Tumingin ako sa likod ko. Nagbabakasakaling sinundan ako ni Kevin.
Pero hindi, walang Kevin na sumunod.
Sa halip...
Sa halip, ang nakita ko ay isang lalaking nakataas ang kamay at may hawak na panyo.
"Teka! *huff *puff Teka miss!" bago pa siya makaabot sa akin ay pinunasan ko ng mabilisan ang kauna-unahan kong luha.
Balak ko pa namang picturan ang sarili ko. :/
"Sa wakas, tumigil ka rin sa pagtakbo! *huff *puff Akala ko *huff di na kita maabutan eh." hingal na hingal siya.
"Bakit po? *hic Ano po bang *hic kailangan niyo po?" sinisikap kong pigilan ang pag-iyak ko.
Ano ba naman 'to?! Di ba niya nahahalatang umiiyak at naiiyak ako?!
"Nalaglag niyo po yung panyo niyo." inabot niya niya na sa akin ang panyo na hawak-hawak niya kanina.
Kinuha ko ang panyo ng mabilisan atsaka ako tumakbo ulit.
January 7, 20XX
7:05 am
Monday
Weather: Rainy
Sa kakatakbo ko ay napunta na pala ako sa school garden.
:'(((((
Kaysa magpaka emo sa gilid ay magpapaulan na lang ako!
Nagtampisaw ako sa ambon.
STAI LEGGENDO
1 million a month and a love story 웃❤유 [COMPLETED]
Teen FictionAng storya ay napapatungkol sa pangarap ni Lydia at kay Kevin. Si Kevin ay isang lalaking bayolente pero isang mapagmahal na kaibigan. Samantalang si Lydia ay isang honor student na walang pakialam sa ibang tao basta't siya'y mapapalugar sa mas ik...
Part 6: The path of thorns
Comincia dall'inizio