The Mask

217 12 1
                                    

Episode IX

The Mask

Samantha Hill

"Gusto ko ng umuwi" hagulgol na bulong ni Kirklynn sobra ang yakap niya sa akin at hindi namin alam kung paano kami makakalabas dito sa loob ng nakakatakot at nakakadiring bodega, mapapansin mo ang mga sapot sapot sa gilid at mga amoy na sobrang sakit sa sikmura, nagsisisi pa ako na kinulong ko kaming lahat dito sa bahay.

"Hmm, hayaan mo! Pinapangako ko na makakauwi tayo dito ng ligtas" pagpapakalma ko sa kanya, hindi ko rin naman akalain na ganito ang mangyayare. Kung alam ko lang sana na ganito hindi na ako para mag-attitude pa.

"Pinapangathan ako dito" wika pa niya, sino ba ang hindi lalamukin dito sa bodega na puro tambak ng sira sirang mga gamit.

"Lalabas tayo dito, tumayo ka na" sabe ko sa kanya, dahan dahan naming binuksan ang pintuan  at dali daling lumabas. Nakarating na kami sa may parte ng sala nang biglang makita ko si Danica na may saksak ng kutsilyo sa leeg, naliligo sa mga sariwa niyang dugo, mulat na mulat pa rin siya kahit patay na siya at nakakatakot lang na nakalabas pa ang dila niya.

"Hindi ako" tanggi ni Kael nang makita rin namin siya sa harapan mismo ng bangkay ni Danica. May hawak siyang kutsilyo pero ang pinagtataka ko bakit walang bahid ng dugo. Tila natulala si Kael at hindi niya alam kung tatakbo ba siya o mananatili. Sobrang higpit ang hawak ni Kirklynn sa bewang ko, at ramdam ko ang nginig sa kanyang katawan.

"Anong ginawa niya sayo, Kael?" hagulgol na tanong Kirklynn, nang makarating siya sa bangkay ni Danica at yakap yakap pa niya ito. Ibang klaseng friendship ang nabuo ng dalawa, sobra ang pagmamahal nila sa bawat isa.

"May balak akong patayin siya pero hindi ako ang pumatay sa kanya" tugon ni Kael, hindi ko na alam kung madudulas ba siya sa sinasabe niya o nadulas na. Napansin ko rin ang takot na dumadaloy sa kanya, nandun rin ang pagsisisi at pagkahiya.

"Magsasabe ka na ngalang ng totoo, lalagyan mo pa ng kasinungalingan." galit na sabe ko, hindi ko na alam ang gagawin ko. Agad na pumasok sa isip ko na baka sa tingin ng kasamahan ko ay ako ang pumapatay dahil sa asal na nagawa ko kanina pero ngayon nakita ko na rin ang pinakatunay na mastermind.

Hindi naglaon biglang dumating na rin si Gen at Lexuz, natumba pa si Gen nang makita niya si Danica na nakahalindusay sa sahig, sobrang higpit ng pagyakap niya dito samantalang si Lexuz naman ay dali daling pumunta kay Kael at nagyakapan pa ang dalawa.

"Ikaw ba ang salarin?" rinig kong bulong ni Lexuz kay Kael, pero talagang tumatanggi siya. Ako ay naguguluhan na rin pero alam ko naman sa sarili ko na hindi ako.

"Sino ang pumapatay?" galit na tanong ni Gen sa aming lahat. Napansin ko ang luhang pumapatak sa kanya.

Nagtataka nalang ako na lahat sila nakatingin sa akin, maliban kay Kirklynn.

"Bakit tayo nalang ang nandito? Nasaan si Niky? Nasaan si Ceazarina? Nasaan si JC? Nasaan ang bangkay ni Berliz?" dagdag pang tanong ni Gen, habang dahan dahan siyang tumatayo, naghubad na rin siya ng damit niya dahil sa dugo rason ng pagkakayakap niya kay Danica.

"Sa ating lima na buhay pa rin ngayon, umamin na kung sino ang killer" hagulgol pa rin na iyak ni Kirklynn, patuloy pa rin ang pagyakap niya kay Danica. Sobra sigurong nagunaw ang mundo niya nang makita niyang ganon ang sinapit ng pinakamamahal niyang kaibigan.

Who's The Killer?Where stories live. Discover now