''Hooooy!!!! Ano ba! Kanina pa kita dyan tinatanong. Ano bang bumabagabag sa isip mo?''

Ay anak naman ng! Nagulat ako dun ah. Letse.

''Ha? Wala. Ano ba ulit tanong mo??'' Sabi ko.

''Sabi ko.. Ano ang pinag- usapan niyo ni Jones nung lunch kahapon tapos kung anong klaseng tao ba siya. Kasi eh!! Iniisip mo siya no? Ayeeeeee. Kaya ka pala tulala eh.''

''Bwiset. Hindi. Asa ka. May iba akong iniisip. Ano ba andrea! Push na push mo sa akin si Jones eh. Kayo na lang kayang dalawa para matahimik ka na?'' Irita kong sabi. Kanina pa si Jones bukang bibig eh. Kainis. Hahaha.

''Grabeng galit? Kalma. Nagtatanong lang. Sa'yo na yun kasi kayo naman talaga ang bagay eh. Ayeee. Pero kwento na please!'' Makulit niyang pilit sa akin. Hay. Too childish. Bestfriend ko ba talaga 'to?

''Whatever. Okay para matahimik na yang kaluluwa mo haha joke! Para matahimik ka na.. Magku- kwento na ako.'' Sabi ko.

Agad agad namang nag- ayos ng pwesto ang bruha. Atat na atat talaga. As if boyfriend ko si Jones eh!! Yung totoo? -__-

''Sabay kami nag- lunch kasi ----''

''Ano? Manliligaw daw?? OMG. OMG. I can't!!''

Bwiset. Hindi ako pinapatapos eh.

''Ano ba magpapa- kwento ka o ikaw ang magu- kkwento? -__-'' Inis kong tanong. Ms. Atat talaga.

''Joke lang. O continue na. Masyado lang akong nadala ng excitement feels ko.'' Sabi ng loka habang pumapalakpak.

''So yun nga sabay kami nag- lunch kasi, wala daw siyang kasabay maglunch at tutal wala siyang kasama, edi sinamahan ko. Saka magkaibigan naman na kami kaya okay lang naman..'' Sabi ko.

Pero ang totoo nyan. Alam niyo na diba! Sumama ako sa lunch para huwag niyang ipagkalat kung sino gusto ni Blake kasi patay ko. Hahaha.

''Tapos? Tapos?'' Halatang may hinihintay pa 'to na sasabihin ko eh.

''Tapos.. Tapos na!!'' Sabi ko naman.

''Weehhhh?? If I know.. Yeee. Bestfriend mo ako. Your secret is safe you know.'' Sabi niya.

Ano bang gusto nitong sabihin ko sa kanya? I'm dating him mga ganyan? Iba na talaga kapag broken eh.

''Okay. Shut up. Ewan ko kung anong nakain ng lalaki na yun pero ang hilig bumanat eh!! Tinanong pa nga ako kung pwede daw siyang manligaw. Tss.'' Sabi ko kay Drea.

''Oh my gosh. Anong sinabi mo? Oh em geeee.'' Kilig na kilig ang lola mo. Bwiset. Kinareer yung banat eh. Ugh.

''Biro nga yun. Ano ba! Nakikinig ka ba? Hindi siya seryoso dun.'' Sabi ko habang tinatarayan siya. Lakas ng pagka- shunga ng babae na 'to eh. Err.

Pero napaisip ako dun ah.. Paano kapag seryoso niya akong tinanong ng ganyan? Ugh. Awkward. Hindi siya yung Ideal type ko.

Alam ko super duper makalumang babae ako kasi nag- seset ako ng standards pero anong paki niyo? Eh sa gusto ko eh.

Mabuti kung si Blake siya eh... Pasado na siya. Hahaha. Ano ba yan. Bigla akong kinilig! Langya.

''Pero malay mo... In a joke way niya yun sinabi pero seryoso talaga siya. Malay mo duuuhhh..''

''Ano ka ba. Hindi siya ang type ko saka kaibigan lang tingin namin sa isa't- isa. Maliwanag yun sa amin.'' Sabi ko.

''Ganon ba? Ano ba yan!! Sana may lovelife ka na ngayon. Why do you keep on pushing people away?'' Seryosong tanong ni Drea.

How Many Heartbreaks?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon