Kabanata 25

894 36 12
                                        

Kabanata 25
One Sided Love

"Puritz! Nage-guilty aketch. Hindi ko naman kasi akalaing si Fafa John at yung nerd na pinagtatabuyan ko dati ay iisa lang. Nakakahiya kay ate Madi lalo na kay Fafa John."

Kadramahan talaga ng juding na ito. Talagang pinag-cutting class ako para lang panuorin siyang umiyak nang walang kaluha luha.

"I don't know how to paste them now. I know tomorrow I know."

Ano raw? Automatic na nag landing ang kamay ko sa batok niya.

"Aray! Grabe 'yang kamay na bakal mo, Puritz ha? Can't you see na may dramatic scene ako ditey?"

"Wag ka kasing um-ingles ingles dahil wrong gramming ka!"

Natahimik siya at mukhang may inaalala. Pagkukuwa'y nambatok din ang bruha. "Ang boba mo Puritz! Wrong grammaring, hindi wrong gramming!" singhal nito.

Aba! Wrong grammaring daw? Ang pagkakaalam ko wrong gramming ang tama eh. Teka nga, ba't ba kami napunta sa topic na 'to? Tss.

Lalayasan ko na sana siya doon nang umatungal siya. "Puriitzz! I kennot! Madedeado na aketch sa problema na itey!"

Nasapo ko ang noo ko saka ko siya pinamewangan. "Ang OA mo Eduardo ha. Ano ngayon kung si John nga yung nerd na kinasusuklaman mo dati? Mukhang wala naman siyang sama ng loob sayo eh. Hindi ko nga magets kung bakit patay na patay yung poging 'yun sayo."

Umaliwalas bigla ang madilim na pagmumukha ni Rafa. Niyugyog pa ako ng talipandas na baklush.

"Tama ka Puritz with malaking check ng fenk na ballpen! Oh siya sige babush! Puntahan ko na si Fafa John."

Akmang tatakbo na sana ang bruha nang higitin ko ang shoulder bag niya.

"Aba uy! Hindi ka pa pupwedeng umalis. Pagkatapos mo akong iliban sa klase at sayangin ang oras ko rito sa napakababaw mong problema ay aalis ka na lang bigla? Aba hindi pupwede 'yan Eduardo Rafael."

Nag crossarms siya saka sinamaan ako ng tingin. "Kahit kailan talaga kontrabids ka sa life ko, Puritz," nakangusong litanya nito habang may tinatanaw sa likuran ko.

Hinabol ko ang tingin niya at ang malantod na juding ay sa senior na basketball player nakatingin.

Papangaralan ko na sana siya nang may kung anong bumara sa lalamunan ko nang mahagip ng mga mata ko ang dalawang taong magkasamang naglalakad.

"Diba si Fafa Lance yun?" panunuro ni Rafa sa lalaking kasama ng impaktitang si Sam.

"Ang landi talaga ng babaeng 'yan. Hindi pa nakuntento sa panunulot sa asawa ko!" himutok ko habang mariing kinukuyom ang aking kamao.

"Ay girl, jealous much?" humahagikgik na panunuya ni Rafa. Inirapan ko siya at marahas na kinaladkad para sundan iyong dalawa.

"Gravity Puritz, slow down, pwede?"

Ugh! Nanggigigil na talaga ako diyan sa haliparot na 'yan. Talagang nag transfer dito para manlandi. Ang kapal lang.

"Huy Charlotta Katigbak! Nakikinig ka ba? Kung want mong pumatay, wag mo aketch idamay. Ayokong mabahiran ng dugo ang smooth and moisturized hands ko."

Hindi ko na pinansin ang madaldal na bunganga ni Rafa. Nakatuon lamang ang atensyon ko kina Lance at Sam na tumigil malapit sa gymnasium.

Nagtago kami sa puno ng mangga.

"Kalurkey ka Puritz, ha. Talagang naging espiya tayo dito sa kadramahan mo na 'to."

Pinandilatan ko siya ng mata. "Tumahimik ka nga, baka mahuli tayo," mahinang untag ko.

Lablayp ng PangetWhere stories live. Discover now