Kabanata 7
Ang Bagong Tirahan
"LUMAYAS KA! NAPAKAWALANG UTANG NA LOOB MO! KINUPKOP KITA AT PINAKAIN TAPOS ITO PA ANG IGAGANTI MO? ANG NAKAWAN KAMI? LUMAYAS KA! LAYASSS!"
"T-tita, hindi po ako ang gumawa nun. Hindi ko po magagawang nakawan kayo, tita. Ni hindi ko nga rin po alam kung papaano napunta sa kwarto ko ang mga yun." Halos lumuhod ako sa harap niya para lamang pakinggan niya ako.
"MAGSISINUNGALING KA PA EH HULING HULI KA NA SA AKTO! LUMAYAS KA!!!" Dinampot ng tiyahin ko ang mga gamit ko sa kwarto at isa isa iyong tinapon palabas ng bahay. Wala akong nagawa kundi ang ngumawa habang pinupulot ang mga gamit kong itinatapon niya.
"'WAG KA NANG MAGPAPAKITA PA RITO!" Napapikit ako nang malakas na sinara ni tita ang pinto. Patuloy pa rin ang pag iyak ko nang pumihit ako paalis ng bahay. Mamimiss ko ang lugar na ito. Napakaraming ala ala ang nakahimlay dito sa Brgy. Tralala kaya napakasakit nitong lisanin.
Wala na akong ibang kakilalang kamag-anak maliban kina tita kaya hindi ko alam kung saan ako nito pupulutin. Mula kasi nung musmos pa lang ako ay kina tita na ako tumira at doon na rin ako lumaki at nagkaisip. Namatay daw kasi si mama nung ipinanganak ako at dahil sa sobrang lungkot ni papa nung araw na yun ay nagpakalasing ito at sa mismong araw ding yun ay naaksidente at namatay din.
Oo, ganyan kasaklap ang buhay ko. At mas lalo pa itong sumaklap dahil pinalayas na ako ni tita sa bahay niya. Nakita kasi ang mga nawawala niyang alahas sa kwarto ko. Hindi ko yun ninakaw, panget lang ako pero hindi ako magnanakaw. Hindi ko nga rin alam kung papaano napadpad ang mga yun sa kwarto ko. Nakakainis lang dahil hindi nila ako pinaniniwalaan.
Alam kong masama ang mambintang pero sa tingin ko ay si Barbie ang may kagagawan ng lahat ng yun. Si Barbie, ang nag-iisang anak ni tita na halos kasing-edad ko lang. Simula nung tumira ako sa bahay nila ay galit na galit na iyon sakin. Saka kaninang pag-alis ko ng bahay ay nasulyapan ko siyang nakangisi. Ewan ko ba sa babaeng yun, wala naman akong ginagawa pero sobra kung magalit.
Dahil wala talaga akong matutuluyan at ayoko pang lisanin ang barangay ay minabuti kong tumungo muna sa parke nito. Magpapalipas muna ako roon ng ilang oras.
"Kaya mo ito Purita. Ikaw pa ba? Si Purita Katigbak ka kaya ng Brgy. Tralala. Walang inuurungan, walang kinikilingan, tunay na matapang," pang-e-encourage ko sa sarili ko. Malalampasan ko rin ang unos na ito, and speaking of unos, napangiwi ako nang makita ang unti unting pagdilim ng kalangitan. Sinabayan pa iyon ng mahinang pagkulog at pagkidlat na hindi naglaon ay palakas nang palakas. Jusko! Bakit yata lahat ng kamalasan ay sinalo ko na?
Maya maya lang nga ay bumuhos na ang nagbabadyang ulan. Agad akong naghanap ng masisilungan ngunit kung minamalas nga naman, nahulog at nagkalat ang mga gamit ko sa sahig. Nabasa ito ng ulan at pati ako basang basa na rin. Feel ko tuloy kumanta ng "Heto ako, basang basa sa ulan. Walang masisilungan, walang malalapitan..."
Inabot ako ng siyam siyam kakaligpit sa mga nagkalat na gamit. Nakakainis dahil hindi sinabay ni tita ang malaking bag sa mga itinapon niya. Wala tuloy akong mapaglagyan ng mga ito kaya hirap na hirap ako.
Nang sa wakas ay naligpit ko na lahat, dali dali akong tumulak paalis ng parke. Sumasabay ang pag ihip ng hangin sa malakas na ulan kaya pinanlamigan ako ng katawan. Nanginginig akong naglakad sa gilid ng kalsada, hindi alam kung saan pupunta.
Kina Rafa, hindi pwede, medyo baon ngayon sa utang ang pamilya nila kaya dagdag gastusin lang ako kung doon pa ako tutuloy.
Kina James, hindi rin, nakakahiya naman saka kailan lang kami naging magkaibigan. Kapal naman ng mukha ko kung susugod ako doon at sasabihing doon muna makikitira.
So wala na talaga. Dito sa kalye ang bagsak ko nito. Magiging taong grasa ako. Manlilimos ako para maitawid ko ang pang araw araw na pamumuhay ko. Ang saklap!
Nasa verge na ako ng pagiging emotional nang biglang kumirot ang ulo ko. Huminto ako saglit at marahang hinilot ang parteng sumakit. Putres! Lalo lang kumirot. Nahihilo na ako. Wala na akong makita at napaluhod na ako. Jusko, ito na ba ang katapusan ko?
**
Malamig. Teka, bakit malambot yung hinihigaan ko? Ang pagkakaalala ko ay nasa kalsada ako, nag aagaw buhay. Saka bakit may unan? Ang lambot. Teka, makamulat nga...
Kisame. Kulay puti. May aircon tapos may mga kung ano anong anek anek na nakasabit sa dingding. Ang ganda ng lampshade at yung mga decorations, ang gaganda. Mukhang mamahalin. Ang lambot ng kama pati ng unan. Medyo nakakasilaw yung liwanag dahil sa dami ng ilaw. Teka, wait, saglit, sandali! Wag niyong sabihing... OH NO!!! Nasa langit na ba ako?!
"Call me kapag nagising na siya." Eh? Boses ng lalaki. Kaninong boses yun? Kung wala pa ako sa langit... baka naman... OH NO!!! Nakidnap ako? Hala! Ayaw ko pang mamatay! Bata pa ako. Ikakasal pa ako kay James mylabs. Saka dukha lang kami, wala kaming pera pang ransom.
"WAAAHHHH!!! Tulong! Tulungan niyo ako!" May biglang pumasok na babae dahil sa pagsigaw ko. Napairap ako nang makita ito. Katulong iyon pero wagas maka make up at talagang pinaiklian ang pang maid na uniform. Nagmukha tuloy siyang pokpok, hindi katulong.
"Oh gising ka na pala?" aniya na mukhang amaze na amaze na makitang gising na ako.
"Ay hindi po, tulog pa ako. Nagsasalita talaga ako kapag tulog. Astig 'no?" sarkastiko kong untag.
Umirap siya saka sumigaw, "SIR! GISING NA PO YUNG KASAMA NIYONG BAKLA!!!" Ngumisi siya pagkakuwan. Aba! Kahiya naman sa pagmumukha nito. Kung ako mukhang bakla, paano pa siya? Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nun si...
"IKAW??? Anong ginawa mo sakin? Nasaan ako?" tanong ko kay shokoy. Oo, ang talipandas na shokoy nga, ang kurimaw na unggoy na nakatalakan ko sa park.
"Iwan mo muna kami," utos nito sa chaka niyang katulong. Agad rin namang lumabas ang loka, inirapan pa ako. Oh well, mamaya ko na yun aawayin, tiningnan ko nang masama si shokoy.
"Huy tinatanong kita! Nasaan ako?" Wala akong sagot na nataggap mula sa kanya. Naupo siya sa maliit na sofa na nandoon sa kwarto.
"Huy! Pipi ka ba? Libreng magsalita, uy! Walang bayad. Promise."
"Tss! Nandito ka sa bahay ko."
"Ah... yun naman pala eh. Nandito lang naman pala ako sa bahay mo, andami mo pang pa-echos. In fairness ha, ganda ng ba-ba... BAHAY MO?! Bahay mo 'to?"
"Oo. 'Wag kang OA."
"P-pero bakit? Paano ako napunta dito sa bahay mo?" nagtataka kong tanong. Tumayo siya at sinamaan ako ng tingin.
"Sino ba naman kasing nagsabi sayong maligo ka sa ulan ng ilang oras? Pasalamat ka at napadaan ako doon, kung hindi ewan ko na lang kung humihinga ka pa ngayon." Anito saka lumabas ng kwarto.
Saglit akong natulala sa narinig. Ang ibig niya bang sabihin, sinagip niya ang buhay ko?
Superhero siya?
STAI LEGGENDO
Lablayp ng Panget
UmorismoPanget man sa inyong paningin, may bonggang lablayp pa rin. Iyan si Purita Katigbak ng Brgy. Tralala. Ang babaeng pinagkaitan ng kagandahan ngunit magpapabaliw nang husto sa dalawang lalaking saksakan ng kagwapuhan. Will her incredible beauty inside...
