Chapter 10

1.1K 37 13
                                        

Ion's POV

Nakatitig parin kami ni vice sa isa't-isa at natauhan lang kami ng may lumapit saaming lalaki.

"Sir, ma'am, pasensya na po, may nasaktan ba sainyo?"tanong ng lalaki.

Humarap ako sa lalaki at nakita ko na.....si Jhong pala Ito.

"Kuys Jhong??"takang Sabi ko.

"Cutie pie?!!!"nasayang sabi naman ni Vice.

Napaharap ako kay vice at nakita kong nakangiti sya at nakatingin kay Jhong, agad ko namang ibinaba si Vice at inayos ang suit ko, sa kabilang banda biglang tumalon si vice at niyakap si Jhong.

"Cutie pie I miss youuuuu!"nakangiting sabi ni Jhong hanag buhat si vice at inikot.

"Magkakilala kayo?"tanong ko.

Binaba ni Jhong si vice at tumingin silang dalawa saakin.

"Oo, nameet ko sya last year sa isang basketball game sa Australia"paliwanag ni vice.

Tumingin ako kay Jhong na parang nagtatanong.

"Oo nga pala kuys, sya yung sinasabi kong chix na kaibigan ko, i never get to mention his name eh"sagot naman ni Jhong.

"Ngapala CUTIEPIE san ka pupunta?"tanong ni vice kay Jhong, naka-ineemphasize pa yung cutiepie.

"Maglalunch sana ako"

"Mag-isa?...sakto mag lalunch ako kasama si jelly, sabay ka na samin"nasayang Sabi ni vice.

"Ahh sige, ikaw kuy--"

"Teka!, ako ang kasama ni jelly mag lunch"singit ko sa usapan nila

"Nauna nya akong tawagan!"pikon na sabi ni vice.

"Hindi nya naman ipinaalam saakin na kasama ka"

"Bakit lahat ba dapat malaman mo?, ano ka ba nya j-j-jowa?"nag babuckle na Sabi ni vice.

"Hindi...pero kahit n--"

Hindi natuloy ang sasabihin ko nang humarang sa gitna namin si Jhong.

"Ganito nalang, wala akong kasama mag lunch, bakit di nalang tayo magsabay-sabay, ako, ikaw vice, si ion at yung sinasabi mong jelly"
Si Jhong.

Tumango nalang ako at tsaka naglakad papunta sa kotse ko.

Paalis na ako nang kumatok si Jhong sa bintana kasama si Vice na nakabusangot.

"Bakit kuys?"tanong ko.

"Wala kasi akong extrang helmet, baka pwedeng isabay mo muna si vice sa kotse mo, mauna ka na susunod ako"eksplenasyon ni Jhong.

Tumingin naman ako kay vice tsaka tinanong sya.

"Okay lang ba sayo yon vice?"

"Eh wala na akong magagawa"malditang sabi nya tsaka pilit pinuksan ang pinto sa likod.

"Buksan mo"utos nito saakin.

"Di pwede sa likod, natapunan ng kape yan kaninang umaga, dito ka sa tabi ko"Sabi ko kay vice.

Pumaning naman ako kay Jhong at sinenyasan sya na okay na kami at pwede na syang sumakay sa motor nya.

"Ayoko nga"sagot ni vice.

"Anong ayaw mo?"tanong ko.

"Ayoko dyan maupo sa tabi mo"

"Ah, sige maglakad ka nalang, gutom na kasi ako eh"diretsong sabi ko sabay inistart ang engine, bigla namang lumipat si vice at bubuksan ang pintuan sa tabi ko.

"Ito na nga eh sabi ko nga sasakay na ako"galit na sabi pa nya.

Natawa nalang ako sa pinaggagawa nya.

Ilang minuto lang ang lumipas at nakarating na kami sa restaurant, nasa bungad lang si jelly kaya kaagad namin syang mahanap, ako ang unang naglakad at excited na nakipagbeso kay jelly

"Hi jelly, sorry medyo natagalan, may nangyari Kasi"paliwanag ko.

Lumapit naman din si vice at bumeso kay jelly.

"Di mo naman sinabing isasama mo tong asungot na to"bulong ni vice kay jelly na marinig ko rin.

Humarap sakin si vice kaya nginitian ko ito at inirapan ako nito biglang sagot .

"Oh and you are??"tanong ni jelly kay Jhong.

"I'm Jhong....kaibigan ako ni vice at ion"pakilala ni Jhong kay jelly sabay nakipagkamay sya dito.

"Nice to meet you....so shall we eat, nagugutom na kasi ako eh"si jelly.

Nagsiupo na kami at lumapit ang waitress at kinuha ang mga order namin.

Habang kumakain kami ay nakikita kong sweet sila vice at Jhong, since mortal enemy kami ni vice ngayon ay gumanti rin ako, sakto nakita ko si jelly na may sauce sa gilid ng labi kaya kumuha ako ng tissue at pinunasan Ito, napatingin naman si vice saamin habang si Jhong ay kumakain lang.

"Sweet Naman"bulong ni vice in a bitter way.

Napansin ko sa gilid ng mata ko na kumuha si Vice ng isang ham at isinubo kay Jhong.

"Masarap to, tikman mo cutiepie"Sabi ni vice habang sinusubuan ng ham si jhong.

Si Jhong naman ay kinain din Ito, mukhang nakikipag-kompetensya talaga sakin tong si vice ah, tignan ko lang kung kakayanin mo itong next.

Umiinom ako ng tubig at sinandya kong natapunan ang suit ko ng bahagya.

Napatingin si vice at jelly saakin.

"Ay shaks, may tissue ba kayo dyan?"kunyaring tanong ko pa.

Si vice at jelly ay parehong maghanap ng tissue at naunang magbigay si jelly kaya nang ibigay saakin ni vice ang tissue at mayroon na akong hawak hawak, pero buti nalang at kailangan ni Jhong ng tissue.

"Penge ding tissue hahaha"nagawang sabi ni Jhong at parang naiinis na ibinigay ni vice ang tissue nya kay Jhong.

Ilang minuto ang lumipas at matapos na kaming kumain, di muna kami umalis at nagusap muna kami, si Jhong at ako ay kausap si jelly at nagtatawanan kami maliban kay vice kasi di sya nagsasalita, nakatingin lang sya saakin ng masaya habang naka-cross arms, then out of nowhere biglang tumayo si vice at lumakad papuntang cr.









I'm Into You (version 2.0)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora