Chapter 23

1K 39 17
                                        

Vice's POV

Nakarating na nga kami sa destinasyon namin, naunang bumaba si Terrence at pinagbuksa ako ng pinto. gentelman.

Nginitian ko namn ito bilang pasasalamat.

Habang naglalakad papasok ay kinalabit ako ni Terrence.

"Sintas mo" Sabi nito sabay yumuko at inayos ang sintas ko.

Napatingin naman ako sa paligid at nakita ko si ion na nakatingin saamin ni Terrence habang hawak ang kamay ni Alex. Agad ko namang iniwas ang paningin ko kay ion nang tumayo si terrence.

"Pasok na tayo sa loob?" tanong nya sakin.

Tumango nalang ako bilang sagot, tinatamad akong magsalita.

Inalalayan ako ni terrence papasok sa resto, si ion at Alex naman ay nauna na papasok.

Hawak-hawak ni Alex ang braso ni ion samantalang si ion naman ay halatang naiirita na kay Alex. Buti nga.

Pagkapasok namin ay agad kaming sinalubong ng isang waiter, tinanong ntito kung ilan kami at sinamahan kami sa table namin.

Nasa kaliwa ko si ion at nasa kanan ko naman si terr, si Alex ay kaharap ko.

So ayun nag oorder palang kami todo na ang landi niting Alex kay ion.

Kinukulit nya si ion sa pag order, kesyo masarap daw to tsaka ito ganon.

Isa pang pabebe mo, suntok abot mo sakin.

Ako naman ay kaagad na nakapili, simpleng medium rare steak, fries with cheese at Burger. Gutomers.

Next namang kinuhaan ng order si terr, tas si ion at Alex.

Pagkarating ng mga pagkain nauna yung kay Terr, mukhang masarap yung inorder nya, di ko alam kung ano yon pero amoy at itsura palang masarap na.

Sa kakakilatis ko sa pagkain nya di ko napansin na nakatingin na pala sakin si terr.

"Gusto mo?" tanong nito.

Tinignan ko naman ito sa mata ng gulat.

Pinaghiwa ako nito ng kaunting part ng karne sa kanyang Plato at tinusok ito ng tinidor sabay lapit nito saakin.

"Say ahhh" parang batang sabi nito, ako naman ay naiinis na ngumanga at kinain ang Karne, sherep naman mg sinubo ko pero mukhang mas masarap yung nagsubo.

Habang ngumunguya ako ay napatingin ako kay ion na nakatingin din saamin, pero yung tingin nito ay parang nang ga-galaiti at parang gustong manapak.

"Ikaw ion, try mo tong pasta" malanding tanong ni Alex kay ion.

"No, I don't like pasta" malamig na sagot ni ion kay Alex habang nakatingin saakin.

Buti nga sayong malandi ka!.

Ilang saglit pa ay dumating na ang order ko, nakita naman ito ni Alex at bahagyang natawa.

"Really???, You're going to eat THAT MUCH?!" tanong ni Alex saakin, nakita ko naman si ion na pinanlakihan ng mata si Alex at napatahimik ito.

Ipinagsawalang bahala ko nalang ito sabay kumain, nagugutom na talaga ako eh. Baka kainin ko nang buhay tong si Alex kapag hindi pa ako kumain.

Habang kumakain ay bigla nalang akong binigyan ni Terr ng tissue sa kamay.

"Para san to?" Tanong ko dito habang puno ng pagkain ang bibig.

"May cheese ka sa mukha, punasan mo"

Kinuha ko ang tissue at pinunasan ang lips ko sabay humarap kay terrence para magtanong.

"Ayan, wala na ba?"

"Meron pa" simpleng sagot nito.

Habang nakaharap sakanya ay pinupunasan ko ang aking lips at ang paligid nito.

"Hayst, aken na nga" naiinis na sabi nito sabay hablot Ng tissue at pinunasan ang baba ko.

"Ayan okay na" Sabi pa nito ng natanggal nya ang cheese sa mukha ko.

Lingid naman sa kaalaman ko na habang tinatanggal ni Terr ang cheese saaking mukha ay nakatingin saamin si ion, pagkaharap ko ulit sa pwesto nila ni Alex ay nahuli ko si ion na nakatingin saakin ng galit.

Sumenyas ako na parang nagtatanong ng 'bakit?', umiling naman ito sabay kumain. Anyare dito?

Pagkatapos naming kumain ay napagpasyahan naming bumalik sa bahay dahil kapag naghapon na ay mahihirapan kaming umuwi ni ion.......

....at. nakarating na nga kami sa bahay na pinapagawa ni ion, marami na kaagad ang nadadagdag sa sandaling nawala kami, yung baba ay may pintura nang white at ang hagdan ay may tiles na.

"Taray daming nadagdag" namamanghang Sabi ko.

"Syempre, ako pa ba?" mayabang naman na singit ni terrence.

"Bakit ikaw ba gumawa nito?.diba yung mga construction workers?" pilosopong tanong ko naman dito.

Napapalatak nalang ito ng dila sabay tumalikod saakin.

"Dun muna ko sa likod may yosi Lang ako" paalam naman nito saaming Lahat.

(N/A di ko po alam kung nag yo-yosi talaga si Terrence sa totoong buhay)

Tumalikod nalang din ako at humarap kila ion ngunit wala na sila.

Nagikot ako sa buong baba ng bahay, hindi ko sila makita. Naisipan kong umakyat at hanapin sila sa second floor.

Pagkaakyat ko pansin ko agad na may isang kwartong nakasarado ang pinto kaya agad ko itong nilapitan.

Pipihitin ko na sana ang door knob nang may marinig akong tunog mula sa loob, nacurious ako kaya idinikit ko ang tenga ko sa pinto at pinakinggan ang ingay mula sa loob.

"Anong baby ha?!, Alex are you F*cking serious!!" galit na sigaw ni ion.

"Yes!!, Weeks after we broke up nalaman Kong buntis ako" umiiyak namang sagot ni Alex.

"Why didn't you tell me?, Sana manlang tinext mo ako or tinawagan diba?, Para naman ma-inform ako na may anak pala ako sayo?!"

"But I don't wanna ruin your career and everything. Sabi mo nga na binigyan ka nang mas mataas na pwesto kaya kailangan mong magbigay ng maraming time para sa work mo....and that's also the reason why we broke up right?, Because we don't have time for our careers, we don't have time for our selves!" sigaw naman ni Alex.

Halo-halong emosyon ang maramdaman ko ng marinig ko ito, galit, pagka-bigla at sakit. Nasaktan ako dahil kung may anak si ion kay Alex, ibigsahihin nito magkakabalikan sila at iiwan ako ni ion.

I know naman na wala pa kaming label pero.......I love him so much, the first time palang na nakita ko sya nabihag na kaagad ng mga mata nya ang puso ko, I fell in love with him the first time we met.

Pero paano na ngayon?, Syempre mas pipiliin nya si Alex dahil una sa lahat may anak sila at pangalawa....tunay na babae sya.

Nang walang anu-ano'y bigla ko nalang naramdaman na may tumulong luha saaking mata papunta sa aking pisngi, kaagad ko itong pinunasan at naglakad pababa.

Hinanap ko si terrence sa labas at nang makita ko sya ay kaagad ko itong nilapitan.









I'm Into You (version 2.0)Where stories live. Discover now