Ex Lovers

212 10 1
                                    

Episode X

Ex Lovers

Juan Carlo Trevanion

"Sam, anong ginawa mo sa kanya?" tanong ko nang makita kong nakatirik patiwarik si Kirklynn sa sarili nitong kwarto. Putlang putlang na ang balat niya at tila nakakakilabot tingnan.

"Wala akong alam, hindi ko alam kung ano nangyare. Balak ko sana siyang kausapin pero ito na ang inabutan ko. Baka naman ikaw, ginagawa mo lang ito para iset up ako." tanggi niya. Hindi ko ba alam kung maniniwala ako sa kanya, sobrang laki na talaga nang pinagbago niya. Hindi naman siya mamamatay tao.

"Anong meron?" tanong ni Gen nang makapasok bigla siya sa kwarto kasama nina Lexuz at Kael.

Laking gulat ang nakita ng tatlo sa nangyare. Ako din ay sobra ng natatakot na sa bawat parte ng bahay ko ay may mga bangkay na nilalangaw at may dugong tuyo na.

"JC, ikaw ang ngayon lang namin nakita. Hindi ka naman parte ng grupo. Huwag mo nang itanggi dahil ikaw lang ang sa tingin kong makakagawa nito" bintang ni Lexuz sa akin, habang tinatanggal si Kirklynn sa pagkakatali ng patiwarik.

"Magulo na. Unang nasa isip ko si Sam dahil akala ko kinulong niya tayo para gawin ang mga karumal dumal na krimen. Sunod si JC dahil siya lang ang hindi natin kilala at saulado niya tong bahay. Isa pa yung pagkakulong ni Berliz sa may aparador at yung nakita ni Kael sa may drawer na puro bala ng baril dagdag pa diyan sa baril na hawak mo ngayon. Si Kael, naisip ko na dahil sa sikreto nila ni Lexuz kaya nagawa niyang patayin lahat para mamaintain yung popularity kaya nagawa niyang patayin na rin si Niky, isa pa dito ay yung sinasabe niyang hustisya" sambit ni Gen sa amin lahat habang tinitingnan ang bawat isa sa mata. Naguguluhan na rin ako pero kilala ko naman ang sarili ko at hindi ko intensyon ang pumatay. Tumutulong na nga ako sa kanila eh pero dahil ako ang hindi belong sa grupo kaya napapagbintangan ako.

"Wala akong alam sa pangyayareng ito. Maniwala kayo sa akin, please. Napag-abutan lang ako." tanggi ni Sam, napansin ko ang pagpatak ng luha ni Sam. Ayoko nalang umimik, kung tutuusin mahal ko pa yung tao pero talagang sumosobra na yung ugali na meron siya. Ibang iba na talaga siya sa nakilala ko.

"Kanina may nakita akong taong nakamask hindi ko makita kung babae ba siya o lalaki, may hawak siyang kutsilyo at hinahabol niya ako" dagdag pa niyang sabe habang pinupunasan ang luha sa kanyang mga mata, hindi ko nagawang maniwala dahil nalibot ko na itong buong bahay kanina. Sa pakiramdam ko sinabe niya lang yun para pagtakpan ang sarili niya.

"JC, nahuli kita kanina sa harap ng bangkay ni Ceazarina" giit ni Kael, ang hirap ipaliwanag sa kaniya na napag-abutan lang din talaga ako, napag-isip isip ko na baka may iba pa kaming kalaban pero sino?

"Wala akong alam dun, tutulungan ko sana si Ceazarina pero huli na ang lahat. Hindi ko na rin naabutan kung sino ang gumawa non" sagot ko sa kanila, wala ako naalalang napatay ko ngayong gabi. May hawak akong baril pero hindi ko pa nga naikakasa to. Hindi rin ako maalam kung paano humawak nito.

Napatigil ang lahat sa usapan ng marinig namin ang putok ng baril.

"Wala sa ating lahat ang killer" sambit ko sa kanila, napag-isip isip ko na kung kami nalang lima ang buhay sino ang magpapaputok ng baril?

"Sam, JC at Kael magsama sama kayong tatlo, para hanapin kung saan galing yung tunog. Lexuz samahan mo naman ako." utos ni Gen sa aming lahat.

Ako ay naguguluhan na rin sa nangyayare, andami nang namatay pero hindi ko alam kung sino ang may pakana nitong lahat, nakakabaliw. Hindi ko naman pinangarap na maging police pero kailangan ko maging mapagmatyag..

Who's The Killer?Where stories live. Discover now