Kabanata 2
Ang Boses
"WALANGHIYA ka Eduardo, ibalik mo 'yan!"
Walanghiya! Ang walanghiyang bakla ay itinakbo ang panyo matapos malamang kay James mylabs iyon. Nagmistulang playground tuloy ang school ground sa paghahabulan naming dalawa.
Halos malagutan ako ng hininga sa haba at layo ng itinakbo ko. Napadpad kami sa dulo ng campus kung saan bibihira lamang ang estudyante.
Nilingon ko ang paligid at unti unting napangisi. Sa harap namin ay malaking pader.
"Paano ba 'yan, wala ka ng matatakbuhan," nakangising wika ko. Sumimangot siya saka nag-flip ng bangs.
"Whatever, Purits! Hindi ko pa rin ibabalik itong panyo ni Fafa James." may kaartehang untag nito at pinupog ng halik ang panyo. Napakuyom ako.
"Rafa, ibalik mo na kasi 'yan. Hindi ka man lang ba naaawa sa akin? Ang sakit na ng paa ko oh kakahabol sayo, alam mo ba yun?" Triny ko talagang magpaawa. Pout. Puppy eyes. Ngunit tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Wait Puritz, unang una, hindi ko sinabing tumakbo ka na mala Olympics. Wala rin akong sinabing sundan mo ang kasexyhan kong mala Victoria's Secret Model. At panghuli, di kita sinabihang habulin mo ang beauty ko na pang Miss Universe. So don't me, Puritz. Don't me." maarte niyang tugon. Pinakalma ko ang sarili ko saka ko siya nginitian.
"Rafa, alam mo bang ang ganda-ganda mo?" Wika ko habang nakangiti pa rin sa kanya.
"Tologo?"
Oo, sa sobrang ganda mo, ang sarap mong sakalin.
Tinodo ko pa lalo ang pagngiti. "Oo, tapos ang ganda pa ng katawan mo. Ang sexy."
Kumislap-kislap ang mga mata niya. "Waahh, tologo? Ano pa? Ano pa?" excited niyang tanong.
"Hmm, tapos kapag ibinalik mo 'yang panyo sa akin, ang bait bait mo na. Perfect ka na girl."
Biglang nag-iba ang expression ng mukha niya. Nangunot ang kanyang noo. "Tse! Kahit na hindi ko ibalik itong hanky ni Fafa James sayo, perfectly perfect pa rin ako 'no." Irap nito.
Jusko! Ano pa ba ang dapat kong gawin para mapapayag ko itong baklang ito? Sinamaan ko siya ng tingin.
"Nakakainis ka na ha! Akin na kasi 'yan." Saka ko siya sinugod. Pinilit kong agawin sa kanya ang panyo pero dahil sa likas na pandak ako ay hindi ko maagaw-agaw. Nakakainis!
"Ibalik mo na kasi Rafa! Ako naman nakakita niyan eh!"
"In your feslak Puritz!"
Napabuntong-hininga ako. Inuubos talaga ng baklang ito ang pansensya ko. Aariba pa sana ako ng isa pang sugod nang may boses na nagpahinto sa akin.
"Going back to the corner where I first saw you
Gonna camp in my sleeping bag I'm not gonna move..."
Maging si Rafa ay napatulala sa boses na yun. Nagkatitigan kaming dalawa at sabay na napahagikgik. Nawala na lang bigla sa isip namin ang about sa panyo. Nakakaloka naman kasi ang boses na kung sinong lalaking kumakanta ng "The Man Who Can't Be Moved". Inisa-isa namin ang mga abandoned classroom doon.
"Some try to hand me money, they don't understand, I'm not broke - I'm just a broken-hearted man..."
Takte! Nakakainlab yung boses!
"'Cause if one day you wake up and find that you're missing me
And your heart starts to wonder where on this earth I could be
Thinking maybe you'll come back here to the place that we'd meet
And you'll see me waiting for you on the corner of the street..."
Nakapikit ako habang dinadama ang kanta nang...
"Psst!" nilingon ko ang nangsitsit sa akin, sino pa ba eh isa lang naman ang kasama ko at walang iba kundi si Eduardo Rafael.
"Oh?" walang gana kong tanong.
"Dito Puritz, mukhang dito nanggagaling ang voice over flowers." Anito habang nakaturo sa abandoned classroom, which is ang music room dati.
Nabuhayan ako ng dugo. Agad akong lumapit sa kanya. "Talaga? Silipin natin." At hinatak ko si Rafa papunta doon sa itinuro niyang classroom. Dumungaw kaming pareho.
"So I'm not moving, I'm not moving,
I'm not moving, I'm not moving...
Going back to the corner where I first saw you,
Gonna camp in my sleeping bag, I'm not gonna move."
"OMG! SI FAFA JAMES!!!"
Napalingon bigla sa kinaroroonan namin si James mylabs dahil sa lakas ng boses nitong si Rafa. Patay! Pahamak talaga itong juding na ito!
"Hey, anybody there?" Pumasok kami ni Rafa para magpakita kay James. "Hi. What are you guys doing here?" tanong ni mylabs nang makita kami. Saglit! Aba'y inglesero pala itong asawa ko? Kanina lang ay nanangalog siya, diba? Di naman ako nainform. Nagpahanda sana ako ng tissues in case of nosebleeding.
"Eh kasi Fafa James, narinig namin bigla ang boses mo. Tapos gusto nitong si Puritz na sil--" tinakpan ko na kaagad ang bunganga ni Rafa. Baka kung ano pang lumabas sa bibig nito. Mahirap na.
"I'm sorry?" Nangunot ang noo ni James. Ang cute.
"Ah wala, James. Ang ibig niyang sabihin..." Napakamot ako sa batok. Biglang pumasok sa isip ko ang about sa panyo. Ngumisi ako. "'Yun! Isasauli sana namin yung panyo mo. Nahulog siguro nung nabangga mo ako." Tumaas ang kilay niya. Sheyt. Baka galit siya, naalala niya siguro kung paano ko siya tinalakan kanina. Pero mukhang hindi naman, ang aliwalas kasi ng ngiti niya eh. Kainlab!
"Uy, ikaw pala. Sorry again kanina ha. I didn't mean to hit you. By the way, about the hanky, where is it?" Nangatog ako sa bilis ng pananalita niya. Seriously, wala akong naintindihan. Panay lang ang ngiti ko sa kanya para di halatang nagdurugo na ang ilong ko.
"The hanky?" Nakalahad ang kamay niya. Nemen eh! Pinamulahan yata ako ng mukha. G-gusto niya bang mahawakan ang kamay ko? Hihi. So pinatong ko ito sa kanya. Nagsalubong ang kilay niya sa ginawa ko.
"I mean, yung panyo. Sabi mo isasauli niyo?" Napangiwi ako sa kahihiyan. Agad kong kinapa ang bulsa ko para hanapin yung panyo, pero wala ito roon. Nasaan na nga ba yun? Taimtim akong nag-isip. Naaalala ko na. Nakay Rafa yun. Yung juding na yun, di pa pala sinasauli yung panyo sa akin.
"Saglit lang James ha?" Wika ko saka ko nilingon si Rafa sa gilid... Pero ang juding nawawala na naman. Gala din talaga ang baklang yun.
Luminga-linga ako sa paligid. Nahagip ng mga mata ko ang juding na naka-tip toe habang papalabas ng silid. Aba't tumatakas ang bruha. Jusko! May plano pa siyang tumakas ha? Tumakbo ako palapit sa kanya at agad na kinuha ang panyo. Pinanlakihan ko siya ng mata at ang juding, umirap lang. Pumasok ulit kami ng silid.
"James, ito na yung panyo mo."
"Thank you. What's your name by the way?" Aniya habang kinukuha yung panyo. Uwaahh! Paalam hanky. Sayang, remembrance na sana eh. Pero teka! Tama ba ang dinig ko? Tinatanong niya kung ano ang pangalan ko? OMG! This is it! This is really is it, is it ng bonggang bongga! Dapat bongga ang pagpakilala ko. Ok, ok. Ehem! Hingang malalim and...
"Ako si Char---"
"Ako si Rafa, Fafa James, ang diyosa ng kagandahan. Hihihi."
Naningkit ang mga mata ko sa irita. Sinamaan ko ng tingin ang juding na walang kahiya hiyang nakikipagkamay sa asawa ko. Walanghiyang juding na 'to! Mang aagaw! Ako yung tinanong eh, ako! Ahas ka, bes! Ahas ka! Moment ko na yun eh. Moment na namin yun.
Dibale Purita, magpapakilala ka na lang ulit. Kabugin mo 'yang mang aagaw mong juklang kaibigan.
[TO BE CONTINUED...]
***
A/N: Credit @ChristineFloralde for the book cover at the multimedia.
YOU ARE READING
Lablayp ng Panget
HumorPanget man sa inyong paningin, may bonggang lablayp pa rin. Iyan si Purita Katigbak ng Brgy. Tralala. Ang babaeng pinagkaitan ng kagandahan ngunit magpapabaliw nang husto sa dalawang lalaking saksakan ng kagwapuhan. Will her incredible beauty inside...
