Kabanata 30
Tryout
James' POV
"E binigla mo naman kasi, p're," pailing iling na wika ni Drex.
"Hindi ko naman alam. I was drunk. Tingin niyo p're, maiilang sakin nito si Lotlot?"
"Ay naku, maiilang talaga yun. Kabisadong kabisado ko na 'yang mga babae na 'yan," sagot naman ni Patrick.
I face palmed with distress. Kung bakit kasi naisipan kong uminom ng araw na yun? "Dammit! So anong gagawin ko?"
Imbes na sagutin ako ng dalawang gunggong ay pinagtawanan lang ako ng mga ito. "Seryoso pare? Si Alexander James Soler na kilabot ng mga dalaga ay hindi alam kung anong gagawin?"
Napailing na lang ako't nangalumbaba. Laking tulong talaga ng dalawang bugok na 'to.
Nang mag Sabado ay halos amagin ako sa sobrang pagkabagot. Wala akong magawa so I locked myself in my room the whole day. I was just chilling on my bed when I heard a noise downstairs. Agad ko iyong binaba.
"Good morning." Nagulat ako sa bumungad sa akin sa baba. Am I seeing it right? Nandito si Lotlot sa bahay?
"Hey," I greeted her. Ngumiti siya sa akin pero hindi ko makita ang genuineness sa ngiting niyang iyon.
"May problema ba, Lotlot?" Hindi siya sumagot bagkus ay kinulong niya ako sa kanyang yakap. I hugged her back.
"Hey, tell me, I'm here to listen."
"Sorry... sorry James." Damn! I hugged her tighter when she started crying.
"Sshh... it's ok Lotlot, it's ok. Stop crying, please."
"Hindi, hindi ok yun James. Nasaktan kita. Sorry kasi ang tanga ko. Sorry kasi hindi ko kaagad narealize na mahal din kita." Sandali akong natigilan. Kaagad akong kumalas sa kanyang yakap at ngiting ngiti siyang tinitigan.
"A-ano ulit yun?"
Yumuko siya dahil sa pamumula ng kanyang mukha. "Mahal din kita, James." She couldn't look at me kaya inangat ko ang kanyang tingin sa akin. "Now, repeat what you said, Lotlot."
With an eye to eye contact, she then uttered those words again. "Mahal kita, James."
**
"PAREEE!!!"
Nabulabog ang mahimbing kong tulog nang sumulpot sa kwarto ko ang dalawang bugok.
"Fuck! Istorbo talaga kayo kahit kelan!" inis na bulyaw ko sa kanila.
"Woah! Easy dude! Sungit mo ngayon ah," ani Patrick.
"Nga naman pare, biruin mo na ang lasing, 'wag lang ang brokenhearted na bagong gising," hirit naman nung isa. Tumayo ako and gave them a glare.
"Anong trip niyo ba ha?" Nagkatinginan ang dalawa na parang mga takas sa mental.
"Epekto ba 'yan bro ng pagka brokenhearted mo kay Purita Katigbak ng Brgy. Tralala?"
Anong brokenhearted ang pinagsasabi nitong si Patrick? Lotlot has finally said mahal niya rin ako. And that's the thing they don't know yet.
"Not anymore guys, she came here a while ago and guess what, she also confessed her feelings to me," nakangiting balita ko sa dalawa kong ungas na kaibigan. Nagkatinginan muli sila at pagkaraa'y parehong bumaling sa akin nang nakakunot ang noo.
"Imposible, bro. Kanina pa kami rito ni Pat. Pinalabas mo lang kami kanina kasi sabi mo magpapahinga ka lang saglit."
Maging ako ay kumunot na rin ang noo. Anong ibig nilang sabihin? Na ang lahat ng yun... ay panaginip lang?
أنت تقرأ
Lablayp ng Panget
فكاهةPanget man sa inyong paningin, may bonggang lablayp pa rin. Iyan si Purita Katigbak ng Brgy. Tralala. Ang babaeng pinagkaitan ng kagandahan ngunit magpapabaliw nang husto sa dalawang lalaking saksakan ng kagwapuhan. Will her incredible beauty inside...
