Ion's POV
Lumapit saakin si Jackie at niyakap ako.
"Oh, babsie, kanina ka pa ba?" tanong ko kay Jackie.
"Oo, hinihintay Kita, dinalahan kitang lunch, nag lunch ka na ba?" Tanong ni Jackie.
"Ay kaka-galing ko lang sa restaura--" Hindi ko tinuloy ang sasabihin ko dahil nalungkot sya.
"Ah, sige, uwi na ako" nagtatanong Sabi ni Jackie.
Pinigilan ko sya sa pagalis.
"Teka, sasabihin ko nga na hindi ako nabusog don, alam mo naman gusto ko yung busog na busog ako......ano ba yang dala mo?" Tanong ko pa sabay kuha ng plato sa mini kitchen sa loob ng office.
"Talaga Lang ah?" di makapaniwalang sabi ni Jackie.
Inilapag ko sa lamesa yung dala ni Jackie at inilagay sa plato.
~fast forward~
Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga muna kami, nakaupo lang kami sa harap ng lamesa, ang sarap kasi ng dala ni Jackie, adobo at sinangag na kanina.
Habang umiinom ako ng tubig ay napatingin sakin si Jackie sabay tumawa ng malakas.
"Bakit?" tanong ko kay Jackie.
Pero imbis na sagutin ako nito ay tinawanan lang ako ng tinawanan.
"Ano nga?!" galit na tanong ko kay Jackie.
Ibinagsak ko ang baso sa lamesa ng malakas at tinignan ng masama si Jackie.
"Pinagti-tripan mo nanaman ba ko?"
"May--hahahahahah" Hindi natuloy ang sasabihin nya dahil sa tawang-tawa sya sa kung ano man na hindi ko malaman-laman!!.
"Anong may?" naiinis na tanong ko.
Tumawa muna sya ng tumawag hanggang sa mapakalma nya ang sarili sabay huminga sya ng malalim.
"Wheww, may sauce ka sa mukha" sagot nito.
Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang kaliwang parte ng mukha ko.
"Hindi dyan,sa may--"
Hindi mo sya pinatuloy at pinunasan ang kanang parte ng mukha ko.
"Bobo, sa may--"
Nainis ako sakanya kaya ibinato ko yung tissue sa lamesa.
Tumayo naman si Jackie at lumapit sa tabi ko sabay yumuko saakin at iniharap nya ang mukha ko sakanya.
Dahan-dahan nyang inilapit ang daliri nya sa labi ko at pinunasan ang sauce.
Ngumiti si Jackie saakin at tinitigan ang labi ko, di ko alam ang gagawin, la-layo ba ako or ikikiss ko ba sya.....teka ayokong ikiss sya kasi unang-una, kaibigan ko sya at pangalawa....Di Ko Sya Trip.
At ito na nga ang kinakatakot ko, unti-unting inilapit ni Jackie ang mukha nya saakin sabay nag pout.
Di ako mapakali, dahan-dahan kong iniusog ang mukha ko para di magdikit ang labi namin, usog ako ng usog hanggang sa dulo na ako ng upuan kaya wala na akong magagawa kung di ang mag pout narin at..........
