"Maybe you should obey what's your hearts beat" kibit balikat na sabi ko sakaniya. Hindi ko alam kung ano ang i-advice ko sakaniya sa sitwasyon niya.

"I will" nakangiting sagot niya sa akin.

Nakarating na kami sa bahay namin kaya bumaba na ako, nagpaalam ako sakaniya tiyaka nagpasalamat sa paghatid,may mga mata naman kaagad na nakatingin sa akin kahit na gabi na ay mayroon paring mga tao sa labas, mga taong walang ginawa kung hindi maghintay ng update sa buhay nang ibang tao para may pag-usapan. Imbis na maghanap ng trabaho ay maghahanap ng taong gagawan ng istorya.

Huminga nalang ako ng malalim bago pumasok sa bahay nina tita, mukhang wala na akong magagawa sa mga taong imbis na asikasuhin ang buhay nila ay inaasikaso ang buhay ng iba. Tiningnan ko ang wrist watch ko, alas-onse na ng gabi pero meron paring mga naka-abang.

Pagpasok ko sa bahay ay kaagad akong sinalubong ni ate Anj. Inamoy niya agad ako, agad na napangiwi.

"Akala ko nag after party kayo sa bar? Bakit hindi ka naman amoy nakainom?" Takang tanong niya napangiti ako at napailing sa sinabi niya.

"Hindi naman ako uminom, tinikman ko lang yung cocktail" sagot ko kay ate Anj tiyaka kami pumasok sa kwarto niya.

"Hindi mo inubos? Sayang naman ang mahal kaya non, dapat inubos mo na kahit isang glass lang" nakangusong sabi nito, napailing ako dahil sa sinabi niya.

Hindi pa tapos ang klase namin pero lumabas na kami sa classroom, labing-pitong minuto na kasi at wala pa ang professor namin. Sinabi noong orientation na kapag fifteen minutes nang late ang prof namin ay pwede na kaming umalis. Kaya heto kami ngayon ni Misha naglalakad papuntang garden.

"Ah, kumusta kayo ni Jeff?" tanong ko sakaniya. Nagkibit-balikat siya sa sinabi ko.

"Hindi ko alam?" Natatawang sagot niya pero walang humor doon "Pero tinatanggap ko narin sa sarili ko na baka nga, baka nga hanggang magkaibigan lang talaga kami" tiyaka siya ngumiti ng matamis sa akin.

I really admire her for being brave!

May isang bench na hindi nasisinagan ng araw dahil sa malaking puno, doon namin naisipan na umupo.Umupo sa tapat ko si Misha, may lamesa rin na nasa gitna namin.

"Hayyy fresh air!" tiyaka siya pumikit habang nag exhale and inhale. Napangiti ako nang makita siyang nakangiti.

"Uy girls! Nandito pala kayo!" Narinig ko ang pamilyar na boses ni Jeff. Lumapit sila sa amin, akbay niya ang walang emosyon na si Calvin. Medyo nailang din si Jeff kay Misha pero dahil siguro magkaibigan ay binaliwala niya ang ilang niya.

"Obviously" masungit na wika ni Misha habang nakapikit pa. Napatingin ako kay Calvin na agad ring nag-iwas ng tingin sa akin tiyaka tiningnan ang sapatos niya na naglalaro sa mga bato.

"Sabay na tayo mamaya ah? Wala nang tatakas" pagpaparinig ni Jeff sabay tingin kay Misha. Napasinghap lang si Misha at hindi ito pumansin. Tumingin sa akin si Jeff kaya napabaling ang tingin ko sakaniya, nginuso niya naman si Misha sa akin dahil nakapikit pa itong si Misha "Pilitin mo" Jeff mouthed, kumunot ang noo ko nung una dahil hindi ko maintindihan kung anong gusto niyang sabihin hanggang sa nagets ko at marahan akong tumango.

"Sabay na tayo Misha?" Tanong ko kay Misha napa face palm si Jeff sa sinabi ko, in-expect niya siguro na pipilitin ko si Misha. Syempre kailangan ko rin ang side ni Misha kung ayos lang ba sakaniya.

"You go home with Jeff" bahagya akong nagulat sa baritonong boses ni Calvin, napatingin siya sa akin dahil sa reaksiyon ko pagkatapos ay bumaling siya kay Misha. "Misha" tawag niya kay Misha, binuksan ni Misha ang mga mata niya tiyaka umirap sa dalawa.

Dance Of Fate [Serano Duology #2]Where stories live. Discover now