Vice's POV
Nagising ako na nakasakay sa isang familiar na kotse, sumilip ako upang makita kung sino ang nag da-drive, nakita ko si Ion na natawa at nakita ko ring katabi nya si Jelly.
"Oh, vice sakto nasa tapat na tayo ng building ng condo mo" si Jelly.
Di ko sya pinansin at humarap ako kay Ion.
"Ihahatid mo rin si jelly sa bahay nya?"tanong ko Kay Ion.
"oo wala kasi syang masakyan tsaka naihatid na naman kita dito sa labas ng building mo"
"Diba sabi ni mom ikaw ang bahala saakin, so that means hindi moko pwedeng iwan mag-isa"
"What do you mean?"tanong nya.
"Sasama ako sa paghatid mo sakanya"diretsong sabi ko sabay bumalik ako sa pagkakahiga sa likod.
Naririnig ko pa sila ion at jelly na naguusap.
"Ay selosa si meme" natatawang bulong ni jelly.
"Hahaha lasing lang Yan"sagot naman ni Ion.
"Jowa mo ba si meme?"tanong ni jelly.
Hindi kaagad nakasagot so Ion.
"Silence means yes"Sabi ni jelly.
"No,no,no....hindi ko sya jowa"
"Defensive ah"
"Oy Hindi ah" natawang sabi ni ion.
"Ah di ka aamin" banta ni jelly.
At parang nagkikilitian ata sila kasi tawa ng tawa si ion.
"Oy mababangga tayo, wag kang mangiliti"
"Ah eh shorry" pabebeng sabi ni jelly.
"Pabebe ampowtah" sabi ko sa sarili ko.
Ilang saglit lang ay nakarating na kami sa bahay ni Jelly, narinig kong bumaba si ion at pinagbuksa ng pinto si Jelly.
Maya-maya lang ay bumalik na si Ion sa kotse at tinignan ako sa likod.
"Nilalamig ka ba?.....Ito oh jacket ipatong mo dyan sa legs mo"utos nito sabay abot ng jacket nya.
Hindi ko ito inabot at tumalikod nalang ako sakanya.
"Okay"sarkastikong Sabi ni Ion.
~fast forward~
Nakatulog ako sa byahe at nang imulat ko ang aking nata nakita ko si Ion na nakalapit ang mukha saakin at nakangiti, nang napansin nyang nakamulat ang mata ko ay nanlaki ang mata nya na para bang gulat na gulat.
"B-b-bubuhatin na sana kita...kaya mo bang naglakad?"utal-utal na tanong nito.
Nagpout ako sabay abot ng dalawa kong braso.
"Buhat" parang batang sabi ko kay Ion.
Tumawa naman ito tsaka inabot ang braso ko at binuhat ako ng pa-bride.
Iniakyat nya ako sa condo ko at inihiga sa kama, pagkatapos ay palabas na sana sya ng pigilin ko sya.
"Ion"malambing na Sabi ko.
Humarap Naman ito sabay ngiti.
"Bakit?"
"Dito ka lang please" malambing ulit na pakiusap ko.
Lumapit sya sakin at tumabi sa kama. Ako ay nakahiga samantalang si ion nakaupo lang.
Ion's POV
Katabi ko ngayon si Vice sa kama nya.
"Vice, may tanong ako"tanong ko Kay vice.
"Ano yon?"
"May jowa ba si jelly"
Sinuntok ni Vice ang tyan ko.
"Aray ko....bat mo ko sinuntok??"tanong ko kay Vice.
"Nakakainis ka alam mo ba yon?"
"Bakit? Anong ginawa kong mali?"
"Di hamak na mas maganda naman ako don kay jelly, bakit sya pa natipuhan mo?"
"Ha?!, Anong natipuhan?, Di ko sya type, gusto ko lang syang kilalalin"
"Hatdog alam ko na yang style na yan....diba may girlfriend ka?"
"Girlfriend?!"gulat na Sabi ko.
"Oo, yung kausap mo sa telepono mo, yung babsie ba yon?"
"Ahh si babsie...best friend ko yon, kaibigan ko since high school"
"Type mo?"
"Hindi, kaibigan lang talaga tingin ko sakanya eh"
"Weeeh?"
"Oo nga....eh ikaw may boyfriend ka?"
"Wala nga eh, walang sumeseryoso sakin" malungkot na Sabi ni vice.
Hindi ako nakasagot pa dahil sa nalungkot din ako sa sinabi nya.
"Alam mo ion, gusto kita, kahit kailan lang tayo nagkakilala di ko mawari kung bakit ang gaan ng pakiramdam ko sayo, yung parang pag nakikita kita or kasama kita feeling ko safe ako"
"Weird ka talaga"simpleng Sabi ko.
"Hoy di ako weird"nanggigigil na sabi ni vice sabay suntok sa tyan ko ulit.
"Aray!, Nakakadalawa ka na ah"sigaw ko sakanya.
Tinawanan nya lang ako sabay niyakap ako, nakahiga kasi sya tas nakaupo lang ako sa tabi nya kaya nayakap nya yung lower part lang ng body ko.
"Pwedeng favor, miss ko lang kasing may katabi matulog....pwedeng dito ka nalang matulog sa tabi ko?"tanong ni vice.
Humiga naman ako kaagad at tinabihan si Vice.
"Sure"sagot ko.
"Isa pang favor?"
"Ano yon?"
"Pwede ba kitang ihug?....wala ka namang jowa eh"
"Hahaha sige"
"Isa pang favor...last na"
"Ano yon?"medyo kinakabahang tanong ko.
"Pakipatay yung lamp, masyadong maliwanag di ako makakatulog"
Inabot ko ang lamp at pinatay Ito.
"Goodnight Ion"malambing na bulong ni vice habang nakayakap sga sakin.
"Goodnight din vice"Sabi ko sabay out of nowhere ay hinalikan ko sya sa ulo tsaka ako pumikit at natulog.
