Chapter 1

1.6K 24 0
                                    

Chapter 1 

Probinsiyana 

Mula sa isang ordinary bus, nakarating na ako sa terminal dito sa Manila. Pagkababa ko ng bus ay iba't-ibang amoy kaagad ang naamoy ko pero nangingibabaw parin ang amoy ng mga usok ng sasakyan. Hindi kagaya sa nakagawian kong probinsiya sa Morong kung saan dagat ang aking natatanaw at huni ng ibon ang aking naririnig. 

"Zette!!" Tinawag ako ng isang pamilyar na boses. Luminga ako at tumingkayad para makita ko kung nasaan si tita hanggang sa makita ko siyang kumakaway na kakababa lang sa inupahang tricycle, hawak-hawak ang isang wallet na nakalagay sa tapat ng tiyan at ang salamin niya. 

Napangiti ako nang makita ko si tita, at least sa gitna ng maraming tao meron isang pamilyar at kakilala ko. 

"Tita Anya!" Sigaw ko habang tumatakbo malapit sakaniya. Nang makalapit na ako ay kaagad akong nagmano sakaniya. Ngumiti siya sa akin. 

"Mabuti nalang at hindi ka naligaw," pagbibiro niya sa akin "bata kapa nung huli kang pumunta rito" dagdag pa niya. Ngumiti ako dahil sa sinabi ni tita. 

"Kaya nga po e, wala na nga po akong masyadong matandaan dahil masyado pa po akong bata nung huli kong punta pero base po sa memorya na naalala ko pa, marami nang nagbago sa lugar" tumango-tango si tita sa sinabi ko tiyaka niya ako hinila papasok ng tricycle. 

Kinuha ni manong ang dala kong isang malaking bag tiyaka nilagay sa likod ng tricycle. Komportable na kaming nakaupo ni tita. 

"Marami na ngang nagbago sa Maynila, merong maganda ang kinalabasan pero marami ang kapalpakan" natawa akong bahagya sa opinyon ni tita tungkol sa pagbabago ng Maynila. 

"Alam niyo naman po kung anong klaseng gobyerno meron tayo, oo nga po at may ilan sa mga nanunungkulan na busilak ang kalooban pero mas marami parin ang mga may masasamang adhikain" tumango-tango si tita dahil sa sinabi ko. 

"Tama ka riyan! Kaya nung sinabi sa akin ng ate Anjeline mo na gusto niyang mag guro hindi na ako nangarap pa sa isang matiwasay na buhay" madamdamin na wika sa akin ni tita. Si ate Anjeline ang panganay na anak ni tita, sumunod si Anjo na pangalawa at bunsong anak ni tita na nasa senior high palang. 

Marami kaming napag-usapan ni tita habang nasa loob kami ng tricycle. Napag-usapan din namin ang unibersidad na papasukan ko. Laking pasalamat ko nang matanggap ako sa iskolar ng CHED at natanggap ako sa isang sikat na unibersidad sa bansa. 

Nang makarating na kami sa bahay nina tita Anya, nagbayad na siya sa tricycle. Bahagya akong nahiya dahil sa gastos ni tita. Nagpapadala naman si mama para sa allowance ko at pera kay tita para sa tulong para sa pagkain namin. Kaming tatlo lang nina tita ang magkakasama ngayon sa bahay nila, si tito kasi ay nasa ibang bansa nagtatrabaho. Si tito Jon, ang asawa ni tita Anya ang talagang kapatid ni papa, mabuti nalang at mabait si tita Anya para i-welcome ako sa bahay nila. 

Pagkapasok namin sa munting bahay nina tita anya ay bumungad ang maliit na sala, natanaw narin ang kusina rito. May tatlong kuwarto, kakagawa lang nung isang kuwarto para kay ate Anjeline, pinagawa niya raw ito ayon kay tita para hindi na sila magkasama ni Anjo sa kuwarto. Naiingayan daw kasi si ate Anjeline kapag naglalaro si Anjo sakaniyang cellphone. 

"Oh! Hello, Krizette! Kain muna kayo" anyaya sa amin ni ate Anjeline na mukhang kakatapos lang magluto. Napatingin din samin si Anjo na nakaupo sa sala habang naglalaro sakaniyang cellphone. 

"Sa kuwarto ka ni Anjeline" sabi ni tita habang naupo kami sa kusina. Pumunta narin si Anjo sa kusina para kumain. 

"May extra mattres naman sa kuwarto, ayos lang ba sa iyo na sa lapag ka?" Nag-alangan na tanong ni ate Anj. 

Dance Of Fate [Serano Duology #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon