Part 7: The person beside me is?

612 17 2
                                    

January 7, 20XX

10:14 am

Monday

Weather: Cloudy

=-+ KEVIN'S POV +-=

"Where is she?! Where is she?!"  pagdabog kong sinasara ang bawat pintuang pagpasok ko'y di ko kakikitaan ng Lydia.

Ngayong pinadaan na ako ng mga lalaki kong kaklaseng kinailangan ko pang bugbugin para bumigay, hindi ko naman mahanap si Lydia!

Saan na ba yun nagpunta?!

"Umm... Kevin! " takot si Ma'am Aldrea na iapproach ako pero lumapit pa rin siya.

 

"Alam ko kung nasaan si Lydia! Halika dito! Bilis!" hinihikayat ako ni Ma'am Aldrea na pumasok sa office niya.

At syempre dahil clueless talaga ako kung saang lupalop nang mundo hahanapin si Lydia, pumasok ako.

"Name the place." seryoso ako at diretsong nagtanong kay Ma'am Aldrea.

"U-Umm... ang pagkakaalam ko lang dinala siya sa ospital."

 

"OSPITAL?! *gulat at galit na lumapit si Kevin kay Aldrea* SAANG OSPITAL?! ANONG NANGYARI SA KANYA AT SINONG NAGDALA SA KANYA DUN?!"

Sa dami ng tanong ko, halatang hindi alam ni Ma'am Aldrea anong una niyang sasagutin.

Napabuntong-hininga si Ma'am Aldrea, "Kevin, nasa ospital siya. Dobereiner General Hospital ang pangalan ng ospital na pinagdalhan sa kanya. *dumiretso na ako palabas* Dinala siya doon ni Vincent kanina. " napatigil ako at bumalik.

"Sino yung Vincent?" tanong ko sa kanya.

Sinong Vincent yung sinasabi ni Ma'am?! Wala naman akong kilalang ganun ah! At mas lalong walang kilalang ganun si Lydia! I’m sure of it!

"Yun ang hindi ko alam." pagkasagot ni Ma'am Aldrea ay padabog kong sinarado ang pintuan ng office niya.

Nakakabadtrip! Nakakaasar! Hinaras na nga ako nitong si Rachel sa classroom, heto pa si Vincent, na hindi ko kilala at kukunin si Lydia!

1 million a month and a love story  웃❤유 [COMPLETED]Where stories live. Discover now