Hide and Seek

219 14 5
                                    

Episode XII

Hide and Seek

Nikyjoy Robinson

"Bumalik na tayo sa may bahay, kaunin natin si Gen" pakiusap ko sa tatlo, natatakot na talaga ako sa mga nangyayare. Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko.

Dali dali kaming bumalik na apat, at sabay sabay naming hinanap si Gen at Alex.

"Naniniwala ba kayo kay Alex na hindi siya yung killer?" tanong ni JC sa aming lahat habang hinahawa ang mga malalagong damo na nadadaanan namin.

"Parang may sayad sa utak yung mokong na yun eh. Nasisiraan na talaga ng bait" galit na sagot ni Sam.

"Trust me, guys! Naniniwala akong si Alex ang killer. Sinabe niya sa akin na babalikan niya tayo, matagal ko na tong tinatago pero alam ko na siya ang pumatay kay Alodia" dagdag pang salaysay ni Sam.

Napatigil kami sa paglalakad dahil sa narinig namin.

"Hindi ganon yun. Kilala ko yun eh" nagtatakang sambit ni JC.

"Anong motibo niya para patayin tayong lahat?" dagdag pa niyang tanong.

Sa isip ko rin na baka si Alex nga ang killer pero gaya ng sabe ni JC, ano yung motibo niya para gawin yun?

"Ang hirap ma-identify ng killer, parang ang motibo lang niya ay pag-awayin tayong lahat" giit ko, mukhang nawawalan na ng gana ang lahat, sobrang pagod ang nararamdaman ng bawat isa at sumasabay pa talaga ang antok.

"Naguguluhan na talaga ako sobra" sambit ni Kael, habang pagewang gewang pa kung maglakad.

Napagbintangan namin ang bawat isa ngunit wala pala sa amin ang tunay na salarin, pero hindi ko pa rin maisip kung yan lang ba talaga ang motibo ni Alex para patayin kaming lahat at isusunod pa niya si Gen.

Sa sobrang pagkauhaw, nang makarating kami sa bahay ay agad kaming uminom ng tubig.

"May natunog na cellphone" sabe ni Sam habang tumitingin ng mga pagkain sa ref.

"Aking ringtone yun" sagot naman ni Kael habang hinahanap ang cp niya gamit ang flashlight, nakatalikod siguro yung cp noong bumagsak kase kung nakaharap yun makikita namin agad yun dahil sa ilaw o brightness.

Tinulungan ko din siya maghanap at nasa may ilalim lang pala ng upuan ni JC

"Oh ito na" pag-abot ko ng cellphone kay Kael, ako na rin ang sumagot ng call para hindi na mamatay kung sakaling maabot ko na.

"Hello Mommy"

"Ano?"

"Si Njay nawawala?"

"Kailan?"

"Bakit hindi niyo alam?"

"Sige paalis na rin kami dito at nagkaproblema"

"Shit! Namatay pa cellphone ko!" naputol ang usapan nila ng mama niya nang bigla siyang malowbat, wala rin naman kaming magagawa dahil brownout pa din.

"What happen to Njay?" tanong ni JC habang kumakain ng mansanas.

"Sabe ni Mommy, nawawala daw si Njay. Kailangan na natin mahanap si Gen at Alex para makaalis na rin tayo dito sa bahay" hindi mapakali si Kael sa pwesto niya, ako na mismo ang naliliyo sa pag-ikot ikot niya sa pwesto niya.

Nalowbat na ang flashlight ko at tila yung kay JC at Kael nalang ang nagiging silbi sa liwanag na dadaanan namin.

Tumaas kami papunta sa second floor para icheck kung nandoon pa si Gen.

"Umalis na kaya tayo dito. Matik naman na papatayin na ni Alex si Gen. Isumbong nalang natin si Alex sa pulis, tutal siya naman yung killer eh" sambit ni JC nang makaramdam na siya ng sobrang pagod, at pagkaantok.

"Hindi tayo aalis dito hanggat hindi natin nakikita si Gen. Naniniwala ako na hindi yun papatayin ni Alex." panatag na sabe ni Sam habang umaakyat kami pataas ng hagdan.

