"Speed" natatawang wika ni Jeff. Napailing na nakangisi si Misha sa tabi ko.

"But it doesn't change the fact that you two will sleep at the living room" pang-aasar ni Misha sakanila kaya kumunot ang noo ni Jeff.

"Why? We're not drunk. Come on!" Jeff groan while pleasing Misha. Misha just roll her eyes. "Calvin!" Tawag pa ni Jeff kay Calvin para humingi ng tulong.

"But you smell like one" sagot ni Misha kay Jeff. Bumuga naman ng hininga si Jeff tiyaka ito inamoy.

"All I smell is mint" sagot sakaniya ni Jeff. Dahan-dahan umiling si Misha sakaniya. "Calvin oh" parang batang sumbong ni Jeff.

Napatingin sa akin si Calvin kaya bahagya akong napalundag dahil sa tingin niya mabuti nalang at kaagad kong naikalma ang sarili ko kung hindi ay magmumukha akong tanga na nagulat na wala naman dahilan para magulat.

"Are we gonna sleep at living room?" Seryosong tanong sa akin ni Calvin narinig ko ang tunog dismayado ni Jeff sa tabi niya. Sasagot na sana ako nang siniko ako ni Misha sa tabi ko.

"Krizette, we talked about it earlier" pagpapaalala niya sa akin na para bang pinag-usapan talaga namin ng masinsinan.

"Ahm" nakakahiya naman kung sa sala ko sila papatulugin pero ayaw ni Misha na kasama namin sila. Baka magparinigan lang sina Misha at Jeff sa kuwarto dahilan nang hindi namin pagtulog.

"It's okay" tumango si Calvin sa akin na para bang ayaw niya akong mahirapan na magdesisyon "We can sleep there" dagdag pa niya.

"What?!" Singhal ni Jeff sa tabi ni Calvin na para bang hindi makapaniwala.

"Ang arte mo Jeff! Ganon din naman! Sa mattress ka matutulog, sa sala nga lang. Daig mo pa babae" inis na wika sakaniya ni Misha.

Bago pa mag-away ang dalawa ay nagyaya na akong pumasok sa loob para makatulog kami. Alam ko naman na pare-pareho lang kaming pagod ngayong araw. Pumasok parin ang dalawa sa kwarto para kumuha ng damit sa mga gamit nila. Maliligo siguro bago matulog.

Kinaumagahan ay nagising kami dahil sa boses ni mama sa labas. Bumangon kaagad ako habang kinukusot pa ni Misha ang mata niya. Pagkalabas ko ay nakita ko na bahagyang nagising ang dalawa kay mama pero tulog parin. Siguro ay dahil nakainom at puyat kagabi.

"Kriseta, bakit mo sila pinatulog sa sala? Nakakahiya" bulong sa akin ni mama para hindi sila magising. Narinig ko ang paglapit ni Misha mula sa kuwartong pinanggalingan ko.

"Ayos lang po iyan tita. Lasing po sila kaya sa sala na namin sila pinatulog. I suggest it" mukhang narinig ni Misha ang sinabi sa akin ni mama. Proud pa siya na sabihin kay mama na siya ang nag suggest na patulugin ang dalawa sa sala.

"Pero ayos lang ba sakanila?" Nag-alalang tanong ni Mama. Tumango si Misha tiyaka ngumiti kay Mama. "Osige at mag-aayos muna ako ng almusal, mukhang pati ang Papa mo ay nalasing kagabi hindi pa siya gising" wika ni Mama tiyaka pumunta sa kusina.

Naghilamos kaming dalawa ni Misha habang nagkukuwento pa sa buhay niya noon bago ako dumating. Naikuwento niya rin sa akin na hindi pa nagtakang lumapit si Calvin sa babae, yung mga babae ang lumalapit sakaniya.

"Paano niya nakilala si Alexa?" Napangiwi siya sa pangalan na binanggit ko. Mukhang ayaw niya talaga si Alexa.

"Nagkaroon kasi noon ng event yung common family friends namin, nagkataon na yung anak non ay si Alexa" sagot niya sa akin napatango ako dahil don.

"Niligawan siya ni Calvin?" Natawa si Misha sa tanong ko, pinunasan na niya ng tuwalya ang mukha niya bago sumagot sa akin.

"Bakit siya liligawan ni Calvin? Chicks ba siya?" Masungit na sagot nito sa akin pero natawa lang din "Kidding aside, hindi siya niligawan ni Calvin. Siya ang nanliligaw kay Calvin" binigyang diin pa ni Misha ang mga salita niya para lalo kong maintindihan. Marahan akong tumango.

Dance Of Fate [Serano Duology #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon