Vice's PoV
Pagkatapos ng dinner namin ng BOYFRIEND ko napahgisipan namin na mag-party at pumunta sa isang bar sa loob ng resort.
Ang mga kasama namin ay si Anne, Vhong, Karylle at Jhong.
Si Kuya Billy naman ay bumalik na sa kwarto nya, magpa-pahinga na daw, si ate Mariel, tyang Amy at Ryan ayaw nilang uminom kaya nauna na rin sa hotel.
On our way papunta sa bar napansin kong nagla-landian si Anne at Vhong kaya napatigil ako sa paglalakad.
"Hoy Vhong apakalandeeeee" iritang saway ko.
"Grabe naman to, kinakausap lang naman" sagot naman ni Vhong.
"Kinakausap may pahawak sa bewang?"
"Inaalalayan lang "
Sasagot pa aana ako pero hinigit ni ion ang bewang ko sabay bumulong.
"Tsk babe hayaan mo na"
Tumigil na ako ka-kasita sakanila.
Pagpasok namin sa bar ay hinatid agad kami saaming table at nag order kami ng mga kakainin namin at iinumin.
Nang nakarating na ang drinks namin, kaagad akong nagsalin sa baso ko at uminom ito ng isang tungaan lang.
Naramdaman ko naman ang mahinang pagkurot ni ion sa tagiliran ko.
"Hinay-hinay naman babe, makakasama sayo yan eh"si ion.
"Di yan babe, kaya ko to, di mo alam dati sa Australia gabi-gabi kami sa bar don kaya sanay na ako"
"Pero matagal ka nang hindi nag ba-bar baka mabigla yung tyan mo babe" nagaalalang sabi nito.
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ni ion sabay sabi ng.
"Babe don't worry at the end of the night makakayanan ko pang lumakad promise"
Sabay lapit ng konti sa mukha nya at hinalikan ang ilong nya.
~f a s t f o r w a r d~
A few hours have already passed at konti nalang ang tao sa bar. Si Anne at Vhong ay nasayaw sa dance floor. Si Karylle at Jhong naman ay nagtatalo sa dancefloor, pano kasi si Karylle hip-hop ang tugtog tapos nag ba-ballet.
Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko si ion na tahimik nakaupo lang, di ko ito pinansin at sumayaw-sayaw nalang ako sa tugtog kahit magisa.
Di sya masyadong nainom kasi baka daw walang maghatid saamin pabalik sa hotel, samantalang ako naman ay inom kung inom nahihilo na ako pero tuloy parin hanggat di bumabagsak.
Nagtaas ako ng kamay para magtawag ng waiter.
"Waiter!, One more Bottle of this please" sabi ko pa habang pilit na inaaayos ang salita ko pero naririnig mo sa boses ko na kasing na talaga ako.
Hinawakan naman ni ion ang kamay ko at ibinaba ito.
Nang may lumapit na waiter saamin na may dalang bote ng wine ay tinakpan ni ion Ang bibig ko at sya ang nagsalita.
"No, we won't order anymore, lasing na sya eh thank you nalang" Sabi nya don sa waiter.
"Sige po sir"
At umalis na ang waiter.
Humarap naman si ion saakin ng nakakunot ang ulo.
"Whatttttt?!" lasing na tanong ko.
"We are going back to our hotel na" diretsong sabi nya sabay hawak mg kamay ko at pilit hinihila papunta sa mga kasama namin.
Kinalabit nya si Vhong at binulungan.
Tumango naman si Vhong sa kung anong binulong ni ion at nag wave saamin ni ion ng goodbye.
Sabay hinila ulit ako ni ion palabas pero nag pupumiglas ako at humawak pa ako sa isang table para hindi nya ako mahila.
Even though hinihila nya ako hindi naman ako nasasaktan kasi maingat ang pagkakahawak nya sa mga braso ko.
Humarap uli saakin si ion sabay bumitaw sa kamay ko, tatakbo na sana ako ng bigla ako nitong buhatin na parang bigas at inilagay sa balikat nya.
Hinahampas ko ang likod nya pero di itong umaalma, hanggang sa makalabas kami sa bar.
Ibinaba nya ako at binuhat ng pabridal.
"Ayaw ko pang matulog" nag mamaka-awang sabi ko sabay hampas ng mahina ng bote na hawak ko pa sa dibdib nya. Masyado na akong lasing kaya hindi ko na kayang mag exert ng energy sa paghampas kay ion.
"No, bukas nalang ulit kung gusto mo pero for now tama na yon, di mo na nga kayang maglakad eh"
"Kaya ko pa kaya" pagmamalaki ko sabay nagpumiglas sa buhat nya kaya ibinaba nya ako at naglakad ako.
Potek ka ilang hakbang palang ang nagagawa ko nang pagewang-gewang eh bumagsak na ako sa sand.
Tinignan ko si ion at inilabas ang kamay ko na parang nagpapabuhat.
"Buhat nalang pala" nagpapacute na sabi ko sakanya pero naglakad lang ito palayo saakin at papunta sa direksyon ng hotel.
"Oyyy babe!!!, Buhatin mo koooo!" sigaw ko dito pero hindi ito lumilingon kaya tumayo ako at pinilit maglakad kahit pagewang-gewang pa ako.
Malapit ko nang maabutan si ion ng muntik na akong matumba ulit.
"Ahhhh!" tili ko pa nung muntik na akong mahulog.
Pero may isang unknown guy na makasali saakin.
Napaharap naman si ion nang marinig ang sigaw ko at agad na naglakad papunta saamin nung lalaki.
"Are you okay?" tanong nung lalaki saakin.
Tumango naman ako bilang sagot sabay itinayo ako nito.
Sakto naman at nakalapit na saamin si ion ng walang anu-ano'y hinila nya ang kamay ko.
"Hoy pre, kilala ka ba ng babaeng to?" sigaw nung lalaki habang hawak din nung kabila kong kamay.
"Oo, baket kilala ba kita?" matapang na tanong ni ion sa lalaki.
Sasagot pa sana yung lalaki pero bumitaw ako sakanya at sumama kay ion.
"He's my boyfriend...we gotta go back to our hotel" paalam ko dun sa lalaki.
Binitawan naman ni ion ang kamay ko at naglakad.
Sumunod naman ako sakanya at dahil lasing ako at medyo nagewang ako at mabilis akong napagod.
Tumigil ako sa paglalakad.
"Susunod nalang ako sakanya, pahinga muna ako" Sabi ko sa isip ko sabay upo sa sand at yumuko.
Maya-maya may lumapit saakin at nagsalita.
"Halika na, buhatin na kita" malambing na pagkasabi ni ion.
Iniangat ko ang ulo ko at tinignan si ion, nginitian ko ito at dahan-dahang tumayo.
Hinubad ni ion Ang jacket nya at itinali sa bewang ko, para siguro matakpan yung legs ko, tapos umupo si ion.
"Sakay ka sa likod ko, piggyback ride kita" Sabi nya.
Sumunod naman ako sakanya at sumampa ako sa likod nya.
Tumayo sya at nagsimula na naming tahakin ang daan papuntang hotel.
Nasa elevator palang kami pero inaantok na ako kaya ipinikit ko ang mata ko at natulog.
