Chapter 16

1.2K 37 42
                                        

Vice's POV

1:00 am na, kami nalang ni Vhong ang natira dito. si Vhong naka-tulog sa mahabang couch, ako naman ay nasa balcony, sosyal tong ospital dito eh may pa balkunahe.

Nahgseselpon ako dito habang nagyoyosi. Alam ko namang nasa ospital ako at maraming may sakit dito pero di ko na keri teh, isang buwan akong di nagyosi.

Maya-maya ay may nagbukas ng pinto sa balcony, napaharap ako dito at nagulat ako kasi against the light kaya anino lang ng taong pumasok ang nakikita ko.

"Ayyyy potah!" gulat na sigaw ko.

Nang nakalapit ang taong yon naaninag ko na si ion pala yon.

"Ginagawa mo dito, sabi ng doctor magpahinga ka daw" nagaalalang sabi ko sakanya.

Umupo sya sa tabi ko at sumandal sa upuan.

"Sabi din ng doctor, masama ang makigarilyo" Sabi ni ion habang nakapikit.

Tinapis ko nalang kaagad ang pani-nigarilyo ko at uminom ng tubig.

"Pumasok ka na lang sa loob kung maninita ka lang din naman" asar na sabi ko sakanya sabay nag cross arms at sumandal sa upuan ko.

"Bat ba asar na asar ka sakin ah?" tanong ni ion.

"Eh nakakabwiset ka eh"

"Paanong nakakabwiset...anong ginagawa ko?"

"Palagi kang kontra sakin, tas-- yung mukha mo nakakairita pa"

Napabalikwas naman si ion sabay humarap saakin.

"Itong mukha na to, nakakairita, alam mo bang marami ang gustong makita ang kagwapuhan ko araw-araw?" mayabang na sabi ni ion habang nakaturo pa sa mukha nya.

"Pwes hindi ako ganon" mataray na sabi ko sabay akmang tatayo nang hawakan ni ion ang braso ko at hilahin papalapit sakanya.

Natumba ako sakanya at napadagan sa dibdib nya, natigilan ako nang yakapin nya ako bigla nang sobrang mahigpit.

"Salamat sa pagbabantay saakin ah" bulong nito saakin.

"Alam mo kung hindi pa ako pinilit ni Vhong, wala ka sanang kasama kanina dito" sagot ko sabay itinulak sya at tumayo na ako.

"Tsaka please lang, tigil-tigilan mo ako sa pa hila-hila mo, nasasaktan kaya ako at please sana tigilan mo ang pagiging clingy sakin, minsan nana-nanching ka na eh, may pahawak-hawak pa sa bewang ko, akala mo di ko yon napansin!" galit na sigaw ko sakanya.

Pero imbis na sumagot ay tinawanan nya lang ako.

"Anong nakakatawa don....trip mo ba ako ha?!" pagkatanong ko sakanya nito ay kaagad syang tumayo at lumapit sakin nang lumapit. Ako naman ay panay ang usog hanggang sa mapasandal ako sa railing sa balcony.

Nacorner ako ni ion, palapit pa sya nang palapit hanggang sa isang toothpick nalang ang pagitan nang mga labi namin.

"Di kita trip kase una sa lahat gusto kita. magkaiba yung trip sa gusto ha" malambing na sabi nito sabay hawak sa pwet ko at pinisil ito at umalis sa harap ko sabay pasok sa loob nang kwarto nya, ako naman ay naiwang nakatulala sa balcony.

I'm Into You (version 2.0)Where stories live. Discover now