KABANATA 3

2K 47 0
  • Dedicated to Ashley Calderon
                                    

JONAS POV

The mission was a success. Agad kong tinawagan si Tito Carlos para ipaalam na kasama ko na ngayon si Ella. Sa presinto na kami magkikita.

The man was really thankful for what I did but not this lady right here. Sakit sa ulo talaga nito! Siya na nga itong niligtas. Napailing na lamang ako.

"Pasok na" Andito kami ngayon sa aking koche. Nakita kong una na umalis sila PJ at ang aking team. Nahihirapan ako pakisamahan si Ella dahil umaattitude na naman ito. Pero mas malala ngayon.

"Ayoko" Matigas nyang sabi.

Balak pa nya akong takasan kanina kaya pinosasan ko sya sa isa nyang kamay. I knew she just got kidnapped but this is necessary kundi ay hindi ko sya maisasama pauwi. 

"Pasok na sabi eh. Kulit ah" Napapasok ko siya sa wakas at ikinabit ko naman ang posas sa handle ng sasakyan. Pumunta ako sa driver's seat at nagsimula magmaneho.

I even turned on the music para naman hindi awkward sa aming dalawa at ayoko nang marinig ang mga reklamo nya.

Ilang minuto syang tulala at tahimik habang ako ay nagmamaneho.

Nagulat ako ng bigla syang magsalita. 

"Stop the car" Mautoridad na sabi nya. Sinulyapan ko sya habang nagmamaneho and she looks damn serious.

"What!? You must be kidding.." What is she even thinking?

"I said stop the car!" Nakita kong tinanggal nya ang seatbelt nya. This is not good. Fuck.

Bigla nyang pinakialaman yung pagdidrive ko. Ginalaw nya yung manibela. Malakas ang pwersa nya kaya hindi ko na din ito macontrol. Nandito pa naman kami sa madilim na parte.

Huli na nang makita ko na nasa kabilang lane na kami papunta sa ibang daan. Mabuti na lamang at wala masyadong ibang dumadaan. Nagpanic ako. Hindi ko na rin alam kung ano ang nangyayari nang huli na nang makita ko na pabangga na kami sa puno.

Parehas kaming napasigaw ni Ella. Napatama ang aking dibdib sa steering wheel ng aking sasakyan. May kalakasan din ang impact nito. Masakit at paniguradong papasa ito pero pakiramdam ko ay wala namang bali.

Agad kong naalala si Ella. 

"Oh my God. Ella. You're bleeding" May sugat siya sa ulo nya dahil napasalpok ito sa windshield. Naalala kong tinanggal nya ang kanyang seatbelt. Muli akong napamura. 

Kasalanan ko 'to eh. Her head is bleeding and is unconscious. Fuck. I saved her from her kidnappers but I wasn't able to save her from this accident. Ininda ko ang sakit ng aking dibdib.

I tried to look for my phone and called for help. The night was dark. Kakaunti ang bahayan sa lugar kung nasaan kami. Lumabas ako ng aking sasakyan at tinanggal ang posas kay Ella. 

After some minutes, dumating na rin yung rescue at dinala na kami sa pinakamalapit na hospital. Tito Carlos won't forgive me for this.

Hindi ako umalis sa tabi ni Ella.

"Sir, kasama nya po ba kayo sa sasakyan? May sugat din po kayo" Lumapit sa akin ang isang nurse. Nun ko lang nalaman na pati pala ako ay may sugat sa noo pero hindi ito kasing lala ng kay Ella.

Sa sobrang pag aalala ko at sa dami ng aking iniisip, hindi ko na maramdan ang sakit ng aking katawan.

Tumango ako sa nurse bilang tugon.

"Kailangan din po ninyong macheck, Sir" Ayaw ko man umalis sa tabi ni Ella pero pinilit ako ng mga doctor at nurse doon.

Pagkatapos kong maclear ay bumalik ako sa tabi ni Ella. She's still unconscious pero nagamot na ang kanyang mga sugat. May benda ang kanyang ulo. We both undergo CT scan and xray dahil sa mga natamo naming sugat lalo na sa ulo.

I'm still waiting na magising sya. Hindi ko sya pwedeng iwan lalo na ngayong pananagutan ko ang nangyari sa kanya.

Pagkarating na pagkarating pa lamang ni Tito Carlos noon sa ospital ay agad akong lumuhod at humingi ng tawad. Dumoble ang pag-aalala nya nang malaman ang nangyaring aksidente. I expected him to hurt me, but it was the other way around.

"I am really sorry, Tito. It is all my fault" Hindi ako makatingin ng maayos sa kanya dahil sa guilt na nararamdaman ko.

Nilagpasan nya ako at agad na si Ella ang hinarap. I knew this would happen. He checked Ella and talked to his doctors. Lumabas muna ako ng kwarto. Agad nyang inayos ang pagpapalipat niya ng ospital. He wants her to transfer to Manila.

He went to me nang mapansin nya ako.

"How about you, Jonas? Are you okay?" My heart melted. Tumango ako bilang tugon. I was speechless. Alam ko wala akong karapatan dahil sa nangyari.

"You should go home and rest, hijo. I know you're tired. Let us talk some other time, okay? Ipapahatid kita kay Lando" He didn't sound mad. I can tell he's concerned.

"Hindi na po Tito. Papunta na din po dito si PJ. I'll just wait for him. I'm really sorry about what happened, Tito. It is my fault. I was not careful enough"

Three days had passed and she's still unconscious. According to her doctors, her vitals and tests are normal. Intayin na lamang daw namin syang magising. Baka daw ito sa trauma na natamo nya that day.

Nailipat na din namin sya ng ospital dito sa Manila. I took a few days off for me to also recover but I visit her everyday. Maybe because I'm still guilty?

ELLA POV

Puting kisame agad ang nakita ko pagmulat ng aking mata. Where am I? I looked around and almost everything is white. Nasa ospital ako? Bakit ako narito?

Biglang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako rito.

Naramdaman kong may gumalaw sa aking gilid kaya napatingin ako. There's a man sitting beside my bed. He seemed to be asleep. 

Who is he? Bakit sya nandito?

Muling sumakit ang ulo ko pero mas matindi ito, sapat para ako ay mapasigaw.

It Might Be You (Revising)Where stories live. Discover now