Kabanata 22

848 32 12
                                        

Kabanata 22
Confirmed

James' POV

"Bye James. Salamat sa paghatid. Saka, thanks for today. Nag-enjoy ako." Malaki ang ngiti ni Lotlot when she got out of the car. I couldn't help but to smile, too.

"I enjoyed this day as well... lalo na't kasama kita." I winked at her kiddingly. Umiwas naman kaagad siya ng tingin.

"Uh, sige pala. Una na ako, ha? Salamat ulit." And I was left stunned when she kissed me on my cheek without even giving warning. Di ko alam kung ilang minuto akong nakatunganga roon na parang tanga habang hawak-hawak ang pisnging dinampian niya ng halik.

Oh God! What's happening to me?

Everytime na naaalala ko 'yun, parang may mga kabayong nag-uunahan sa lakas ng tibok ng dibdib ko. Kumakalabog iyon. Naghuhuramentado. My heart beats faster and faster at nakakabobo na.

Am I falling for her?

Parang kanina lang ay nagtatampo ako tapos ngayon kulang na ay lang ay mapunit ang pisngi ko sa lapad ng ngiti ko. Ironic it is.

Flashback

"Hey man, hindi ka pa papasok?" ani Drex nang huminto ako sa gawing tarangkahan ng school.

"Later. I'm waiting for someone."

"I see. Sige, kitakits!"

Tinanguan ko si Drex bago ito pumihit paalis. Iginala ko ang tingin ko sa paligid, looking for her. Almost an hour had passed but still no Lotlot na dumadating. I sighed as I tried to wander my eyes around the place. Hindi ko na mabilang kung pang ilang buntong-hininga ko na ito. At hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Lately, parang laging gusto kong makita si Lotlot. Then now, I am here, standing in front of this big gate and waiting for her. Ni hindi ko nga alam kung papasok ba siya o hindi.

Then it hit me! Baka naman hindi siya papasok ngayon? I frowned at my thought. Nanlulumo akong pumihit papasok ng campus, pero hindi pa man ako tuluyang nakakapasok nang mapahinto ako. I saw her on my peripheral view.

"Hi James!" she greeted with a smile. I avoided her gaze and bit my lower lip. Bahagya akong napanguso.

"Ang tagal mo naman." I said, still not looking at her.

"Ah eh... hinintay mo ako?" I tried to give her a smile. A genuine one but I can't. Tipid na ngiti lamang ang kaya kong ibigay sa kanya ngayon.

"Yeah. Tara na, Ihahatid na kita sa classroom mo."

End of Flashback

"Hey son." I was shocked when I saw my dad lazily sitting on the sofa when I got home.

"Dad, what are you doing here? Kelan ka pa po dumating?"

"Kaninang umaga pa, hijo." He gave me a playful smile, as if he's trying to say, 'I know what you did a while ago'. Mariin akong napalunok.

"S-so..."

"Yes, son. I was here all along while you were enjoying at your room with a girl," hindi nito pagpapatapos sa sasabihin ko. Still, may mapang-asar na ngiting nakaukit sa mga labi niya.

"Look, it was not what you think it was." I tried to explain pero mukhang wala naman siyang balak makinig sa explanation ko. Panay lamang ang kibot ng bibig niya.

"Nak, girlfriend mo ba yun?" Nahinto ako sa pagpapaliwanag sa kanya nang tanungin niya iyang bagay na iyan.

"G-girlfriend?" Napakamot ako ng batok. "Hindi po, dad. She's just a friend."

"A friend? Tama ba ang dinig ko?" Kinunutan ko siya ng noo saka tumango. "What happened to you, James? Alam niya ba?" Lalo lang kumunot ang noo ko sa mga pinagsasabi ni dad.

"What do you mean?"

"Alam niya bang gusto mo siya?" Automatic na nanlaki ang mga mata ko sa mga binitiwan niyang salita.

"I am not-- Aray!" Napahawak ako sa batok ko nang bigla niya akong hampasin doon.

"Don't deny it!" Matigas na anito.

"I am not denying!" giit ko. Akmang hahambalusin na naman niya ako kaya agad akong lumayo sa kanya.

"Come on James, I know you well. I'm your father, remember?" Tumayo rin ito kaya ang ending ay naghabulan kami sa loob ng sala. I keep on telling him to stop but he never did. Ang lakas naman ng matandang ito.

"Stop this dad! You're childish!" sigaw ko.

"And you are in denial!" pabalik na hiyaw nito. Napasapo ako as I stopped running.

"Fine! Fine!" I faced him and gave him a glare. "Okay, kilala mo na ako dad, kilala mo na ako." Tinaas ko pa ang dalawang kamay ko. Bahagya siyang natawa saka pinasadahan ako ng tingin. Nanibago naman ako nang biglang sumeryoso ang mukha niya.

"Okay, ganito anak. I'll ask you some questions. Answer them honestly." Ngumiti ako't tumango.

"Does everything remind you of her?" Naalala ko bigla yung paghalik niya sa akin kanina. Napahawak ako sa aking pisngi at wala sa sariling tumango.

"Do you care what she cares about?" Napaiwas ako ng tingin as I whispered 'yes'.

"Do you commit random acts of kindness for her?"

"Well, I am kind to everyone." Tumango siya saka nagtanong muli.

"Do you factor her to your future?"

Napaisip ako sa sumunod niyang tanong. Am I factoring her to my future? Well, palaging sumisingit ang imahe niya sa tuwing iniisip ko ang mga plano ko para sa aking kinabukasan. So maybe the answer is... "Yes."

He then tapped my shoulder and grinned clandestinely. "Confirmed son," aniya. My forehead wrinkled.

"Confirmed? What are you saying dad?"

"Confirmed... na bading ka, anak." What? Baliw na nga talaga 'tong tatay ko. Tumayo ako. Akala ko seryoso na ang isang ito. Akmang tatalikod na ako nang hawakan niya ako sa aking braso.

"Sandali lang anak." Natatawang utas niya. "Ang pikon mo talaga. Manang-mana ka sa mama mo. I'm just joking. What I mean is, confirmed nga. You're in love."

Am I?

Lablayp ng PangetWhere stories live. Discover now