Kabanata 29
Batangas [Part 2]
"Naku Puritz, bumangon ka na diyan! Kahit kailan talaga, tulog mantika kang chaka ka!"
Binato ko ng unan ang kanina pa talak nang talak na si Rafa. "Ano ba? Keaga aga ang ingay mo!"
"Huy Puritz! Anong keaga aga ka riyan?! For your FYI, tanghali na 'day!" Napairap ako sa 'for your FYI' niya. May 'for your' na, may 'FYI' pa. Wrong gramming ang juding! Dinungaw ko ang aking cellphone para i-check ang oras. Pasado alas dose na nga.
"Oh ano? Nganganga ka na lang diyan? Bilisan mong kumilos at baka maunahan ka na naman ni Amerikanang hilaw kay Fafa James!" Napantig kaagad ang tenga ko sa sinabi ni Rafa. Diretso ang bangon ko papunta sa banyo para makapag ayos ng sarili.
"The lazy ugly duckling is here. Shall we eat?" Irap ni Samantha pagkarating ko sa hapag. Mukhang naghintay sila sa pagdating ko bago magsimula kaya siguro ang talim na naman ng mga tingin nito sa akin.
"Sammy, stop that. Nasa harap tayo ng pagkain," suway ni James mylabs na lalong nagpasimangot dito. Pahapyaw kong tiningnan si Sam. Nanunuya akong nag peace sign dito. Sorry not sorry.
"No way! I don't want here! Gusto ko roon kina Alex at Lance!"
"Ditey ka sabi! Huwag kang pabebe!"
"How dare you talk to me like that? Bakla ka, wala kang karapatan utusan ako!"
Halata ang pagkainis ni Rafa sa inaasal ng inggratang si Sam. Maging ako ay badtrip na badtrip na rin sa kaartehan nito. Nandito kami para sana mamangka at magsaya kaso nang dahil sa pag uugali ng babaeng ito ay hindi yata matutuloy.
Dalawa lang kasi ang available na bangka at tatlong tao lang ang maximum number of person na kaya isakay ng bawat isa nito. May kaliitan kasi ang mga bangka kaya ang ginawa ni Rafa ay hinati niya kami sa dalawang grupo. Sa unang bangka ay siya (Rafa), John, at ang mahaderang si Samantha. Ako, kasama sina James at Lance naman sa ikalawa. Ayos naman iyon sa aming lahat, itong hilaw na Amerikana lang talaga ang reklamo nang reklamo kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin kami makapagsimula.
"Excuse me! You ugly, get out here. Doon ka sa kabilang boat kasama ang bading mong kaibigan," diretsong untag ni Sam sa akin nang makalapit sa bangkang sinasakyan namin nina James at Lance.
Tumayo ako hindi para pagbigyan siya kundi para tapatan ang nanghahamon niyang mukha. "Excuse me? How dare you talk to me like that, too?! Kung si Rafa walang karapatan na utusan ka, pwes wala ka ring karapatan na utusan ako. Quits!"
Lalong sumama ang tingin nito sa akin. Sumakay siya sa bangka na naging sanhi ng paggalaw nito. Hinatak niya ako patayo para pababain ng bangka. "Get out here! Ano ba?!"
Muntik na akong matumba sa mga hatak niya, sabayan pa ng paggewang ng bangkang sinasakyan namin. Kung hindi nga lang pumagitna si Lance at kung hindi nga lang ako hinawakan ni James ay baka nahulog na ako't nabasa ng tubig.
"Sam, don't be so stubborn! 'Wag kang maarte at doon ka na sa kabilang bangka!" Lahat kami ay natigilan sa pagbulyaw ni Lance kay Samantha. Saglit na natulala ang huli at pagkaraa'y sinamaan ng tingin si shokoy.
"Fine! Kampihan niyong lahat ang pangit na 'yan! Sige, pagtulong tulungan niyo ako!" Maagap niyang pinalis ang lumandas na luha sa kanyang pisngi. "I hate you for this," baling nito kay Lance bago tumakbo palayo.
Napasintido si Lance at nakailang ulit na nagmura. Bumaba siya ng bangka para siguro sundan si Sam. Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad siya palayo sa amin.
**
"Take time to realize,
That your warmth is crashing down on in.
Take time to realize,
That I am on your side.
Didn't I, didn't I tell you?"
YOU ARE READING
Lablayp ng Panget
HumorPanget man sa inyong paningin, may bonggang lablayp pa rin. Iyan si Purita Katigbak ng Brgy. Tralala. Ang babaeng pinagkaitan ng kagandahan ngunit magpapabaliw nang husto sa dalawang lalaking saksakan ng kagwapuhan. Will her incredible beauty inside...
