Isa pala itong play na ipeperform na sa susunod na susunod na linggo. Napatango kami habang nakikinig. Labanan pala siya per club. Hindi namin pwedeng gawin na musical play dahil gagawin na iyon panigurado ng glee club. 

"Kaya ang naisip ko ay gamit ang pagsasayaw ay parang nagkukuwento. Hindi kayo ang kakanta kundi ang music tapos ay sasayaw lang kayo" paliwanag sa amin ng magiging director namin. Kaagad namin na gets ang sinabi niya. Kagaya ng musical play, kung biglang kakanta ang mga characters dito naman ay biglang sasayaw. 

Nagsimula na kami sa pagpili ng character. Mabait si Direct Rey pero medyo may pagka strict siya. Nagulat ako ng lumapit siya sa akin tiyaka marahan na pinaglaruan ang buhok ko. 

"You're so beautiful" maarteng wika niya niya sa akin. "I like you" dagdag pa niya. "What is your name?" Ngiting bulong niya sa akin. 

"Krizette Claire po" magalang na sagot ko sakaniya. Kumekembot siyang pumunta sa harap. 

"Okay everyone" maarte siyang pumalakpak para makuha ang atensiyon ng lahat. "Krizette Claire will be the leading lady" kumunot ang noo ko dahil sa gulat. 

"Direct! I'll suggest Jared Uy to be her partner. Bagay yung chemistry nila" sabi ng senior na isa sa mga nag apruba sa akin habang nakataas ang kamay. Napatingin sakaniya si Direct. 

"Who's Jared Uy?" Tanong ni Direct. Napatingin kaming lahat kay Jared na nakangiti habang nakataas ang kaniyang kamay. "Let's see, come closer." Utos niya sa amin ni Jared kaya wala akong magawa kung hindi sumunod. "Hmm. Look at each other" gaya nang sinabi ni Direct, ginawa namin ang gusto niya, nakangiti si Jared kaya napangiti na rin ako. Narinig ko ang palakpak ni Direct at ang pagsabi niya ng "Perfect!" 

"Yes iho?" Nawala ang titigan namin ni Jared nang bumaling si Direct sa isang direksiyon, napatingin kami roon at nakita naming nakataas ang kamay ni Calvin. 

Bahagyang siniko ni Misha si Jeff dahil magkakatabi sila, kung saan ako nakapuwesto kanina. Nagkibit-balikat si Jeff bilang sagot siguro sa pagsiko ni Misha. .

"I'm just suggesting to have a screening first?" Seryosong pag suggest ni Calvin. Napataas ang kilay ni Direct sa sinabi ni Calvin. 

"Are you doubting my capabilities to pick for the main roles?" Masungit na tanong ni Direct kay Calvin. 

Biglang tumahimik ang lahat dahil mukhang nawala sa mood si Direct dahil sa sinabi ni Calvin. Tumingin ako kay Misha na nag-alala, nakita ko rin ang mukha niya na may pag-alala habang tumitingin sa akin pagkatapos ay nagkibit balikat siya. 

"I don't know" she mouthed at me. Tiningnan ulit namin si Calvin na ngayon ay nakangisi. 

"I'm not, but how can sure are you that he is fit to be the main role?" Hindi ko alam kung anong trip ni Calvin ngayon. 

"I am fit, besides I enrolled for two years in an acting workshop" singit ni Jared sa tabi ko dahil mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Calvin. 

"See iho? He went to an acting workshop" balik na ngisi ni Direct sakaniya na para bang napahiya si Calvin "Hayaan mo at kapag hindi ko nagustuhan ang acting niya ay ikaw ang ipapalit ko" patuya na dagdag pa niya. 

Nagsimula na kami para mawalan narin ang tensiyon pero sa buong practice ay bad trip si Calvin. May istorya kaming sinusundan.

Ang sypnosis ay; napanood ng lalaki ang bidang babae sa isang dance competition at habang pinapanood niya ay hindi niya maiwasang humanga sa dalaga. Hanggang sa nagkita ulit sila sa isang dance workshop, nagkamabutihan ang kanilang loob hanggang sa nagkaroon ng problema at iniwan ng babae ang lalaki pero ang ending ay muli silang pagtatagpuin ng sayaw.

Matapos ang practice namin ay pareho kaming naupo ni Misha sa sahig ng stage habang hinihingal. Nagpunas na siya ng pawis niya kahit na naka aircon naman ang AVR room. May stage kasi dito na maliit para sa maliliit na program sa school, pwedeng ganapin dito. 

"That was exhausting!" Misha rant. "Ang strict pa ng director! E yung sayaw at acting natin kanina pwede na sa performance!" Reklamo pa niya. 

"Hayaan mo na, pressure lang din siguro kasi two weeks preparation lang. Tapos hindi pa magkakatugma ang schedule" sagot ko kay Misha pero mukhang hindi ko mababago ang pananaw niya. 

"Kahit na no! Napapagod din naman tayo!" Reklamo pa niya. Ginabi narin kasi kami sa kakapractice "Na memorize na nga natin eh" dagdag pa niya. 

"Ayaw mo iyon? Na memorize natin agad" pagpapakalma ko sakaniya. Siguro ay gutom lang ulit siya kaya wala siya sa mood. 

"Hey girls!" Tumatawang lapit ni Jeff sa amin tiyaka binigyan si Misha ng Gatorade. Lumapit din sakin si Calvin tiyaka inabot sa akin ang isang gatorade. 

Pare-pareho kaming uminom dahil narin siguro sa pagod. Maagang umalis sina Jared kasama ang pinsan niya kaya hindi na ako nagulo ni Alexa, may emergency dinner ata sila, iyon ang sabi ni Jared. 

"Grabe! Ang galing mo rin palang umarte! Ramdam ko yung emosyon!" Papuri sa akin ni Jeff habang nakaupo sa tabi ni Misha. Nasa tapat ko naman si Calvin. 

"Ah hindi naman" nahihiyang sagot ko sakaniya. 

"Mabuti marunong ka?" Tanong niya sa akin. Bahagya akong nahiya dahil sa topic. 

"Ah. HUMSS kasi, more on performances and paper works kami" sagot ko sakaniya. Humanities and Social Sciences kasi yung kinuha ko nung Senior High. 

"Ohh. That explain why" tumatangong sabi pa niya "Pero ang ganda ng chemistry niyo ni Jared ah? Hindi nga nagkamali si Direct" dagdag na sabi pa ni Jared. 

"Jeff" suway sakaniya ni Misha na para bang may sikretong lenggwahe sila na sila lang ang magkakaintindihan. Nagkibit-balikat si Jeff sa suway ni Misha. 

"Ah. Magaling lang din sigurong umarte si Jared" sagot ko sakaniya dahil wala na akong alam isagot sa sinabi niya. 

"Let's have a dinner" sabay tayo ni Calvin mula sa pagkakaupo tiyaka naunang naglakad sa amin. 

"Tsk tsk" umiiling si Misha habang nakatingin sa papaalis na Calvin. "Again, Jeff? Really?" Inis na baling niya kay Jeff. Jeff just chuckled. 

"It's not my fault. It’s his emotion" natatawang dagdag pa nito. Inirapan ni Misha si Jeff tiyaka ikinilingkis ang braso niya sa akin. 

Tumakbo si Jeff para masabayan si Calvin. Habang nagrereklamo naman sa tabi ko si Misha na masyadong mapang-asar si Jeff. Baka kapag nabadtrip si Calvin ay hindi na niya raw kami ililibre. Natawa lang ako sa sinabi niya. 

"Iyan talagang si Jeff, laging inaasar si Calvin lalo na ngayon!" Dagdag na reklamo pa ni Misha. 

"Ganyan siguro talaga kapag lalaki" pagpapaintindi ko sakaniya. Umiling si Misha sa sinabi ko. 

"Naintindihan ko naman iyon pero alam mo na ang mga lalaki, pikon. E ako naiipit sakanilang dalawa kapag nag-aaway sila" busangot na wika ni Misha sa akin. 

"Sabagay, pero ganyan siguro talaga sila. Mga isip bata pa lalo na kapag hindi seryoso ang pinag-uusapan" nagkibit-balikat si Misha sa sinabi ko tapos ay iniba ang topic namin. 

"Pero grabe laging nanlilibre ngayon, dati nga candy lang magpapatayan pa sila ni Jeff" natawa lang ako sa pagdedescribe ni Misha. 

"People change" sagot ko sakaniya. Napatango siya sa akin. 

"Yup. People change especially when people came" kumunot ang noo ko sa sinabi niya pero ipinagkibit balikat ko nalang iyon. 

People change especially when people came, huh?? 

Dance Of Fate [Serano Duology #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon