KABANATA 5

1.9K 41 2
                                    

ELLA POV

We are on our way sa farm nina Jonas sa Lian, Batangas. Kakalabas ko lang ng hospital at dun na lang daw muna ako tuluyan magpapagaling. I stayed in the hospital for another 5 days bago pinayagan ng doctor ko na makalabas.

Si Jonas na yung nag-empake ng gamit ko before nya ako sinundo. My Dad and brothers will stay in Manila dahil kailangan nilang magtrabaho. They promised to visit me every weekend though.

Nasa expressway na kami nang maalala ko ang sinabi ni Dad sa akin.

"Yes, he's your husband" Hindi ko alam pero parang napanatag ang loob ko when Dad confirmed that Jonas is my husband. Kaya siguro ganun sya mag-aalala sa akin ano? He won't be beside me worrying if he is not.

They also told me everything about me. Ako si Isabella Evangelista Garcia. Galing pala ako sa mayamang pamilya. My Dad was a former senator and madami kaming business which my brothers are handling. Ako naman daw ay isang model at artista which I found very odd because I feel uncomfortable doing those things iniimagine ko pa lang. How was I able to do that?

Nabalik ang isip ko sa kasalukuyan nang kausapin ako ni Jonas.

"Nagugutom ka ba?" Umiling ako. 

"Nauuhaw lang" Ako na mismo ang umabot sa baon naming tubig at uminom.

"What's bothering you?" 

"Nothing" 

"Are you sure?"

I nodded. Tapos nagsmile na lang ako para hindi sya mag-alala sa akin. 

Excited din akong makalabas kasi nabagot ako sa ospital kahit na lagi kong kasama si Jonas. Iba pa din yung makakita ako ng panibagong mukha at mga tanawin.

After ilang hours nakarating na rin kami sa Batangas.

"Hello, Tita" Bati ni Jonas sa matandang babae na sumalubong sa akin.

"Oh, hijo, hija, welcome back" Pati ako ay binati nya at bumeso.

"Thank you, Tita. By the way, Ella, this is Tita Sandra. She's a friend of your Dad" Ngumiti ako sa kanya bilang tugon.

"Nice to meet you po" The woman was wearing simple clothes at kapag tinitingnan ko sya ay magaan naman ang loob ko.

Napatingin ako sa bahay na nasa kanyang likod. Iginala ko ang aking mata sa paligid. This is a beach house! May beach sa gilid!

Napangiti ako ng makita iyon. Nakakarelax kasi.

Ibinaba ni Jonas ang aming gamit katulong ang isang kasambahay.

"Tita. Punta lang ako sa may farm saglit. May dadalhin lang ako kay Mang Carlito. Kayo na po muna ang bahala kay Ella" Does he really need to do that now? Ayoko sana maiwan dito mag isa lalo na at hindi ko pa naman sila kilala.

"Sure, Jonas. Hija, halika hatid na kita sa room mo para makapagpahinga ka na" 

"Room ko?" 

"I mean, sa room nyo"

Nagkatinginan si Jonas at si Tita Sandra. Tumago naman ako at umalis na din si Jonas. Sana ay bumalik sya agad.

He kissed my forehead again before he left. Why does he always do that?

Bakit hindi pa sa lips? Eh kung mag asawa naman kami?

Sabagay, parang nahihiya din ako. Bigla akong kinilig sa aking iniisip. Anu ba yan, Ella! Magtigil ka nga.

Nalingat ako at nakita kong papasok na sa loob ng bahay si Tita Sandra at ang kasambahay. Agad akong sumunod sa mga ito.

Namangha ako nang makapasok sa bahay. Hindi ko aakalain na may kalakihan ito sa loob. Sa labas kasi, mukhang sakto lang ang laki nito. Si Tita Sandra lang ba ang nakatira rito?

Classic ang style ng bahay. Pakiramdam ko ay medyo may katandaan na itong bahay na ito. May dalawang palapag ang bahay. Tita Sandra toured me around the house bago nya ako dinala sa aming silid. The house has 5 rooms in total plus 2 maid's quarters. I really like the view of the beach!

Pagdating namin sa room. I was so amazed kasi parang pang prinsesa yung theme ng kwarto tapos kita pa ang view ng beach. May chandelier din ito. Fancy! Parang dinesenyo ayon sa gusto ko. Did they rennovated it just for me? O baka sa anak ni Tita Sandra?

"Ang ganda po ng kwarto. Salamat po sa pagpapatuloy nyo sa amin, T-tita" Hindi ko alam pero parang nailang akong tawagin syang Tita.

"Ang totoo nyan, hija. Dati nyong bahay ito bago kayo tuluyang sa Maynila tumira. Ito ang kwarto mo. Sa iyo ito" Natigilan ako sa sinabi ni Tita Sandra. This is mine?

Dumami na naman ang tanong sa aking isipan. This is not good. Baka mamaya ang sumakit na naman ang ulo ko. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.

Muling nagsalita si Tita, "Ang farm ay ilang minuto lang ang layo dito. Iyon ang kay Jonas. Binili nya iyon mga ilang taon na din ang nakakalipas. But this house is owned by your father kaya dito nya kayo gustong tumuloy. So you could feel at home while getting your memories back" 

Kung ganoon bakit siya dito nakatira if she's my just Dad's friend. Tama kaya ang aking hinala?

"I am your Dad's girlfriend" Napalaki ang mata ko sa kanyang sinabi. She answered my questions na para bang nabasa nya ito sa aking isipan.

My Dad did not tell me this before kami pumunta dito. Bakit naman kaya hindi nya sinabi? Well, they told me my Mom died when she gave birth to me. It was a long time ago already. Of course, my Dad can remarry anytime he wants. It's not like I'll disagree, right?

"Pasensya na po. My Dad didn't say anything before kami pumunta dito. I was just a bit surprised but don't worry I am not against your relationship or anything" Hindi ko alam kung guni guni ko lang ba pero parang mas nagulat sya sa sinabi ko. Bakit naman kaya?

"Maraming salamat, hija. Maiwan na muna kita para makapag ayos ka na. Sabihan mo lang ako o si Celia kung may kailangan ka"

Lumabas na sya ng tuluyan sa kwarto. Balak kong magbihis ng damit kaya inopen ko yung bag ko at hindi ko inaasahan ang mga damit na naroon.

What the fuck?

Ganito ba talaga ang mga damit ko? I mean, ganito ba talaga ako manamit dati pa? Ang iigsi. Parang kulang sa tela! Hindi ko tuloy alam kung magpapalit pa ako ng damit.

And wait, Jonas packed this! May gusto ba syang mangyari ha?

Tinigil ko ang pag halungkat sa aking bag at humiga na lang muna sa akin kama. Malambot ito at di hamak na mas kumportable kesa sa hospital bed. Hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako.

Nagising ako nang maramdamang pumasok si Jonas sa room. Nakabalik na pala sya. Nakita nya ang magulo kong maleta at ang mga nagkalat na damit.

Nagkatinginan kami parehas.

"Oh, may problema ba?" Lumapit siya sa akin at tinabihan ako.

"Yan ba talaga ang damit ko?" Disappointment is evident on my face. I do not like to wear this kind of garments!

"Yeah. Remember, you used to be a model and an artist. Ganyan talaga mga sinusuot mo dati pa" May point sya. Medyo natatawa nga sya sa akin eh. 

"And you let me?"

Payag sya na ganito ako manamit? Kahit na sabihin na nating model at artista ako, may asawa na akong tao, I should be careful with what I wear. Tama di ba?

At biglang may pumasok sa isip ko..

Ilang taon na nga ba kaming kasal?

Bakit wala pa kaming anak?

It Might Be You (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon