"Oo nga pala, saan nga pala kayo pumunta ni Calvin kaninang umalis kayo?" Takang tanong ni Misha at kung anong mayroon sa mga mata niya na nang-aasar. 

"Sa clinic, ginamot lang niya yung sugat ko" namilog ang mata ni Misha dahil sa sinabi ko na para bang hindi siya makapaniwala. 

"What? Ginamot niya? O ginamot ng nurse?" Paninigurado ni Misha sa sinabi ko. 

"Ginamot niya" pagtatama ko sa kaniya kaya dahan-dahan nag hugis O, M at G ang bibig niya. 

"Seryoso kaba?" Napakunot ako sa tanong niya. Mukha ba akong nagbibiro? 

"Oo" sagot ko sakaniya. Ngumiti siya na may halong pang-aasar tiyaka tumango-tango. 

Nakarating narin kami sa madalas na parking-an ng sasakyan ni Calvin. Wala pa roon ang dalawa at wala kaming susi ni Misha sa kotse kaya sa tabi ng kotse kami naghihintay habang dinadial ni Misha ang isa sakanilang dalawa. 

"Hello Jeff? Nasaan na ba kayo? Ang tagal niyo! Kanina pa kami rito!" Sunod-sunod na lintanya ni Misha kahit na kakarating lang namin. Bahagya kong narinig ang boses ni Jeff sa kabilang linya pero hindi ito malinaw "Sabihin mo bad trip na si Krizette, kanina pa kami rito" bahagya akong nagulat sa sinabi ni Misha kaya napatingin ako sakaniya na may pagsuway, sinenyasan naman niya ako na tumahimik ako. Nakakahiya dahila ako na ang nakikisabay. Binaba na ni Misha ang cellphone niya. 

"Nakakahiya naman baka akalain nila na ang demanding ko" sagot ko kay Misha. Umiling si Misha sa sinabi ko. 

"Two minutes nandito na iyon" natatawang sabi sa akin ni Misha. 

Wala pang dalawang minuto nakita ko na ang dalawa na tumatakbo. Nauuna si Calvin habang kasunod niya si Jeff na hinihingal sa likod niya. Nagulat ako nang nasa tapat ko na si Calvin. 

"Sorry, we're late" hinihingal na sabi ni Calvin sa harapan ko habang sa likod niya si Jeff na nakahawak sa tuhod niya habang humihingal. 

"No. No. It's okay" panigurado ko sakaniya. Baka akalain niya na bad trip nga ako dahil sa sinabi ni Misha. 

"Hay! Nakakapagod yon ah?" Hinihingal parin na wika ni Jeff. Napatingin ako kay Misha na naka ngising nakatingin sa amin. 

"Let's go!" Yaya ni Misha. Pinatunog na ni Calvin ang sasakyan tiyaka niya binuksan ang nasa front seat. 

"You, sa front seat" wika ni Calvin habang nakahawak sa pintuan ng front seat. Tiningnan ko si Misha na ngayon ay naka 'O' ang bibig tiyaka ito ngumisi at tumango sa akin. 

Marahan ang kilos ko papunta sa front seat, binuksan narin ni Misha ang back seat tiyaka sila pumasok ni Jeff roon. Tahimik akong pumasok tiyaka sinara ni Calvin ang pintuan, umikot na siya para makapasok sa driver seat. 

Habang nasa biyahe kami ay nakangisi ang dalawa na parang baliw sa likuran. Minsan ay nagbubulungan sila kaya lalo silang napapangisi. Hindi lang sila pinapansin ni Calvin tiyaka seryosong nakatingin sa kalsada. 

Nagbukas ng topic si Misha tungkol sa prelims kaya may napag-usapan kami. Sinabi rin ni Misha na hindi siya makakasabay pauwi sa last day of prelims dahil may pupuntahan silang event ng pamilya niya. 

"Hmm. Pwede naman akong mag commute non" nakuha ko ang atensiyon ni Calvin dahil sa sinagot ko kay Misha. 

"Why? We can drive you home" biglang saad niya. Lumawak ang ngisi ni Jeff sa likod at marahang natawa si Misha. 

"Ah. Nakakahiya kasi" nahihiyang wika ko. Natawa si Jeff sa sinabi ko. 

"Don't be. Hindi ka naman namin papabayaan, lalo na si Calvin" ngiting-ngiting wika ni Jeff. Napatango ako dahil mukhang wala akong choice. 

Dance Of Fate [Serano Duology #2]Where stories live. Discover now