“Nako! Kaya ikaw Anjo! Huwag ka munang magbubuntis! Mas okay na yung sa video games ka na muna” nag-aalalang wika ni tita Anya. “Ikaw pa naman ang lalaki kaya ikaw ang mas mabigat ang responsibilidad” dagdag pa ni tita Anya.

“Oo naman ma” sagot ni Anjo sakaniya. 

May kung ano pang napag-usapan habang nasa hapag. Tinanong din ni ate Anj kung kumusta ang prelims namin. Sinagot ko naman na ayos lang at kung saang parte ako nahirapan. Hindi ko naman sinabi sakanila ang tungkol kay Alexa, ayaw ko na rin silang mag-alala. 

Nagulat lang siguro si Alexa sa presensiya ko kaya naging ganon ang reaksiyon niya. Pinagkibit balikat ko nalang iyon. 

Nang matapos kaming kumain ay nagpresenta na akong maghugas ng pinggan. Kaya sininop ko na ang mga pinggan tiyaka nilagay sa lababo. Kinuha ko na ang sponge tiyaka nagsimula na akong maghugas. 

Ilang minuto rin akong naghuhugas hanggang sa natapos ko narin. Pinunas ko sa damit ko para matuyo na ang kamay ko tiyaka ko ginalawa ang ulo ko dahil ilang minuto rin itong nakayuko. Palabas na ako sa kusina nang magkasalubong kami ni ate Anj. 

“May naghahanap sayo” nakangising sabi sakin ni ate Anj. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. 

“Sino raw ate?” Nagtatakang tanong ko. Nagkibit-balikat siya sa tanong ko. 

“Mabuti pa tingnan mo nalang kung sino. Naghihintay siya sa harap” sagot ni ate Anj. 

Hindi naman malawak ang bakuran nila kaya nang nasa pintuan ako ay nakita ko si Calvin na prenteng nakasandal sa kotse niya habang nasa bulsa ang isang kamay at pinaglalaruan ang isang kamay niya ang kaniyang cellphone.

Nang mapansin niya ang presensiya ko, hinubad niya ang sun glass niya tiyaka binulsa ang kaniyang cellphone. Naiilang na ngumiti siya sa akin tiyaka tinaas ang isang kamay and he mouthed ‘hi’. 

Nilapitan ko siya para makapag-usap kami. Taka ko siyang tiningnan kung bakit siya nandito. 

“Ahh? Napunta ka rito?” Tanong ko sakaniya.

“I just want to check you” sabi niya “I’m sorry” mahinang dagdag niya tiyaka napayuko. 

“Ayos lang iyon. Hindi mo naman kasalanan” hindi ko alam kung paano niya nalaman ang ginawa sa akin ni Alexa. 

“Are you okay?” Tanong niya habang in-examine ang mukha at braso ko. Ngumiti ako sakaniya. 

“Yup. I’m okay” ngiting sagot ko sakaniya. 

“Kriseta! Papasukin mo muna ang kasama mo” sigaw ni ate mula sa loob.

“Ah. Ahm. Pasok ka” wika ko sabay turo sa munting bahay nina tita. Napakamot siya batok niya tiyaka sumunod sa akin. 

Nang makapasok na kami ay sinalubong kami ni ate Anj. Ngumiti siya sa akin tiyaka siya tumingin kay Calvin nang nakangiti. 

“Good afternoon po” bati ni Calvin kay ate tiyaka bahagyang yumuko bilang pag respeto. 

“Good afternoon din, pasensiya kana at maliit lang ang bahay namin. Maupo ka” tiyaka nilahad ni ate ang upuan sakaniya. Naupo kami ni Calvin sa sofa. 

“Ayos lang po, walang problema” sagot ni Calvin. Napatango si ate kay Calvin. 

“Teka lang kuha lang ako ng miryenda sa store. Nagtanghalian kana ba?” Tanong ni ate pa sakaniya. 

“Opo” tumango si ate sa sagot ni Calvin tiyaka lumabas ng bahay para kumuha ng miryenda sa store. 

“Ahm” hindi ko alam kung anong sasabihin ko ngayong kami lang dalawa sa bahay. 

Dance Of Fate [Serano Duology #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon