Kabanata 1
Ang Panyo
"EDUARDOOO! EDUARDO RAFAEEEL!!!" impit akong napatili habang tumatakbo palapit sa baklush kong best friend.
"Jusko, Purits! May sunog ba? May sunog ba?" naghe-hesterical na tanong nito at talagang nag-duck ito na animo'y may lindol. Shunga! Sabi niya sunog, tapos ano itong ginagawa niya? Binatukan ko nga.
"'Wag OA, Eduardo Rafael. Makinig ka." Sumama ang tingin niya sa akin at ang mahaderang bakla ay nambatok din.
"My God, Purits! 'Wag na 'wag mo akong tawaging Eduardo Rafael. Like duh, I am Rafa, ang diyosa ng mga diyosa. Getslalu?"
Umirap ako. "Oo na. Next time," napilitang tugon ko. No choice, eh. Ano ba kasing panget sa pangalang Eduardo Rafael? Tunog gwapo nga, eh.
"Mabuti kung ganun," aniya habang pinapasabugan ng lipstick ang kanyang labi. Dismayado ko siyang tinitigan. Ilang lipstick kaya nauubos nito kada araw? Mas makapal pa sa makapal niyang mukha kung mag make up, eh.
"Oh wait, I remember. Why ka pala sumigaw kanina?" biglang tanong niya sa gitna ng ginagawa.
Isang ngiti ang sumilay sa aking labi nang maalala ko ang nangyari kanina. Suminghap ako at tinutop ang flat kong dibdib na animo'y tambol sa pagdagundong. "Ene keshe... Demeen she ene!"
Umasim ang hitsura ng jukla. "Ano? Pilipitin ko kaya 'yang bibig mo? Ayusin mo, Purits!"
Ngumisi ako. "Ano kasi... dumaan siya!" kinikilig na hayag ko. Humugot ako ng malalim na hininga bago ulit nagsalita. "Si James Soler... dumaan si James Soler! Oh my God! Si James mylabs dumaan! Dumaan sa harap ko! Feeling ko nabuntis niya ako!"
Isang batok muli ang natanggap ko mula kay Rafa. "Dumaan lang sa harap mo, nabuntis ka na? 'Wag assuming, Purits. Masasaktan ka lang, dahil ako... ako ang mabubuntis ni Fafa James. Ramdam na ramdam ko yun sa kaibuturan ng aking fallopian tubes."
Tinaasan ko ng kilay ang juding. "Ikaw ang 'wag assuming Rafa, wala kang fallopian tubes!"
Lumanding ulit ang buto't balat na kamay ng juding sa aking batok. Walanghiyang jukla! Namimihasa na. Nire-real talk ko lang naman siya.
Sinamaan ko ng tingin ang bruha ngunit nag-peace sign lang ito. Pagkakuwa'y ngumisi ito at mariin akong kinaladkad. "Halika na nga, silayan natin ang makalaglag pantyliner na fes ni Fafa James."
Malanding baklang 'to! Pero sige, dahil gusto ko rin naman ang binabalak niya, ayun, sinuyod nga namin kung nasaan si James mylabs.
Halos mangisay kaming pareho ni Rafa sa bawat galaw niya. Kegwapo. Jusko! Kung si Rafa ang scratch paper ni Papa God, si James mylabs naman ang masterpiece.
James is almost perfect. Gwapo, mayaman, matalino, at hottie. Samantalang ako, panget, sampid, at mas mahirap pa sa daga. Sobrang magkaiba ang mundo namin. Kaya ito at hanggang sulyap na lang ako.
"Huy Purits! Bilisan mo naman!" reklamo ng juding. Nauuna kasi siya sa akin sa paglalakad. Halatang atat na atat.
"Oo na, bibilisan na. Kahit kelan talaga, patay na patay ka sa asawa ko."
"Correction! Asawa ko," irap niya.
"Che! Kabit ka lang!"
Naglakad na lang muli kami at pinagpatuloy ang paglalaway kay James mylabs. Nakarating kami hanggang sa harap ng classroom nito.
Tumaas ang altapresyon ko nang makitang maraming nakaaligid sa silid nina James. Ang mga haliparot na estudyante dito sa Irosin High. Hindi na nahiya sa asawa ko at talagang araw araw nilang pinagkakaguluhan.
"Huy Purits, ba't ang sama ng mukha mo? Ay kung sa bagay, masama naman na talaga 'yan ever since."
"Kahiya naman sayo, ang ganda mo," irap ko sa baklita.
"I know right, Purits. I know right. Tara na nga, lumapit pa tayo. Dali!"
"Uy teka--" Hindi ko na nagawang matapos pa ang sasabihin ko dahil tuluyan na akong kinaladkad ni Rafa.
Nakarating kami sa kumpulan. Halos lahat bukambibig si mylabs. Kaurat! At ang mas nakakabanas pa ay biglang nawala si Rafa sa tabi ko. Pambihirang jukla talaga. Pihadong may nakita na yun na gwapong bibiktimahin niya. Ganyan 'yang juding na 'yan eh, makakita lang ng gwapo, parang bulang mawawala na lang bigla.
Oh well, makaalis na nga dito, hindi na ako makahinga tapos... tapos umutot pa si ate girl na katabi ko. Bastos!
Naglakad ako palayo sa kumpulan bago pa man ako ma-suffocate roon. Medyo nakalayo na ako nang biglang may kung sinong poncho pilatong bumangga sa akin dahilan para marahas akong mapaupo sa sahig.
Hawak hawak ang aking puwetan ay tumayo ako. Hinarap ko ang nakayukong lalaki na akma sana akong tutulungan. Tinabig ko ang kamay niyang aalalay sana sa akin at pinaulanan siya ng masamang tingin.
"Nananadya ka ba? Nakita mo nang may tao tapos tumatakbo ka pa? Ano ka, bulag? Pasalamat ka at hindi ako napilayan. Paano kung napilayan ako? May ipanggagamot ka ba, ha?! Ano?! Sumagot ka!"
Nakakapang-init ng ulo. At ang mas nakakainis pa ay nakayuko lang siya na tila ba ay nahihiya sa katangahang nagawa niya. Aba! Dapat lang, mahiya siyang talipandas siya! Bukod sa late na ako ay halos mamaga ang flat kong puwetan nang dahil sa kanya.
Dinig ko ang pag buntong hininga niya. "I'm sorry, miss. I didn't mean to hit you. Nagmamadali lang ako kaya 'di kita kaagad napansin," aniya sabay angat ng kanyang ulo at pakamot kamot pa.
Mahina akong napamura nang makita ko ang kabuuan ng kanyang hitsura. Tila ba umurong ang dila ko nang mapagtanto ko kung sino itong lalaking nasa harapan ko ngayon. "Shit! J-James?" kandautal na sambit ko.
Bahagya siyang ngumiti saka iginala ang tingin sa paligid. "Pasensya na ulit, miss. I need to go," tapos tumakbo na siya palayo.
Nanatiling nakabuka ang bibig ko. Hindi man makagalaw ay sinikap kong hawakan ang aking mukha. Mariin kong pinisil ang aking pisngi nang sa ganun ay magising ako kung sakaling panaginip man ito.
"Tae! Ang sakit!" bulalas ko nang mapisil ko ang hinog kong tigyawat. 'Langya! Dumugo iyon.
Nakakainis! Naiinis ako sa sarili ko. Nakaka-turn off na nga itong kachakahan ko, lalo pang na-turn off yun sa inasta ko.
KAAGAD kong ikinuwento kay Rafa ang pangyayaring iyon. Tuwang tuwa ang juding dahil malamang daw ay na-turn off na nang tuluyan sa akin si mylabs.
Kainis! Malabo na yata talagang matupad ang pangarap kong mabuntis ni James mylabs kahit na may fallopian tubes ako.
Aanhin pa ang fallopian tubes, kung turned off na siya sa akin?
"Huy Purits," kalabit ni Rafa sa gitna nang pag iisip isip ko, "where na yung bracelet mo?" untag niya.
Kunot noo akong bumaling sa palapulsuhan ko. Nataranta ako nang mapansing nawawala nga ang tanging bagay na nagpapaalala sa akin kay mader.
Hindi pupwedeng mawala iyon!
"Oh my God, Purits! Mukhang alam ko na kung saan natin mahahanap ang mahiwaga mong bracelet," ani Rafa nang gahibla na lang ay tutulo na ang luha ko.
Tumungo kami ni Rafa sa parte ng school ground kung saan ako nabangga ni James. Doon kami naghanap dahil malamang daw ay nahulog iyon nang bumagsak ako sa sahig. Sa kabutihang palad ay naroon nga ang bracelet.
Ngunit hindi lamang ang bracelet ang nakita ko roon. Ilang metro mula sa kinalalagyan nito ay may isang panyo.
May kutob ako kaya pinulot ko iyon. Inamoy ko at napangiti ako nang humalimuyak sa aking ilong ang pamilyar na bango at lalaking amoy niyon. Lalo pang lumakas ang kutob ko nang mabasa ko ang initials na nakaburda sa gawing ibaba ng panyo.
A J S
Alexander James Soler.
YOU ARE READING
Lablayp ng Panget
HumorPanget man sa inyong paningin, may bonggang lablayp pa rin. Iyan si Purita Katigbak ng Brgy. Tralala. Ang babaeng pinagkaitan ng kagandahan ngunit magpapabaliw nang husto sa dalawang lalaking saksakan ng kagwapuhan. Will her incredible beauty inside...
