Kabanata 11
Ang Nakaraan
"Lance!"
Napalingon kami ni Lance sa babaeng tumawag sa kanya. Teka, si James ba yung kasama niya? Si James nga. At mukhang hindi siya mapakali. OMG! Don't tell me girlfriend niya 'yang kasama niya. No way! Lumapit silang dalawa sa amin... ay mali, kay Lance lang pala.
"Hey Lance, dito ka na rin mag-aaral?" tanong ni girl kay Lance. Sarap lang sabihing, 'What is obvious is obvious.' Kita na niyang nakauniform ang tao, magtatanong pa. Boba.
"Yeah," sagot ng shokoy.
"Really? Wow. Alam mo bang blah blah blah..." Ayun, ang dami pa nilang pinag-usapang dalawa na kung ano ano. Hello! nandito kaya kami! Ano 'to? Display lang kami ni James, ganern?
"Lance, I thought no pet allowed dito sa campus. Hmm, diba Alex?" wika ni girl sabay lingon kay mylabs.
"Yeah," tipid naman na sagot ng asawa ko rito.
"Huh? Wala naman akong dalang pet ah?" ani Lance.
"Wala? So... ano 'yang nasa likod mo?" mataray na wika ni girl saka... saka tinuro ako. Ako??? Putres! So ako pala ang tinutukoy ng bruhitang ito? Takte! Mukha ba akong pet? Hmp! Napalingon tuloy sakin sina James at Lance.
"Oh Lotlot, nandiyan ka pala." 'Ay wala James, actually picture ko lang ito.' Tss! Ngayon lang ako napansin ng asawa ko. Kakatampo naman. Nginitian ko siya kahit na labag sa kalooban ko dahil nga nagtatampo kuno ako sa kanya.
"Ah oo. Kasi ano..." Paano ba 'yan? Paano ko ba sasabihing P.A. ako ng kaibigan niya? Packing tape naman oh!
"A-ano kasi James, ano ako--"
"She's my P.A." biglang wika ng kurimaw. Wow huh? Makaagaw ng moment huh? Nangunot ang noo ni my loves. Oh James my loves so sweet, I am not cheating. Promise! Ikaw lang ang mahal ko. Wala ng iba pa.
"P.A.? She's your P.A.? Gosh! I'm sorry. I thought she's your pet. My bad." Maarteng usal ng bruha na may kasama pang pag flip ng buhok niya. Sh*t. Kung wala lang dito sina my loves kanina ko pa ito pinatulan.
"Sammy, stop that!" suway ni James kay bruhilda. Lihim akong napangisi. Kinampihan ako ni James my loves so sweet. Hihi.
"Why would I? Is she your friend?" taas-babang kilay na tanong ng bruha.
"Yes, she's a friend... a true friend," ani James habang ang tingin ay na kay Lance. Woah! May malansa akong naaamoy. Nakalimutan ko bang mag toothbrush? Ano ba kasing meron sa dalawang lalaking 'to? Kanina ko pa napapansing hindi sila nagpapansinan ah? Saka yung mga tingin ni James mylabs kay shokoy parang... parang may mali? O baka naman... bromance? Nyek! Wa'g naman sana.
"I need to go. Excuse me," bagot na wika ni James saka naglakad na palayo. Hala! Ano ba talagang nangyayari? Bakit nabadtrip yung asawa ko?
"Teka, makaalis na nga rin. May mga insecure kasi sa paligid," pagpaparinig ko sa bruha saka naglakad na rin palayo.
"Purita, bumalik ka rito!" sigaw ni Lance.
"Bakit ba? Namiss mo kaagad ako?" taas-kilay na tanong ko.
"Dream on, ugly creature. Ang gamit ko na sayo." Ay tanga! Oo nga pala. Pahiya ako doon ah? Dapat hindi ko ipahalatang napahiya ako lalo pa at nariyan ang bruha sa paligid. Nakachin-up, nakabreast-out akong lumapit sa kanila.
YOU ARE READING
Lablayp ng Panget
HumorPanget man sa inyong paningin, may bonggang lablayp pa rin. Iyan si Purita Katigbak ng Brgy. Tralala. Ang babaeng pinagkaitan ng kagandahan ngunit magpapabaliw nang husto sa dalawang lalaking saksakan ng kagwapuhan. Will her incredible beauty inside...
