Part 5: The love subject

772 20 2
                                    

Tinuro sa akin ni Kevin kung paano nanliligaw ang mga lalaki.

Paano sila nagsisimula.

At kung paano malalaman kung may feelings na sila dun sa babae.

January 7, 20XX

6:46 am

Monday

Weather: Fair 

Ding! Dong! Ding! Dong!

=-+ KEVIN's POV +-=

 

Makikita ko nanaman si Lydia! Yes! ^_^

 

Maaga na akong pumapasok dahil nag aaral ako.

Ng alin?

 

Ng love subject.

Parehas kami ni Lydia na nag-aaral na ng ganun ngayon. 

Papaakyat na ako sa corridor kung nasaan yung classroom namin. 

Nasa 4th floor kasi yung room namin eh kaya medyo mahaba-habang akyatan.

Sa wakas! Nasa harapan ko na ang pintua---

"Ate Lydia, pwede po manligaw?"

“Ate Lydia, ibang-iba ka na ngayon. J

“Oo nga po! These past few weeks mas lalo kang nagiging maganda, matalino, mabait at kung ano-ano pa!”

"Ate, pahingi naman po ng number mo oh. "

Nagulat ako sa  mga narinig ko. 

  

Tama ba yung narinig ko ?! Lydia daw?

Pumasok ako sa loob  at nakita ko si Lydia na pinapalibutan ng mga lalaki. 

Aba! Siya naman ngayon ang pinagkakaguluhan!

Dumiretso na lang ako sa pwesto ko. Nakakainis nga lang sa parte ko, dahil nasa tabi ko lang si Lydia. 

Kaya kinailangan ko pang makisingit sa mga lalaki para lang makaupo.

Aba eh pati ata taga ibang section nandito.

1 million a month and a love story  웃❤유 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon