"Pero may pag-asa silang dalawa?" Curious na tanong ko. Tiningnan niya ako na may halong pang-aasar bago sumagot.

"From what I see now? Wala" sagot ni Misha sa akin habang nakangisi parin.

"E diba lately magkasama sila?" Mukhang chismosang tanong ko sakaniya. Natawa siya.

"You will die if you'll find out Calvin reason for that. Condolence to Alexa's heart!" Natatawang wika pa niya.

"Bakit masyado kang galit kay Alexa?" Hindi mapigilan na tanong ko. Umirap siya sa akin.

"'Cause he tried flirting Jeff to be close with Calvin. That desperate bitch" madiin na wika niya. Napatango ako, ngayon ay nakuha ko na ang ibig niyang sabihin.

Pagkatapos namin kumain ay nakarinig kami ng katok mula kay Mama para sa breakfast. Sinabi naman namin na mag-aayos lang kami bago lumabas. Sinabihan kami ni Mama na huwag na munang gisingin ang dalawa dahil mukhang pagod pa.

Lumabas na kami sa kuwarto ko, nakita parin namin na mahimbing na natutulog ang dalawa habang nakayakap si Jeff kay Calvin. Natawa ako sa posisyon nila, kung gising lang si Calvin panigurado maiinis siya kay Jeff. Yayain ko na sana si Misha nang nakita ko siyang nakangisi habang nagpicture sa cellphone.

Bigla niya itong sinet sa video tiyaka lumapit sa dalawa. Napailing naman ako sa gagawin ni Misha. Bahagya niyang tinampal ang dalawa habang naka-video sila.

"Hey boys. Wake up" gising niya pa rito nang natatawa. "Hey" dagdag niya pa habang inaalog ang dalawa.

Bahagyang naalimpungatan ang dalawa pero kinuha lang ni Jeff ang unan sa tabi tiyaka tinakip ito sa tenga niya.

"Hey! Wake up, Jeff! Or else!" Banta ni Misha. Iritado namang inalis ni Jeff ang unan kaya zinoom ni Misha ang video tiyaka natatawa "Good morning, babe!" Dagdag pa niya tiyaka tumawa.

"Good morning" tamad na wika ni Jeff habang kinukusot ang mukha niya.

Bahagyang gumalaw sa tabi niya si Calvin tiyaka kinuha ang unan, gumilid siya tiyaka niya niyakap ito.

"Hey, Krizette!" Tawag sa akin ni Misha na ngayon ay nakatutok na ang camera kay Calvin "Wake him up!" Sabay nguso niya kay Calvin na hindi pa nagigising.

"Pabayaan mo muna, gusto pang matulog" wika ko kay Misha. Umiling siya sa sinabi ko.

"Pabebe lang talaga dalawang ito. Wake him up! Para makapasyal tayo" napabuntong hininga ako dahil sa utos sa akin ni Misha.

Dahan-dahan akong umupo tiyaka inalog ng bahagya si Calvin para gumising. Narinig ko ang singhal ni Misha sa tabi ko habang hawak-hawak ang cellphone at nakatutok sa amin.

"Hindi siya magigising diyan" wika sa akin ni Misha. Dahan-dahan umupo si Jeff habang kinukusot ang mata niya.

Ngayon ay nilakasan ko na ang alog kay Calvin para magising.

"Calvin" tawag ko pa sakaniya pero hindi siya kumibo. Tumingin ako kay Misha tiyaka nagkibit balikat. Suminghap siya tiyaka hinampas si Calvin dahilan nang paggising nito kaya agad zinoom ni Misha ang camera sa mukha ni Calvin.

"Good morning, Calvs" wika pa nito.

"What the hell, Misha?" Bahagya akong nagulat sa boses niya. It's husky!!

Natawa si Misha tiyaka nagkibit-balikat "Not me. It's your baby who's trying to wake you up for breakfast!" Ngingiting pang-aasar ni Misha. Napatingin sa akin si Calvin tiyaka umamo ang itsura, natawa si Misha dahil don.

"Hmmm" dahan-dahan umupo si Calvin habang hinihilot ang ulo niya "Good morning" he greeted me good morning with his husky voice.

"Ah. Ahm. Good morning din" naiilang na bati ko kaya napatawa si Misha.

Dance Of Fate [Serano Duology #2]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora