"Ano nga ulit kurso ni Lorencio?" Tanong ni mama sa akin.

"Architecture po" sagot ko. Narinig ko ang bulungan nina tito at tita bilang pag-apruba sa kaniya.

"Ayos iyan, kung sakaling maging kayo pareho niyong priyoridad ang pag-aaral. Mabait na bata iyan" pagmamalaki pa ni tito na tauhan ni Mayor.

Nawala rin ang usapan tungkol sa buhay pag-ibig ko. May mga kaklase ako noong high school na pumunta kaya inasikaso ko muna sila. Nagkumustahan lang kami hanggang inasikaso ko na ang mga kaklase ko nung elementary pa ako. Ang bilis talaga ng panahon, parang kailan lang nung naglalaro pa kami at nagkakapikunan sa daan ngayon may kanya-kanya na kaming buhay. May iilan na nagsisipag-aral din, ilan na nagtatrabaho na at ang iba pa nga ay pamilyado na.

Si Jeff naman ay nakikita ko rin na umiikot-ikot at kumukuha ng litrato, may mga kinuhanan pa siya na mga litrato per table na kasama ako para may remembrance raw.

Nilapitan ako ni Lorencio tiyaka nag-offer ng kamay sa akin. Natawa naman ako sa ginawa niya pero tinanggap ko iyon.

"Kanina ka pa hinihintay nina Misha" sabi sa akin ni Lorencio habang papalakad kami papunta kina Misha. Marami kasing mga bisita ang inasikaso namin nina mama.

Pumunta kami sa maliit na grupo nina Misha. Nakaharap sa amin si Misha katabi si Jeff na kaagad ngumiti at kumaway sa akin nang makita ang paglapit namin ni Lorencio. Isang pamilyar na tikas na katawan ang nakatalikod sa amin hanggang sa unti-unti itong humarap para tingnan ako, kami.

He's wearing a black coat. Napa-awang ang bibig niya nang makita niya ako na para bang namamangha pero kaagad din niya itong tinikom nang nasulyapan ang kamay namin ni Lorencio na magkahawak.

"Ehem" pasimpleng ubo ni Jeff na tila ba nang-aasar nang tuluyan na kaming nakalapit ni Lorencio. Nginuso niya pa sa akin si Calvin na nakataas ang isang kilay nito habang pabalik-balik ang tingin sa aming dalawa ni Lorencio.

"Ah. Calvin" naiilang tawag ko sakaniya. Hindi ko alam pero parang nagpipigil ako ng hininga kapag tumitingin siya sa akin. "Hi-hindi ko alam na makakapunta ka" pinilit kong huwag mautal pero nautal parin ako.

"Yeah" tamad na wika ni Calvin "Happy birthday" dagdag na wika pa nito sa akin. Ngumiti ako sakaniya kahit na kita sa ngiti ko ang kaba.

Iginaya ni Lorencio ang upuan sa akin para maupo, naupo naman ako nang nasa gitna ako nina Calvin at Lorencio. Nasa tapat namin sina Jeff at Misha. Pabilog kasi ang lamesa.

"I really thought that Calvin can't make it today" hindi parin makapaniwalang wika ni Misha habang kumakain kami. Napatingin kami kay Calvin.

"I really can't" makahulugang wika pa niya, kumunot ang noo ko dahil don pero natawa si Jeff sa sagot niya. Hays, boys and their language.

"But you're here" mahinang bulong ko sapat na marinig nila.

"Yeah, 'Cause I really can't" kibit-balikat na sabi pa niya sa akin. Napasinghap ako dahil sa sinabi niya.

"Logic guys" tumatawang wika pa ni Jeff sa amin na para bang siya na ang pinaka matalinong tao dito sa round table.

"What's the logic?" Inis na tanong ni Misha kay Jeff tiyaka pa ito sinamaan ng tingin. Natatawang bumulong si Jeff kay Misha, mula sa inis ay sumilay ang ngiti sa mukha ni Misha pagkatapos ng bulong ni Jeff.

Bahagya akong napatalon sa gulat nang bumulong sa akin si Lorencio.

"What the logic, batch valedictorian?" Naguguluhan na tanong ni Lorencio sa akin. Nagkibit-balikat ako sakaniya para sabihin na hindi ko sila magets.

Dance Of Fate [Serano Duology #2]Where stories live. Discover now