"Alexa, that's insensitive" suway sakaniya ni Jeff. Nagkibit balikat si Alexa tiyaka nilunok ang kinakain niya.

"Why? I'm just telling the truth. Ganyan ang nararamdaman noon ng kapatid ko" masungit na wika ni Alexa.

"Pero magkakaiba ang mga tao. Kung yung iba napaghihinaan na ng loob at hinihintay nalang na mawalan sila nang hininga kagaya ng kapatid mo, mayroong iba na pilit nilalabanan sa kabila ng sakit na natatamo nila" paliwanag sakaniya ni Jeff. Nakitaan ko ng inis at pangungulila ang mata ni Alexa.

"Tama si Alexa" sagot ko sakanila kaya napatingin sila sa akin "Hinihintay na lang niyang mamatay siya" napabuntong hininga ako nang maalala ang gabing narinig ko siyang nagmamakaawa na mawalan na siya ng buhay. "Siguro nagtataka kayo kung bakit pero kung kayo ang nasa estado ng buhay namin ngayon, hindi na kayo magtataka. Kulang sa lahat. Kulang kami sa pera, mga ospital sa probinsiya na kulang sa pasilidad. Yung mga katulad namin na nagkakasakit, tinatanggap nalang, hinihinitay na mawalan ng buhay, wala e, walang pera, walang doktor, walang pasilidad. Paano ka lalaban sa isang giyera na wala kang dalang armas?" Natahimik sila sa sinabi ko. .

"I know one foundation who can treat your brother" tanging si Calvin ang bumasag sa katahimikan. Ngumiti nalang ako sakaniya dahil masyado na akong nahihiya sa mga tulong na naibibigay nila.

"Ayos lang" paninigurado ko sakanila "Ikaw ba mag drive, Jeff?" Pag-aalis ko sa topic na iyon.

"Yeah" medyo naiilang na sagot ni Jeff.

"Ayos lang ba sa iyo? Medyo malayo?" Nag-alangan na tanong ko. Siguro ay nakabawi na si Misha dala nang ma-emosyonal kong sinabi kanina.

"Nag land trip na kami Manila to Ilocos, kaya niya iyan" sagot sa akin ni Misha.

Kaagad din naiba ang topic at napunta sa birthday ko. Tuwang-tuwa si Misha habang nagsa-suggest ng gagawin namin sa pagpunta namin roon at sa mismong birthday ko.

"May dress ako na pwedeng pang debut. Hindi ko man nasusuot ang mga binibili ko, sayo na! Bagay sayo iyon panigurado!" Excited na wika ni Misha "Oo nga pala, marunong din akong mag make up, dalhin ko ang make up kit ko!" Dagdag pa nito, natawa si Jeff sa reaksiyon ni Misha.

"Pwede naman akong maging photographer" natatawang dagdag ni Jeff. Napangiti ako sakanilang dalawa.

"Salamat sa inyo ah" hindi ko talaga alam kung paano ako magpapasalamat sakanilang dalawa. Ang sarap sa pakiramdam na may kaibigan akong kagaya nila. Tatanawin kong utang na loob lahat ng kabutihan na binibigay nila sa akin.

"Ano ka ba? Ayos lang iyon. Bakit pa tayo magiging magkaibigan kung hindi rin tayo magtutulungan?" Tanong sa akin ni Misha nang nakangiti "Alam mo excited na talaga akong make up-an ka. Para kang barbie" masayang dagdag pa nito. Natawa ako sa sinabi niya.

"Mukhang na-inlove sayo ang girlfriend ko ah" namilog ang mata ko sa sinabi ni Jeff.

"Mama mo girlfriend! Duh, wala kaya tayong label" sabay irap ni Misha kay Jeff kaya natawa lang din ako.

"Walang label pero naghaharutan" singtit ni Alexa. Hindi siguro mabubuhay ang babaeng ito nang hindi sumisingit, mainit pa man din ang dugo ni Misha sakaniya.

"Oh! Shut up! Ikaw nga hinaharot mo, ayaw naman sayo" pagbabara ni Misha sakaniya.

"Paano mo nasabing ayaw niya sa akin?" Heto nanaman sila.

"Bakit? Sinabi ba niya sa iyo na gusto ka niya o assuming ka lang talaga?" Inis na tanong sakaniya ni Misha, magsasalita na sana sina Calvin at Alexa nang nagsalita pa si Misha "Yes Calvin, gonna shut up now" pangunguna ni Misha kay Calvin. Napabuntong hininga si Calvin dahil sa kakulitan ni Misha.

Dance Of Fate [Serano Duology #2]Where stories live. Discover now