Kabanata 5
Badtrip
"Huy panget na nilalang! Anong pinakain mo kay Prince James ha? Bakit ka niya kinakausap?" nanggagalaiting tanong nung ipukritang di ko naman kilalang babae.
"Siguro ginayuma mo ang prince charming ko ano?" Sabat naman nung babaeng kekapal-kapal ng make up. Aba! Prince charming daw niya? Dream on Make-up Girl dahil sa akin lang si James mylabs! Friends na kami sa FB tapos may number pa niya ako.
"Huy bes! Anong Prince Charming mo lang? Baka ang ibig mong sabihin ay prince charming natin? So paano naman ako?" talak nung ipukritang di ko kilalang babae kay Ms. Make up. Napataas ako ng isang kilay dahil mukhang mag aaway pa ang dalawa sa harap ko.
"Ay, sorry naman bes ha. Ok, let me rephrase it. Ehem! Ginayuma mo siguro ang prince charming namin ha!" pagkokorek ni Ms. Make up. Tss! Kung hindi lang nila ako binabadtrip, siguro kanina pa ako natawa. Muntanga lang kasi eh.
"Huy panget! Ano na? Did you lose your tongue?" Aba! So may pa 'did you lose, did you lose your tongue' pa sila ngayon ha?! Bruha kayo! Anong akala niyo sa akin, hindi nakakaintindi ng ingles?! Hmp! At anong akala nila, porket panget ako ay hindi na ako marunong lumaban? Ha! Doon sila nagkakamali. Matitikman nila ang Batas ng Api ni Purita Katigbak version 2.0. Just watch and learn bitches!
"Excuse me? Ako ba ang kausap niyo?" pagmamaang maangan ko.
"Eh sino pa ba ang panget dito?" Aw, galit na siya oh.
"Oh my gosh! Akala ko kasi dinedescribe niyo lang sarili niyo eh. Sorry, my bad." Flinip ko pa ang buhok ko para mas lalo silang mairita.
"WHAT?!" Napangisi ako nang makitang namumula na ang mga pagmumukha nila. Tingnan natin kung hanggang saan 'yang kaartehan niyong mga impakta kayo!
"What-whatin niyo mukha niyo! At teka, tinatanong niyo ba kako kung bakit ako kinakausap ni James my loves so sweet? Simple lang naman girls, hindi kasi ako katulad niyong mga haliparot!"
"OMG! How dare you to say that! Sumusobra ka nang panget ka!" di mapakaniwalang usal ni Ms. Make-up. Tiningnan ko ang katabi niya.
"Hala! Sumusobra ka na raw oh." Nakangising wika ko rito. Halos lumabas na ang ugat nila sa noo. Senyales na puputok na sila sa galit.
"Fvck you, b*tch!" Hiyaw nila at akma na sanang susugurin ako nang...
"Sige saktan niyo ako para mas lalong hindi kayo pansinin ni James!" Pinandilatan ko sila. Natigilan naman sila at natahimik. Oh diba? Si James lang ang katapat ng mga malanding yan.
"Fvck you! May araw ka ring panget ka!" himutok ng dalawa sabay takbo palayo. Doon na ako humalakhak.
"Sige, pakigalingan sa susunod ha?" pahabol ko pang sigaw.
Lukot ang mukha ko habang papunta sa classroom. 10 minutes late na kasi ako at kasalanan yun ng dalawang babaeng yun. Badtrip! Sinayang nila ang oras ko. Inagahan ko pa naman ngayon para hindi malate pero ganun pa rin ang kinalabasan.
"Woah! That's what you call palaban."
"Oo nga, idol ko na siya. Pero sa pambabara lang ha? Hindi sa mukha. Ang chaka kaya."
"Me too!" Humalukipkip ako. Magbubulungan yung naririnig ko talaga? Takte! Dagdag pa sa pagkabadtrip!
Habang naglalakad ako ay biglang sumulpot sa tabi ko itong si Rafa.
"Huy Puritz, taray mo kanina ha. Talak kung talak ang peg."
Ay! Ano ba naman 'tong juding na 'to? Bigla na lang nasulpot. Pinaglihi yata 'to sa kabute eh? Matanong nga.
"Huy, saan ka ba pinaglihi?"
"Me? Kung saan ako pinaglihi?"
Napairap ako. "Ay, hindi, hindi. 'Yang shoulder bag mo yung tinatanong ko. Huy, shoulder bag, saan ka pinaglihi?" Badtrip! Alam nang siya yung kausap tapos magtatanong pa kung siya. Inis ko siyang iniwan doon.
Anong meron ba at ang malas ko ngayong araw? Ang daming badtrip sa paligid! Sana lang talaga wala nang dumagdag pa. Wish ko lang. Dahil kung meron pa naku, baka makita niya ang hinahanap niya.
Dahil sa pagkabadtrip ko ay lumabas ako ng campus at tumungo sa pinakamalapit na park. Cutting classes. Doon ko nilabas lahat ng pagkabadtrip ko. Sumigaw-sigaw ako na parang tanga. Konti lang yung tao, kaya walang puwang ang hiya. May bigla akong nakitang lata ng softdrinks at sinipa 'to kung saan lang.
"Fvck! Ouch!" sigaw nung lalaking...
Namilog ang mga mata ko. Tinamaan ko ng lata? Napalunok ako. Mukhang galit. Ayan na, papalapit na siya. Ok, wait. Relax Purita, wala kang kasalanan, wala, aksidente ang nangyari. Aksidente lang yun.
"Hey you, ugly creature!"
Ano raw? Ugly creature? Ako? Siopao 'tong unggoy na'to ha? Porket gwapo siya, ay este hindi s'ya gwapo. Unggoy nga eh. May gwapo bang unggoy? Ang yabang-yabang pa. Akala mo naman kung sino! Parang natamaan lang ng lata eh! Tss! Parang natamaan lang ng lata at dumugo ang paa... OMG! Dumugo? Mas lalo akong napalunok.
"You, ugly! Kung wala kang magawa sa buhay mo, wag kang mandamay." Bulyaw nito habang dinuduro-duro ang pagmumukha ko.
Pumikit ako. Kalma, Purita! Kalma!!!
"Di ka yata nakaimik diyan? Don't tell me na starstruck ka sa kagwapuhan ko?" Ngisi nito.
What the?! Ako? As in ako na si Purita Katigbak ng Brgy. Tralala mae-starstuck sa shokoy na'to? Duh! Magugunaw muna ang mundo. Swear.
"Ang taas ng confidence mo rin 'no? Spell ASA." Irap ko.
"Pucha! So easy ugly creature. It's A-S-A," pag-e-spell nga ng loko.
Humugot ako ng malalim na hininga saka siya sinamaan ng tingin. "Huy unggoy ka, nang-aasar ka ba o sadyang tanga ka lang talaga?" Asar na asar na ako. 'Langya!
"None of the choices. Hindi ako nang-aasar at lalong lalo nang hindi ako tanga. By the way, don't act as if you're beautiful." Nihead-to-foot niya ako. "Mukha ka namang Pokwang na hinaluan ni Pooh at Chocolate."
Napaawang ang labi ko. Pokwang na hinaluan ni Pooh? Tapos may Chocolate pa? Aba'y sumusobra naman ang lalaking ito! Diba pwedeng isa lang sa kanila? Kailangang halo-halo talaga?
"See? Hindi ka na naman nakaimik. Pogi ko ba?" At ngumisi na naman ang hudas.
"PUTRES KANG UNGGOY KA! ANG DAMI MO SIGURONG KAYABANGAN SA KATAWAN 'NO? AT KUNG MAKAPANGLAIT KA DIYAN, ANONG AKALA MO SA SARILI MO? SANTO?! PERPEKTO? THE FVCK! MUKHA MO!" Di na talaga ako nakapagtimpi. Nakakainis kasi eh.
"Woah! Woah! Chill, ugly creature. Puso mo." Natatawa nitong usal.
"Ay wow! So concerned ka ngayon? Sarap mong tirisiiinnn! Pakyu ka!"
"What? Sh*t. Look at your face. The fvck! Nakakapangilabot."
"Ugh! Pakshet k--" Napalunok ako.
A-ano bang ayos ng shokoy na 'to? Nilapit niya ang mukha niya sa akin. Fuchsia! Napatingin ako sa labi niya. Napalunok ako to the highest level.
"A-anong gagawin mo?"
"Hmm?" Tae! Bakit pangkwarto ang boses niya? Saka ba't ang bango ng... Sheyt. Agad kong inilayo ang mukha niya.
"Ang landi mong shokoy ka!" Untag ko.
"Damn! You really thought na hahalikan kita, huh? Not even in your wildest dreams." Halakhak niya.
Sinusubukan talaga ako ng unggoy na 'to. Sige. Tinulak ko siya sa balikat.
"Ano? Suntukan na lang oh?" panghahamon ko. Mas lalo siyang natawa.
"Next time na lang siguro. I'm not in the mood." Anito.
"Duwag!" Singhal ko. Ngumisi siya.
"I'm not. It's just that--"
"Lance! Come on! Tita Alicia's looking for us. Let's go!" Nilingon ako ni unggoy. Nakangisi pa rin.
"Paano ba yan, ugly creature? Mukhang kailangan ko nang umalis. So? Hanggang sa muling pagkikita." Sumaludo pa ang kurimaw bago umalis. Takte! Naisahan ako ng hayop na lalaking yun!
Badtrip!
YOU ARE READING
Lablayp ng Panget
HumorPanget man sa inyong paningin, may bonggang lablayp pa rin. Iyan si Purita Katigbak ng Brgy. Tralala. Ang babaeng pinagkaitan ng kagandahan ngunit magpapabaliw nang husto sa dalawang lalaking saksakan ng kagwapuhan. Will her incredible beauty inside...
