(Mami vice do smoke but he's not a heavy smoker, di sya palaging nag so-smoke, si Terrence naman ay hindi ko sure kung he do smoke or not)
Vice's POV
Tumabi ako kay terrence na nag yo-yosi at kinuha ito sakanya sabay hithit dito.
Gulat naman itong napatingin sakin sabay kuha ng panibago at nagsindi.
"Malaking Problema??" tanong nito.
"Sobrang laki" natatawang sagot ko kay Terrence.
Pagkasagot ko ay naramdaman kong mas lumapit sya saakin sabay about ng isang calling card.
"If you want someone to talk to, I can always make time for a friend" Sabi nito habang inaabot ang card saakin.
Inabot ko naman ito sabay labas ng phone ko at sinave ang number nya.
"Pwede ba nating pagusapan ngayon yang problema mo?" tanong nito.
"Anong mas masakit?, Yung iwan ka ng taong mahal mo or iwan mo yung taong nahal ka?" tanong ko dito habang nagmumuni-muni.
"Pareho, parehong masakit.....bakit ba?"
"Sa tingin mo ba mas magandang unahan ko nalang sya. Ako nalang ang mang-iwan kaysa ako ang maiwan" matalimhagang tanong ko ulit kay Terr.
"Para sakin, hindi, kung alam mo nang iiwanan ka nya, bakit di kayo magusap?. Baka may paraan pa?, Baka sakaling kaya nyo pang isalba?, Baka maayos pa eh....sayang" natatawang Sabi nito.
"Bat ka tumatawa?"tanong ko.
"Natamaan naman kasi ako sa mga tanong mo"
Napaharap ako sakanya at tinignan sya sa mga mata.
"Alam mo, kung ano man yang problema na hinaharap nyo, ayusin nyo na ngayon palang, hanggang maaga pa, hanggang may oras pa kasi once na dumating yung araw na naghiwalay kayo dahil sa hindi kayo nakapag-usap ng maayos, promise sobra kang magsisisi" kwento nito.
Nanlumo naman ako sa sinabi nya, kitang-kita ko sa mga mata nya yung sakit na nararamdaman nya.
"What happened to you??" tanong ko.
Hindi pa man din nakasagot ay bigla naming narinig ang tawag ng dalawa kaya kaagad na rin kami ng pumasok sa loob.
"Andyan lang pala kayo....vice uwi na tayo may meetings pa ako bukas kailangan na nating umuwi" dire-diretsong sabi nito sabay hawak sa braso ko.
"Ako din uuwi na" mahinahong sabi paalam ni Alex sabay lakad magisa palabas.
~fast forward~
"Ion...." tawag ko kay ion habang nag da-drive sya.
"Bakit?" tanong nito.
"Wala lang haha"
Di Ito sumagot at nagpatuloy lang sa pag ma-maneho.
Ilang oras pa ay nakarating na kami sa condo ko.
Hindi nya manlang ako pinagbuksa ng pinto at ni hindi tumingin sa akin ng lumabas ako.
Bago ko sinarado ang pinto ng kotse nya ay pinaalalahanan ko pa sya.
