Kabanata 9

1.2K 55 23
                                        

Kabanata 9
Biyahe
 

Lance's POV

"Payag na akong maging P.A. mo."  I know that would be her answer. Well, she had no choice.

Grinning, I faced her. "Okay then, follow me."

"Ha? Saan na naman pupunta?" Napasapo ako sa noo. Ang daldal talaga ng babaeng ito. Can't she just do what I said without asking questions?

"I said, follow me. That's a command," mariing wika ko nang hindi man lang siya nililingon. Maya maya pa ay napansin ko na ring sumusunod na siya. Huminto ako sa tapat ng isang kwarto. I opened the door then I looked at her.

"Pasok," I commanded.

"H-ha?"

"I said, get in!"

"A-ah. Sorry." pumasok na rin naman siya sa loob. Tss! Gusto lang pa lang inglesin. Pumasok na rin ako at sinara ang pinto, nakita kong  nakaupo siya sa kama at di mapakali. Namumula rin siya. Anong nangyayari sa panget na ito?

"Ahm Lance, a-anong gagawin natin dito?" pautal utal niyang tanong. Hmm? Ano bang iniisip nito? Iniisip niya bang... Napangisi ako. Mapagtripan nga.

"Hmm... Ikaw, ano bang gusto mong gawin natin?" I said using a seductive bedroom voice. Lumapit ako sa kanya na naging dahilan ng kanyang pag-atras.

"H-ha? U-uy! Kung ano man yang plano mong gawin, p-please lang wa'g mo nang ituloy, koya. B-bata pa ako! Bata pa tayo!" naginginig niyang tugon. Napahalakhak ako. Damn. If you could only see her face. Pucha! Ang sagwa.

"U-uy, ba't ka tumatawa?"

"Kung ano ano kasi 'yang iniisip mo. The heck! Ang green mo pala. Anyway, ito ang kwarto mo. Yung mga gamit mo, iaakyat na lang dito pagkatapos malabhan." Pailing iling ako habang palabas ng kwarto. Shit! Ano ang akala ng panget na yun, papatulan ko siya?

That's the least thing I will do, probably.

**

Purita's POV

Toktoktok

Humikab ako. "Ano ba 'yan? Ang ingay." Kinusot ko ang mga mata ko.

Toktoktok

"Tss! Nandiyan na!" sigaw ko. Bumangon na ako at pinagbuksan ang kumakatok. Pagkabukas na pagkabukas ko nito ay agad na bumungad ang chakang mukha ng echoserang katulong ng shokoy.

"Bakit?" pagtataas ko ng kilay.

"Wow! Buhay prinsesa ang bruha. Huy bakla, para sabihin ko sayo, wala ka sa bahay mo. Ambisyosa!" anito.

"Maka-huy kang pokpok ka ha? Para sabihin ko rin sayo, wala ka rin sa pamamahay mo! Echosera!"

Hindi nakasagot ang inggrata. "O di ka nakaimik diyan," irap ko.

"Tse! Magbihis ka na raw... sabi ni hubby," anito at pinamulahan ng mukha.

"Hubby? Sinong hubby?"

"Eh sino pa ba? Si Sir Lance, duh!" Irap nito saka umalis. Kaloka! Ang landi ng impakta.

**

Sa Biyahe...

Nandito kami ngayon ni Lance sa kotse niya. Meron siyang driver kaya pareho kaming nasa backseat. Ang tahimik. Walang nagsasalita sa amin. Buti na lang at binuksan ni manong driver ang radyo.

🎶Alam mo ang ganda mo pala 
Pagtumawa ang 'yong mata
Hinahabol ko ang bawat mong tingin
Pero ito'y di mo napapansin
Wala akong maipagmamayabang
Porma ko'y pasimple simple lang
Sino ba ako walang dating sayo
Di tayo bagay sobra mong ganda talaga 🎶

Waaahhh! Favorite ko yan!!! Namiss ko tuloy ang F4. Lalo na si Dao Ming Si. Kyaaaahhh! Ang gwapo niya kaya. Masabayan nga...

🎶Di ko alam hanggang kailan tayo 
Di ko mabago ang ikot ng mundo
Pero sama ka sa aking biyahe
Atin lamang ang araw na ito
Ang buhay ay sinasakyan lang yan
Di ko alam ang tungo kung saan
Pagsumama ka sa aking biyahe
Iaalay ko ang puso ko ohhhh... 🎶

"Manong, pakipatay nga ng radyo, pakisabay na rin ng panget na 'to," matabang na wika ng shokoy sabay turo sa akin.

Oh? Ano na naman bang ginawa ko? Bakit nagalit 'tong kurimaw na'to? Kumanta lang naman ako ah?

Hindi ko na lang siya pinatulan kasi baka mag-away pa kami. Kasi kapag nag-away kami, papalayasin n'ya ako sa bahay n'ya. Kapag pinalayas niya ako, wala akong matitirahan. Kapag wala akong matirahan, magiging taong grasa ako. Kapag naging taong grasa, e'di lalo akong papanget.

Mabuti na lang talaga at nakarating din kami kaagad ng Irosin High. Ang boring boring kasi sa loob ng kotse ng kurimaw, ang tahimik. Ang KJ naman kasi ng kasama kong shokoy.

Nagsimula na kaming maglakad papasok ng eskwelahan at itong ugok na 'to, pinabitbit ba naman sa akin lahat ng gamit n'ya. Trabaho ko raw yun bilang P.A. niya. Tss! Kung meron lang talaga akong ibang matitirahan, di ako magtitiis sa unggoy na 'to, e.

Habang naglalakad kami ay napansin kong maraming napapalingong babae sa kanya. At feel na feel naman ng kurimaw. Yuck! Sapakin ko siya diyan, tsura niya!

Napansin ko ring maraming tumitingin sa akin. Oh dears, wag niyo na akong titigan, alam ko namang maganda ako. Mwahaha!

Dejoke lang, ang sasama nga ng mga tingin sa akin eh. Yung tipong kulang na lang ay may fire effect sa mga mata nila. Oh well, hayaan niyo sila, mamatay sila sa inggit... kahit hindi naman kainggit-inggit ang makasama ang isang shokoy.

"Lance!" Napalingon kaming pareho ni Lance sa babaeng sumigaw. Oh wait! Si James ba yung kasama nun?

[TO BE CONTINUED...]

***

A/N: Ang ikli, I know. Pabitin muna. Maghaharap na sina James at Lance. Anong mangyayari?

Lablayp ng PangetWhere stories live. Discover now