Vice's POV
Naalimpungatan ako nang marinig ko ang lakae nang ulan sa labas, tumayo ako at kinuha ang phone ko. Bumungad saakin ang napakaraming miss calls galing kay Calvin at........takte 7:00 pm na pala.
Agad akong napatayo at inayos ang bag ko at lumabas ng office.
Nakita kong konti nalang ang empliyado at yung iba ay nagaayos na nang gamit.
Friday kasi ngayon kaya 7 ang uwian nila pero usually 8-9 pm sila umuuwi from Monday to Thursday.
Pumunta ako sa office ni ion pero wala sya doon, wala din yung bag at laptop nya.
"Nasan kaya yung lalaking yon" tanong ko sa isip ko.
I closed the door at tumalikod, nagulat naman ako nang nandoon so Jaz sa harapan ko.
Si jaz ay ang front desk receptionist.
"Ay sorry ma'am nagulat ko po ba kayo?" tanong ni jaz.
"Oo jaz, di ba obvious?" Prangkang sabi ko.
"Sorry ma'am, hinahanap nyo po ba si sir ion?"
"Yes, nasan sya?"
"May pinuntahan daw po syang meeting"
"Bat di nya ako ginising?"
"Di ko po alam kay sir.....sige po ma'am una na po ako ah, bye po"
"Sige bye, ingat ka"
Pagkaalis na pagkaalis ni jaz ay inilabas ko kaagad ang phone ko at tinawagan si ion.
"Hel--"di ko natuloy ang sasabihin ko nang marinig kong maingay at parang nasa party or bar si ion.
"Hello?" Nahalata ko sa boses ni ion na may tama na sya.
"Hoy Zion Gabriel Perez nasan kang lalaki ka ha?!" galit na tanong ko.
"Nasa --......woooo ion inom pa!!"
Naputol ang sasabihin ni ion at may sumigaw pang babae na pinapainom si ion.
Magsasalita pa sana ako pero biglang binaba ni ion ang tawag kaya dinial ko si Vhong.
"Hello Vhong?"
"Hello, vice..teka lang lipat akong lugar para di maingay"
Parang magkasama pa tong dalawang to sa party ah.
"Hello ma'am vice?" tanong nito.
"Oh Vhong....nandyan ba si ion?"
"Oo, kanina pa. lasing na nga eh"
"Anong oras kayo nakapunta dyan?"
"Mga 6 or 5 something, pero kanina pa kasi nila pinapainom si ion dito"
"Bakit?, Nasan ba kayo? Anong klaseng party ba yan?"
"Salubong sa birthday ni ion, nasa bahay kami ni ion"
"Aling bahay?, Saan yan?"
"Sa childhood house nya"
"Saan yan?, sunduin ko na kayo, rinig kong lasing na lasing na si ion"
