Revenge

218 12 4
                                    

Episode XI

Revenge

Daniel Dragicevic

"Gen bakit mo to ginawa?" nagising nalang ako sa hiyaw at iyak ni Kael, nabigla ako na pagkagising ko ay may hawak na akong kutsilyo na punong puno ng bahid ng sariwang dugo at nagulat nalang ako sa nakita ko. Si Lexuz na may saksak sa leeg at tanggal ang mata, parang hindi tao ang gumawa nito mas masahol pa sa demonyo at ginawa pa niyang hayop ang katawan niyong si Lexuz.

"Wala akong alam sa nangyare" nangangatal kong sabe, ayos pa nang makita ko si Lexuz kanina buhay na buhay pa siya at tipong nag-aasaran pa kami. Sinubukan ko lang naman umidlip kahit isang saglit tapos ganto na agad ang bubungad sa amin.

"Anong nangyare diyan?" nagulat na tanong ni Sam nang makapasok siya sa loob kasama ni JC. Napatakip pa sila ng bibig sa sobrang pagkakagulat.

Napansin ko kung gaano kamahal ni Kael si Lexuz, yakap yakap niya ito at tila hinahalikan pa sa pisngi.

"Nabuksan na namin ang pintuan pwede na tayo makauwi" seryosong wika ni JC.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko para kumportahin si Kael ngunit napapansin kong sobra siyang nasasaktan.

"Bakit mo siya pinatay Gen?" sisi niya sa akin, as in wala talaga akong idea sa mga pangyayare. Ni pumatay ng pusa, aso, daga, langgam at anumang hayop takot na takot ako. Hindi ko pa nararanasan maging Killer pero ako ang huling killer sa nilaro naming Who's The Killer.

"Kael, hindi ako" mahinahon kong sabe sa kanya. Niyakap ko siya subalit tinulak niya ako, alam naman siguro niya na bawat isa sa amin ay napag-aabutan lang. Iba nga sa pakiramdam ang mapagbintangan kaya ako hindi na ako manghuhusga muna.

"Bitawan mo ko! Mamamatay tao ka" sabe niya sa akin, nasasaktan ako sa sinasabe niya kahit na kalapastanganan ang sinasabe niya ay hindi ko magawang depensahan ang sarili ko.

Ako ang leader, dapat nakikita niya o alam niya kung sino ang kausap niya.

"May nakita kami kaninang tao na nakakulubong sa malaking kumot. Hindi ko alam kung lalake ba o babae. Ayun din ata yung lalakeng nakita ko na nakasuot ng mask" seryosong sabe ni Sam

"Pero bago yun, nagpunta kami sa lugar kung saan nandoon daw ang bangkay ni Niky pero bigla nalang daw nawala don" dagdag pa niyang sabe.

Pumasok sa isip ko na ginagawa ba to ni Niky dahil sa nangyare sa kanila ni Njay? Ano ang motibo niya? Pumapasok pa rin sa isip ko na imposible na maging siya yun. Sobrang bait at busilak ng puso ni niya kaya hindi ako maniniwala kung siya ang gagawa ng pangyayareng yun.

"Guess who's back!" nagulat kaming lahat nang biglang pumasok si Niky na may hawak na baril na nakatutok pa kay Kael, nakakatakot siyang tingnan mapapansin mo ang durog na parte ng bote sa ulo niya at ang katawan niya ay puro dugo, hindi na namin alam kung paano kami makakalabas dahil nakaharang siya sa may pintuan.

"Sinasabe ko na nga ba Niky ikaw ang may pakana ng lahat" galit na sabe ni JC, kita ko ang gigil lalo na sa pangingining ng nakasarado niyang kamao. Gusto ko sana sila pigilan kaso natatakot na ako na madawit o madamay dito. Sa susunod kapag naging ayos na ang lahat magpapatanggal na ako bilang presidente nilang lahat.

Who's The Killer?Where stories live. Discover now