .At kung gusto mo ay dito ka na lang muna habang mag-iisip isip ka"

"Alam kong mahirap pagdaanan yang mga ganyang bagay. Kaya kung hanggang kailan mo gusto ay maaring dito ka muna. Ikaw na lamang ang bahala kung paano mo ako mapapasalamatan, pero sinasabi ko sa iyo ay huwag mo ako babayaran ng pera" sabi pa ni Lola.

"Salamat po ng marami, La" sabi ko.

Lumipas ang ilang linggo at halos mag iisang buwan na. Parang feel at home na din ako dito. Tinutulungan ko din si Lola Juliana sa karindirya nya. At minsan naman may part time job ako sa may bayan.

"Ysa, ikaw na next. Your choice daw" sabi ni Kuya Arman. Yung kasama ko sa pinagta-trabahuhan ko ngayon. Para syang bar. Uhh. Hindi bar na gaya ng inaasahan niyo. XD Bar siya, na may nakanta lang. Part time vocalist ako sa banda dito.

And yes, part time ko dito na kumanta. Naalala niyo si Mayo? Minsan kasi sinasama nila ako sa mga practice nila. Kaya natutoto din ako at sabi nya may future ako. XD

Sa totoo lang hindi ko naman kailangan na magtrabaho. May pera pa ako. Pero ang alam ko nauubos ang pera. At naisip ko na huwag na lang kaya bumalik. Masaya naman ako dito at independent ako. Hindi ko akalaing kaya ko.

"Sige, Kuya, One Last Cry. Tapos yung brokenhearted, Kuya" 

"Okayyy!" sabi naman ni Kuya. "Game na"

"Hi, guys. Good evening. I am Ysa. And para po ito sa mga brokenhearted dyan at iniwang luhaan. Haha!" sabi ko naman. Alam ko naman kasi napapansin ko na ang madalas nagpupunta dito e kundi nagsasaya eh nagluluksa dahil sa pag-ibig.

Nagsimula ng tumugtog si Kuya Arman. At nagsimula na din akong kumanta.

My shattered dreams and broken

Heart are mending on the shelf.

I saw you holding hands standing so close to someone else.

Now I sit all alone, wishing all my feeling was gone.

I'd give my best to you

Nothing for me to do

But have one last cry.

Unti unti ay parang may tumulong luha sa mga mata ko. Pinigilan ko yun. Trabaho lang 'to.

One last cry

Before I leave it all behind

I've gotta put you out of my mind. This time

Stop living a lie.

I guess I'm down to one last cry.

Yes, I'm down to my one last cry.

At natapos naman yung kanta. Kinanta ko na din yung brokenhearted. Though masayang kanta naman yun. Ayun, okay naman din.

Natapos na yung gig ko. Tuwing Monday-Wed-Friday lang naman ako dito. Dito din kasi nagta-trabaho si Marco. Yung pamangkin ni Lola Juliana. Halos magkasing age lang kami. Siya din nag recommend ng trabahong to sa akin.

Kaya sabay na kami umuwi. Katabi lang naman ng bahay nya ang bahay ni Lola Juliana. At alam din nya ang kwento ko.

Pagbaba naman namin ng sasakyan ay may sinabi siya.

"Ysa, dama ko yung kanta mo kanina. Tama na. Dapat maging masaya ka naman. Just learn to accept things. Forgive and forget ika nga. Andito naman .... ako"

Nagulat naman ako sa sinabi nya. "Naku, ikaw talaga Marco. Pagod lang yan. Tara na magpahinga" sabi ko naman at pumasok na ng bahay nina Lola Juliana.

Pero tama naman siya sa sinabi nya. Dapat maging masaya na ako. Siguro eventually, matatanggap ko din ang lahat. At mapatawad ko na sila.

EXCEPT KAY JONAS! >______<

It Might Be You (Revising)Where stories live. Discover now