Part 8: Lights through the thick fog

Start from the beginning
                                    

"Kevin! KEVIN ! KEVIN!" tiningnan ko si Vincent. Mukha siyang nagtatampo na naiinis. 

Waah... bakit naman nagtatampo si Vincent? Ay! Nakalimutan ko pala siyang pasalamatan! Whushh! Baka dahil nga dun! Lagot ka Lydia! Nakasakit ka ng ibang tao!

>.<” 

"Yun naman pala eh. Edi may clue ka na kung sinong gusto niya!" sigaw ni Kevin kay Vincent.

"Uy kevin! Anong pinagsasasabi mo diyan?!" gulat na gulat ako sa sinabi ni Kevin.

Clue?! Clue kung sino ang gusto ko?! Ano nanaman ba yan Kevin?!

Baka.... baka....

Baka kaya ni Kevin mambasa ng isip ng tao! 

Tapos... nakita niya lahat ng iniisip ko tungkol sa kanya!

:OOOOOOO

Tahimik lamang si Vincent at Kevin pagkatapos kong magsalita. Nakatitig lamang sila sa isa’t-isa.


"Tingin ko ok ka na Lydia." sabi sakin ni Kevin bilang tugon niya sa sinabi ko sa kanya. "Uuwi ka na."  dugtong pa niya habang nakatitig siya kay Vincent. 

Ni isa sa kanila, walang pumipikit!

Lydia! What are you doing?! Bakit nakatitig ka lang sa kanila!

Waaah...hindi ko alam kung meron ba talaga akong gawin eh!

Patuloy lamang sila sa pagtitig sa isa’t-isa. Inangat naman ni Kevin ang kaliwa niyang kamay, takda na kapag inabot ko ito ay ihahatid niya na ako pauwi. Tumingin naman sa akin si Vincent at umiling-iling. Binaling niya ulit ang atensyon niya kay Kevin na para’ bang nagsisigawan sila sa mga utak nila.

Nakakahiya naman ata sakin mga kuya? Baka mabinat ako, dito pa kayo nagkakaganyan sa magkabilang gilid ko. >:P

Napansin ata ni Kevin na hindi ako kumikilos kaya tumingin siya sa akin at galit na nagtanong. "ANO BA LYDIA?! IHAHATID BA KITA O LILIPAD KA NA LANG?!"

Yan naman ang sungit-side nitong lokong’ to.

Aba! Kevin, just how many faces do you have?! Flirt type, Jolly, Nerdy, Snobbish, blah.

 Kinuha na ni Kevin ang kamay ko nang hindi ako sumagot o kumilas man lang at dahan-dahan akong hinatak patayo.

"She's not going anywhere."  ihiniga ako ulit ni Vincent.

 Nakatitig nanaman sila sa isa't-isa.

1 million a month and a love story  웃❤유 [COMPLETED]Where stories live. Discover now