KABANATA 2

2.3K 44 0
                                    

JONAS POV

"Good morning, Chief!" Bati sa akin ni PJ pagpasok ko nang aming opisina.

"Good morning!" I greeted him too. Mukhang maganda ang gising ng isang 'to.

Tumingin ako kabuuan ng aming opisina. Everyone's busy as usual.

Ako nga pala si Jonas Garcia. I'm a Special Action Force comando and the chief officer of one of the headquarters in Santa Rosa, Laguna. I'm also a lawyer. 

I was scanning the papers on my table so I can start working when I heard my phone rang. I saw it was Tito Carlos, parang tatay ko na sya.

I once saved his life and he saved me from my miserable life. Naglalakad ako noon nang makita ko na babarilin sana sya ng lalaki sa kabilang side ng kalsada. Pasakay sana sya ng sasakyan nya noon. Ihinarang ko ang sarili ko kaya ako ang nabaril. I didn't realize he's Senator Juan Carlos Evangelista. I was just thirteen that time. 

Pinagamot nya ako and he promised to take care of me since then. Since then, utang na loob daw nya sa akin ang buhay nya. Pero sa totoo lang, mas utang ko sa kanya ang buhay ko ngayon dahil pinaaral nya ako. I am where I am now because of him.

"Good morning po, Tito. Kamusta po kayo?" Bati ko agad pagsagot ng tawag. It's been a while. Naging busy din ako sa trabaho ko. I haven't visited him yet.

"Hijo, magandang umaga din" Parang malungkot ang boses na bati sa akin ni Tito.

"Is there anything wrong, Tito?"

"Yes, hijo. Si Ella. Hindi pa sya umuuwi simula kagabi" That brat again? What did she do this time? She's Tito Carlos's only daughter. 

"Jonas, i really need your help" He really sounded serious. I sat on my swivel chair.

"What happened ba Tito?"

Tito Carlos told me what happened. Nagulat lang ako dun sa hinihinging ransom money. 10 million ba naman? Medyo may kalakihan para mga sitwasyong ganito. Pero kunsabagay, the Evangelistas are well known to be rich because of their business.

Who are the fcktards behind this? Nagtagis ang bagang ko. 

Malaki ang utang na loob ko kay Tito Carlos kaya paghumihingi sya ng tulong. Hindi ako maka-hindi.

"I trust you, Jonas. Please bring Ella back to me"

ELLA POV

"Pakawalan mo na ako, Stefan. Hindi papayag ang Dad ko sa gusto mo!" I doubt this though! My Dad will do anything to save me pero syempre ayokong magpasindak sa mga gagong 'to! 

"Dapat pumayag sila. Kung hindi.." Ngumisi sya ng nakakaloko. Aba't?! 

"Anong kung hindi!?" Sigaw ko sa kanila dahil talagang nagtitimpi na lang ako sa kanila ngayon. It was really a bad move na pinauwi ko si Mang July at Kuya Bert. But who would've thought?! He's my boyfriend!  

"Amin ka.. at hindi ka na nya muling makikita pa" Hindi ko nagugustuhan ang mga tingin nila sa akin.

"Mga walang hiya kayo!" Gulo gulo na ang buhok ko dahil sa mga pag angil ko sa kanila. 

He touched my shoulders. I was thinking he wanted me for.. Urghh. No way. As in no way! Hinding-hindi ako papayag.

"Ano sa tingin mo ang iniisip mo!? Walang hiya ka talaga!" Hindi lang ako makapalag dahil nakatali pa din ako sa upuan. 

"Matagal na akong walang hiya, sweetie." Lumapit muli sya sa akin at nilagyan na nya ng tape ang bibig ko.

Siguro nga. Matagal ka ng walang hiya. Gag* How is he even a celebrity eh kung parang anak naman siya ni Satanas?! 

It Might Be You (Revising)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin