Kabanata 21

972 35 14
                                        

Kabanata 21
A Day with James


Nagtataka na talaga ako. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpaparamdam ang balugang Lance na yun. Naku! Baka naman kung ano na ang nangyari sa lalaking yun ah?

Well, well, well, bago pa man ninyo isipin, hindi po ako nag-aalala sa bugok na yun. It's just that... walang maghahatid sa akin papuntang school. Katulad ngayon, naglalakad na naman ako patungo roon. Haggard na naman tuloy ang lola niyo nang makarating sa Irosin High.

Isang lalaki ang mukhang papalapit sa akin at kung hindi ako nagkakamali, ang ever so gwapo kong asawa iyon.

"James!" nakangiting bati ko sa kanya.

"Ang tagal mo naman," nakangusong tugon niya. What? Nagpapacute ba siya? No need na eh, ang gwapo't ang cute-cute niya na kaya. Pero, ngunit, datapwat, bakit, hinintay niya ba ako?

"Ah eh... hinintay mo ako?" alangan kong tanong. Tipid siyang ngumiti saka tumango.

"Yeah, tara na. Ihahatid na kita sa classroom mo." aniya. Uh-oh! Di ko alam kung dapat ba akong kiligin o dapat ba akong maguilty sa ginawa niyang paghintay sa akin.

"Sige Lotlot, pumasok ka na. See you later," wika niya nang makarating kami sa tapat ng classroom ko. Ngumiti't tumango ako at nagpaalam na rin sa kanya. Akma ko na sanang bubuksan ang pinto ng silid nang tawagin niya ulit ako.

"Bakit, James? May nakalimutan ka?" tanong ko. Umiling siya saka ngumisi... saka kumindat at agad na kumaripas ng takbo palayo. What the-- Adik! Adik yun ah. Kung kanina ay may halong guilt pa, ngayon kinikilig na talaga ako. At ang loko, pagkatapos akong pakiligin, takbuhan daw ba naman ako. Aba! Dapat panagutan niya ako! Charot!

Nakangiting-aso akong pumasok ng silid, ngunit agad din naman itong napawi dahil sa mga masasamang tingin ng aking mga echosera't inggiterang kaklase. Bahagya ko silang inismiran saka naglakad na papunta sa silya ko.

"Hep, hep, hep!" paghaharang sa akin ni Samantha, ang impaktitang friend nila James mylabs. Matalim itong nakatingin sa akin kaya pinagtaasan ko ito ng kilay.

"Excuse me," bagot na wika ko saka ko siya nilagpasan. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong higitin sa braso at iniharap sa nanghahamon niyang mukha.

"Huy panget! Who do you think you are para talikuran ako, ha?" nanggagalaiting singhal nito. Ang walanghiya, gusto talagang matikman ang Batas ng Api ni Purita Katigbak version 2.0. Sige! Tinabig ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at nakipagsukatan ng tingin sa kanya. Ngumisi ako na ikinakunot ng noo niya.

"Sino ako sa tingin ko?" bahagya akong humalakhak at muli siyang pinasadahan ng masasamang tingin. "Hmm... ako lang naman yung panget na hinatid at kinindatan ng ideal prince ng campus na 'to?" patanong ko pang turan. Lalo namang umusok sa galit ang bruha.

"What did you say?"

"Sabi ko shunga ka!" irap ko at gumawi muli sa labas. 'Langya! Wala pa nga akong isang minuto sa loob ng classroom na yun, nandito na naman ako sa labas. Great! Sukat ba naman kasing ipinanganak na mga bwisit sa buhay ang mga kaklase ko. Lalo na yung insecure na impaktitang yun. Fuchsia! Kung ano ang ikinaganda, yun naman ang ikinapangit ng ugali. Kung ano ang ikinaputi, yun naman ang ikinaitim ng budhi. Pushanggala talaga! Sarap niyang itapon sa Jurassic Park at ipalamon sa mga dinosaurs.

Wala tuloy akong magawa ngayon. All alone akong nakaupo sa bench nang nakatunganga ever. Hindi pa naman pumasok si Rafa nang dahil sa mga nangyari sa kanya kaya wala akong mapagtripan. Tss! Makauwi na nga lang.

Lablayp ng PangetWhere stories live. Discover now