Chapter 09

1.6K 41 5
                                    

CHAPTER 09

[Jonas]

Pumunta lang ako sa Manila to visit Tito Carlos. Hindi na ako nagpaalam kay Ella kasi dadaan din ako ng office ko. While I am on my way sa office, naalala ko na naman yung kiss. 

PAKSHET na kiss yan!

*BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP*

At muntik pa nga mabangga. Anak ng butiki naman ooh. Ayoko na ulit maaksidente. Mamaya eh, ako pa magka-amnesia. Wala pa naman akong pamilya. Sino na lang mag-aalaga sa akin. Eh hindi ko naman tunay na asawa si Elle. Pshh.

Takte. Ano na namang meron at napaka-drama ko? Epekto ng pagka-guilty sa kiss....

... o sa pagpapanggap na alam kong ikakagalit ni Ella pag nagkataon?

Ayun nga. After ilang minutes. Nakarating din ako sa office ko. At ang dami na din palang pinagbago dito. Kahit papano.

"Uyy. Sir. Welcome back. Long time no see ah? Kamusta na po ba?" sabi ni PJ. Remember him? Ang aking almost-partner-in-crime. Hahaha.

"Ahh. PJ. Oo nga eh. Okay naman ako. Dumalaw lang muna dito saglit" sabi ko.

"Hindi pa din pala kayo makakabalik dito. Ano na po ang nangyari dun sa asawa niyo? Este sa babaeng anak ni Sir Carlos?" sabi ni PJ na medyo natatawa pa nga.

"Walanghiya ka talaga, PJ. Hahaha! Asawa lang sa mata ng ibang tao. Pero hindi talaga. Mukhang matatagalan pa din naman bago siya maging okay eh. Bago bumalik ang lahat" medyo napayuko na lang ako. Habang inaayos yung iba kong gamit na kukunin ko.

"Edi matatagalan pa bago bumalik ang partner ko? Aww. Mamimiss kita nyan partner!" sabi ni PJ na nagkukunwarian naiyak na natawa.

"Loko ka talaga. Wag ka ngang bakla. Hahahaha!" sabi ko.

Pero namimiss ko na din ang trabaho ko. Sana bumalik na ulit sa dati. Para wala ng kargado ang kunsensya ko.

"Kamusta ba ang buhay may asawa, Sir?" tanong naman ni PJ.

"Ayun, wala naman. Parang ganun lang din. Parang buhay may gf lang"

"Ha? Buti hindi nagtataka yung asawa mo?"

"PJ, ano ba yang iniisip mo ha? Wag ka nga" binato ko naman siya ng crumpled paper.

"HAHAHAHA!" lakas makatawa ng loko. "Eh syempre, alam mo na. Mag-asawa nga kayo eh"

"Hindi naman siya nagtataka. Nahahalata ko din na awkward siya sa akin eh"

"Sabagay, Sir. Kahit naman anong pagtatakip na kasinungalingan. Malalaman at malalaman niya din yan. At mararamdaman niya sa sarili nya yun. Hindi natin maipagkakaila yun"

Tama si PJ. Balang araw, malalaman niya din lahat.

"Osiya, PJ. Aalis na ako ha? Ikaw na ang bahala dito sa office natin. Dadalaw na lang ulit ako paminsan-minsan"

"Sige, Sir. Ako na bahala dito" tapos sumaludo naman sa akin na pabiro.

Tapos, pumunta naman ako sa bahay nina Tito Carlos. Nag-usap saglit. Syempre, tungkol kay Ella. Malapit na din pala ang next check up niya. Next week na.

Napadaan naman ako ng mall. Naalala ko kasi na awkward siya sa mga damit nya. Kaya naisipan kong bumili ng damit para sa kanya.

Paglabas ko ng mall, malapit na din pala magdilim. At mukhang uulan pa ata. Agad naman akong sumakay sa koche ko at nagmadali ng umuwi.

Baka mag-aalala si Ella sa akin. At baka mag-isip ng kung anu-ano. Baka maka-apekto pa sa recovery niya. 2 oras pa man din halos ang byahe pauwi.

[Ella]

Bakit ang tagal naman ni Jonas? :\

Hindi kaya.... May nangyari na sa kanyang masama?

May babae na kaya siyang iba?

Naaksidente kaya siya?

Ang lakas pa naman ng ulan. Sana okay lang siya. Ayaw din naman niya sagutin yung phone niya kanina pa. :(

Eto ako ngayon sa sala. Waiting for my husband. Napaparanoid na ako. Kasi sabi ko sa kanya kanina, umuwi sya agad. Eh 7pm na. Baka kung ano na nangyari dun.

Umalis din si Tita Sandra. May pinuntahan daw saglit. Pero halos 2 hours na din siya wala. 

* GSHHFJYTHSHEGSEGDHDRHCBF *

"AHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!" bigla kasi kumidlat at kumulog, kaya napasigaw ako.

Jonas, nasaan ka na ba? :(

Patuloy yung pagkulog at pagkidlat. Yakap-yakap ko naman yung unan na nasa tabi ko kanina.

* SDGSDHDHFYJJHFJUYF *

Kasabay ng kidlat at kulog na yun, ay sumakit yung ulo ko.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!"

Ang sakit. Sobra.

* FLASHBACK *

"Ikaw ang nagligtas sa akin?" 

"Well, yes" 

"Ikaw na naman ang bida. Ganon?"  

"Wala akong sinabi. Teka nga, ikaw na nga 'tong tinulungan. Ikaw pa 'tong galit!" 

"Wala naman akong sinabi na tulungan mo ako ah!" 

"Hindi nga ikaw, pero ang Daddy mo. Tara na nga. Umuwi ka na"

* END OF FLASH BACK*

Ang sakit sakit ng ulo ko. Umiiyak na ako sa sobrang sakit. Ano yun. Biglang may nag flash bigla sa utak ko. Parang si Jonas yun at ako. Arghhh :(

"Honey. Baby" bigla kong narinig na may pumasok sa pinto.

Alam kong si Jonas yun. Bigla siyang pumunta sa akin. Niyakap niya ako.

"I'm sorry. I'm sorry" he whispered.

And all of a sudden, bigla akong nawalan ng malay.

It Might Be You (Revising)Where stories live. Discover now