"Try kaya nating maghiwa-hiwalay" suggest ni Kael habang patuloy na nagmamasid sa bawat daan na mapupuntahan namin.

"Hindi, maganda na maghiwa-hiwalay pa tayo baka mamaya kapag isa sa atin ang nakahanap kay Gen, ang isa naman ay mawala" hindi ko pagsang-ayon, mayamaya napansin ko si JC na hindi mapakali at paulit ulit niyang kinakapkap ang bulsa niya na para bang may nawawala.

"Anong meron?" tanong ni Sam sa kanya habang titig na titig kay JC.

"Yung baril ko naiwan ko sa may kusina" takot na sambit naman ni JC, babalikan sana namin nang biglang tumumba si Kael.

Agad namin siyang dinala sa kwarto para hayaang makapagpahinga siya.

"Gusto ko na umuwi, gustong gusto ko na mahanap ang kapatid ko." pakiusap sa amin ni Kael, gusto rin namin pero si Gen na yung nasa peligro. Siya ang pinuno ng grupo kaya hindi pwedeng siya yung mawala. Nginangatngat pa niya ang kuko niya sa sobrang pighati.

"Wait, baril ba yun?" tanong ko ng makita ko yung baril na nakalagay sa may sahig. Agad naman itong kinuha ni JC para pagmasdan ng mabuti.

"Yan ba yung baril mo JC?" tanong ni Sam sa kanya.

"Hindi ito akin pero sobrang lakas ng kutob ko na ito ang ginamit ni Alex para barilin si Berliz" seryosong sagot ni JC, habang pinapasok sa bulsa niya ang baril.

"Lexuz, hinding hindi ko pa rin matanggap" pighati ni Kael, naawa ako sa kalagayan niya na sobra talaga siyang napamahal kay Lexuz, pero patay na kase yun eh ang kailangan naming gawin ay mahanap si Gen.

"May narinig ako sa may taas" sagot ko nang makarinig ako ng nabasag na bote, sinubukan kong akayin si Kael pataas. Samantalang hawak hawak ni JC si Sam habang hawak hawak niya ang baril. Si Sam naman ang naghahawak ng flashlight.

Sobrang dilim at tila nakakapangilabot na dahil isa nalang ang flashlight na bukas.

"Si Alex nagtatatakbo" bulong ko sa kanila nang bigla kong makita si Alex sa gilid.

"Si Gen, ang dapat nating hanapin ngayon baka kung ano na ang nangyare sa kanya" sambit naman ni JC habang patuloy pa rin sa paglalakad.

Ako ang kinakabahan sa kung ano pwedeng mangyare sa pinsan ko, gusto ko pa siya mamuno sa amin kahit minsan istrikto siya sobra niya talaga kaming pinrotektahan.

"Kapag hindi na natin mahanap si Gen, uuwi na ako promise. Kailangan ko mahanap ang kapatid ko" malungkot na sambit ni Kael habang nakahawak sa akin. Paano siya makakaalis mag-isa kung hanggang ngayon akay akay ko pa rin siya.

Nakarating na kaming lahat sa may 3rd floor nang may napansin kaming tunog na parang may nagalaw.

"Sa bodega yun! Wag kayo maingay" sambit ni JC habang dahan dahan kami naglalakad.

Sinubukan na namin buksan ang bodega at nagulat kami sa aming nakita, si Njay na nakatali ang kamay at paa. May nakataklob pa na panyo sa may bibig, at familiar sa akin yung damit. Siya ang tumulong sa akin nang makulong ako ni Kael sa may aparador.

"Sino may gawa sayo nan?" tanong ni Kael dito habang tinatanggal ang mga tali at panyo na nakatakip sa bibig nito.

"Si Alex ba?" tanong naman ni Sam, habang binubuksan ang fuse. Ngayon pala namin narealize na hindi pala brownout kundi sinadya ang ganap na pangyayare. Agad na nagkameron ng ilaw.

"Hindi!" nabigla ang lahat sa naging sagot niya.

CHAPTER END

Who's The Killer?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon