Kabanata 32
Ang Pagtatapat
"Bakit siya pa, Lex? Sagutin mo ako!" Inalog alog ko ang teddy bear na ibinigay ni James sa akin nang hindi ito sumagot sa tanong ko. Nang mapagod ay hinigit ko yun at niyakap. Kaarawan ko pero ito ako at humahagulhol sa loob ng kwarto habang yakap yakap si Lex.
Bakit kasi sa kanya pa ako nagkakaganito? Alam kong simula pa lang ay wala na itong kahahantungang mabuti kaya hangga't maaga pa ay dapat pinigilan ko na.
Kumalas ako sa pagkakayakap kay Lex at agad na pinunasan ang basang pisngi ko. Kinuha ko ang cellphone sa side table saka nagtipa doon.
How to move on?
"Good morning Puritz!"
"Morning," walang kagatol gatol na tugon ko sa bati ni Rafa pagkapasok ko ng Irosin High, Lunes ng umaga.
"Ay? Anong drama itey ha?" Nangalumbaba ako sa mesa at malungkot na tiningnan si Rafa.
"Ang sakit pala magmahal, 'no?" Pinilit kong pumakawala ng mahinang tawa ngunit hindi nakaligtas sa pag alpas ang mumunting luha sa gilid ng aking mga mata. Ginawa ko naman ang mga sinagot ni google sa tanong ko pero bakit ganito, ang sakit sakit pa rin?
Niyakap ako ni Rafa at marahang hinagod ang aking likod. "Ano bang nangyari, Puritz?"
"Mahal ko na siya, Rafa, pero aasa pa ba akong mamahalin niya rin ako pabalik kung higit pa sa siguradong hindi siya sa akin magkakagusto?"
"Ssshh, Puritz, wag mong sabihin 'yan. Tandaan mong habang may buhay, may pag asa. Tamo aketch, baklush pero may nagmahal sa akin ng truelalu, si Fafa John. Malay mo namang ganun rin siya sayo."
"Malabong mangyari yun Rafa. Ngayon pa't nandiyan si Samantha na napakaimportante sa kanya."
"E sa mga nakikita ko naman ay ikaw ang mas importante kaysa sa Amerikanang hilaw na yun 'no! Believe me, importante ka kay Fafa James!" Napangiwi ako nang marinig ang sinabi niya.
"Gaga! Anong Fafa James ka diyan? Hindi si James, si Lance!"
Namilog ang mga mata niya at talagang napatayo pa siya dahilan para magsitinginan sa kanya ang mga kaklase namin. "HUWATT?! SI FAFA LANCE ANG MAH-- AROUCH!!!" Napahawak siya sa braso niyang hinampas ko at sinamaan ako ng tingin. Pinandilatan ko naman siya pabalik kaya napaupo ulit siya.
"Tumahimik ka nga! Kailangan talagang sumigaw?"
"Ay, sarreh naman ha. Sakit nun ha!" irap nito.
"E sorry na rin. So... ano na bang gagawin ko?"
Umirap ulit ang juding saka lumapit sa akin upang bumulong. Aba, natuto na. "Ano pa ba, Puritz? E'di umamin ka."
Saglit akong natigilan saka nag isip. Dapat na ba akong umamin?
**
"Purita!" Mabilis ang takbo ko papunta sa sala kung saan naroon si Lance. Sumalubong kaagad pagkarating ko ang kunot na noo at salubong na kilay niya. "Kanina pa kita tinatawag ah? Ba't ang tagal mo?"
"S-sorry, galing kasi ako ng banyo kaya natagalan," paumanhin ko ngunit umismid lang ang shokoy. Sungit! Paano ako aamin nito kung ganito kasungit ang isang 'to?
"Pakikuha ng white folder sa kwarto ko, 'yung nakapatong sa mesa," utos niyang hindi man lang ako pinapasadahan ng tingin. Abala siya sa mga papel sa harap niya. Siguro about business iyon.
Nang hindi pa ako gumagalaw ay inangat niya ang kanyang ulo para matingnan ako. Busangot pa rin ang mukha ng shokoy, mukhang stressed na stressed. Kaya bago pa man siya ma-stress lalo at sigawan ako ay tumulak na ako paakyat ng kanyang kwarto.
YOU ARE READING
Lablayp ng Panget
HumorPanget man sa inyong paningin, may bonggang lablayp pa rin. Iyan si Purita Katigbak ng Brgy. Tralala. Ang babaeng pinagkaitan ng kagandahan ngunit magpapabaliw nang husto sa dalawang lalaking saksakan ng kagwapuhan. Will her incredible beauty inside...
