Vice's POV
Paglabas nung ion ay lumapit ako sa mga shelves. Nakita ko ang picture ni Dad kasama si Mom at sila Ate, kahit kailan hindi kami nagkaroon ng picture ni Dad ng maayos, tuwing nakikita nya Kasi ako ay parang diring-diri sya saakin dahil sa bakla ako.
"Ma'am?"tanong ng isang lalaki.
Humarap ako upang makita kung sino ang nagasalita.
Isang maputi at gwapong lalaki ang nakita ko.
"Yes?"
Tumingin ito saakin na parang kinikilatis kung sino ako.
"I'm Victoria Viceral"nakangiting pagpapakilala ko.
Nagulat naman ito sabay yuko.
"Sorry ma'am kayo po pala ang anak ni Sir Reynaldo"
"What's your name?"
"Vhong po, Vhong Navarro, kaibigan po ako ni Sir Perez"
"Nice to meet you....nasan na nga pala si Ion?"
"May kausap lang po na kliyente......gusto nyo pong tawagin ko?"
"No, no ,no don't even bother, may gagawin ka ba dito?"
"Wala na po......sige po una na po ako"
Nginitian ko ito bago sya tuluyang umalis sa office.
Napabugtong hininga ako.
Napapaisip nanaman ako na nung mga panahon ba na kasama ni Dad sila ate at mom, naiisip nya rin ba ako, kasi ako, araw-araw, minu-minuto, oras-oras iniisip ko si dad. kung kumain na ba sya, kung maayos lang ba sya dito sa pinas, kung may nararamdaman ba syang hindi maganda, kung okay lang ba sya.
Simula kasi ng malamang nya na bakla ako ay hindi nya na ako kinausap, ni hindi nya manlang ako kinompronta, pinadala nya kaagad ako sa america at doon ako pinag-aral, hindi naman sa ayaw ko pero, wala kasi akong kasama doon, sila ate pumupuslit sila kapag summer, pinupuntahan nila ako kasama si Mom. I always cry whenever I think about my dad, na bakit hindi nya manlang ako kinausap, bakit kailangan nya akong iwasan.
Umiiyak na ako ng bigla kong marinig ang pagbukas ng pinto ng office, agad kong pinunasan ang luha ko at humarap sa pinto.
"Sorry, it took me so long, may kliyente kasing sumugod eh, I have to confront them para hindi na gumawa ng eksena......so ma'am, ano po bang gusto nyong malamang tungkol sa Dad nyo?"biglang sulpot ni Ion.
"Nevermind.....so ito ba ang magiging office ko?"tanong ko dito sabay nag cross arms ako.
"Yes, but first, you have to come with me"nakangitingsabi nito.
Nawirduhan ako sa pag ngiti nya kaya sinampal ko sya out of nowhere.
Pak!
"Aray ma'am, bat mo ko sinampal ha?!"galit na tanong nito.
"Hindi ko gusto yung pagtingin mo!"pasigaw rin na sagot ko.
"Anong--!"Nagpipigil nang inis na sigaw nya.
"Bat kase naka-smile ka?!"
"Na-excite lang ako, bawal bang ma-excite ha?!"
"saan mo ba kasi ako dadalhin?"
"Isasama kita sa meeting with Mr.Robles, sya yung kausap ko kanina, nagkaroon ng problema sa mga bahay na ipapatayo nya at gusto nya na baguhin ang blueprints!"pasigaw na sagot nito sabay lakad papunta sa lamesa nya at kinuha ang bag nya at laptop.
Lumapit din ito sakin at hinawakan ang braso ko ng mahigpit sabay hila.
"Sa 20th floor yung room, sumama ka"galit na aabi nito.
Di na ako naglaban, teh malakas si koyah mo di ko sya keri.
Bumukas ang elevator door at maraming tao sa loob, nagsitinginan sila kay Ion at nang nakita nila na nakakunot ang noo nito ay nagtinginan sila.
"Get out!"sigaw nito sa mga empliyado sa loob ng elevator.
"Sorry sir"
"Sorry po"
"Halika na besh"
"Sorry Sir Ion"
Iilan sa pabulong na sabi ng mga empliyado.
Hinila ulit ako ni ion papasok sa elevator at clinick ang 20th floor.
"Wala kang ibang gagawin doon maliban sa makinig at mag take notes, for this week you'll be my assistant, kailangan mahasa ka muna bago iharap sa mga big clients......remember to take notes okay, hindi lahat ng sasabihin namin ay isusulat mo, isulat mo kang yung mga mahalaga"seryosong sabi nito sabay bitaw sa braso ko.
"Yes Sir"nangiinis na sagot ko.
Sasagot pa sana sya kaso lang biglang tumunog Ang phone nya.
"Hello.......yes, afcourse Hindi ko nakalimutan, happy birthday babsie...... I'll come home early, promise"sagot nya sa kausap.
Mukhang gf nya ata ang kausap nya, babsie ang tawagan eh, tsaka nung tumawag yung babae eh nagbago ang mood nya, parang numingning ang paligid. Nasabi ko na babae yon kase straight si kuya mong ion.
Ion's POV
"Yes sir" nangaasar na sagot ni vice saakin.
Sasagot pa sana ako ng biglang mag ring Ang phone ko.
Si Jackie!
"Hello?"tanong ko
"Hello babsie!!!"nasayang bati nito
"Nasa work ka pa?"
"Yes"
"Come home early ah, nagluluto ako ng maraming foods.....wait have you forgotten that it's my birthday?!"galit na tanong nito.
Paktay!, Nakalimutan kong birthday nya!
"Afcourse hindi ko nakalimutan, happy birthday babsie"pagsisinungaling ko..
"Come home early kung hindi, talagang malilintikan ka saken!"
"I'll come home early, promise"
"Okay bye!" Masayang paalam nito.
