Chapter 20

1.2K 37 23
                                        

Third POV (third person on view)

Nakatulog na nang mahimbing si vice sa couch sa kwarto ni ion.

Makalipas ang ilang minuto ay nanaginip ito.....hindi ito basta panaginip, isa itong ala-ala ng kabataan nya...................

"Gab-gab, tigil muna tayo sa paglalakad, kanina pa tayo naglalakad oh" pakiusap ni Victor sa kaibigan.

"Pero Victor, di pa nga tayo nakakalayo-layo, baka makita pa ako ni tay-tay" sagot Naman ni gab.

"Bat ka ba kasi maglalayas?, Tapos sinama mo pa ako?" hingal na tanong ni Victor.

"Magpapakalayo-layo na tayo Victor, diba Sabi mo gusto mo ko?.. papakasalan na kita" sagot naman ni gab-gab.

Lumapit naman si Victor kay gab at binatukan Ito.

"Bobo mo talaga gab-gab, alam mong bata pa tayo, di pa tayo pwedeng magpakasal"

"Edi paglaki natin" sagot ni gab sabay hinila ang sinulid sakanyang damit at kinuha ang kamay ni Victor.

"Anong gagawin mo sa sinulid na iyan?" tanong ni Victor kay gab.

Hindi sumagot si gab sahalip ay lumuhod ito sa harapan ng kaibigan.

"Victor, itong sinulid na to ang tanda ng pangako kong bibitawan sayo, kapag nasa tamang edad na tayo magpakasal tayo, kahit ayaw ng mga magulang natin, kahit na anong mangyari--" naputol ang sasabihin ni gab-gab kay Victor nang bigla nilang marinig ang sigaw ng kanilang mga magulang.

"Gab!!"

"Victor!!"

"Mga batang to...nasaan ba kayo?!"

"Mga anak!!"

Sigaw nang kanilang magulang.

Nataranta si Victor at hindi alam ang gagawin kaya agad na tumayo si gab at hinila ang kamay nito at sabay silang tumakbo papalayo sa kanilang magulang.

Nasa kalagitnaan nang panaginip si vice nang maramdaman nyang may bumuhat sakanya kaya't nagising sya.

Nakita ni vice na buhat-buhat sya ni ion at dahan-dahan syang ibinaba ni ion sa Kama.

Nang napansin ni ion na gising si vice ay nginitian nya ito.

"Sorry, nagising ba kita...tulog ka nalang ulit" nakangiting sabi ni ion kay vice.

"Anong oras na ba?" tanong ni vice kay ion habang nagkukusot ng Mata.

"8:00 am na" natatawang sabi naman ni ion.

Napabalikwas si vice at kaagad na tumayo.

"Ambilis naman ng oras!" gulat na sabi ni vice.

Di Naman nakapagsalita si ion.

"uwi na muna ako maliligo muna ako" paalam ni vice Kay ion.

"Dito ka na maligo"

"Eh wala akong damit dito pang opisina"

"Anong opisina?, Saturday ngayon vice wala tayong pasok" natatawang sabi ni ion.

Tinignan naman ni vice ng masama si ion at tsaka lang ito tumigil sa kakatawa nang nakaramdam ito ng bahagyang pagka-ilang.

"Ay sorry.....dito ka na maligo, may isang balot ng bagong panty, bra, damit at shorts dito"

"Bat may panty at bra ka?"takang tanong ni vice kay ion.

"Sa mga babae yon na kasama namin sa bahay, may isang box sila non puro bago di pa nagamit ever since"

"Pano yung twalya, wala akong dala"

"Twalya" Sabi ni ion sabay tingin sa paligid at maghanap ng twalya.

"Wala akong extra, nasa labahan lahat, maglalaba palang mamaya....ito nalang towel ko" Sabi ni ion sabay turo sa nakatapis sakanyang towel.

Kakaligo lang kasi ni ion at nakatapis lamang sya ng twalya sa ibabang bahagi nya.

"Eh ginamit mo na yan sa junjun mo!" maarteng sabi ni vice.

Natawa nanaman si ion sa naging reaction ni vice.

"Parang di mo naman to nakita, nahawakan, nalasa--"

Di pinatuloy ni vice ang sasabihin ni ion at kaagad nya itong binato ng unan.

"Bastos yang bunganga mo Zion Gabriel Perez ah"

"Hahaha ito Naman di mabiro...sige na ligo ka na tas sa labas tayo mag breakfast"

Tumayo na si vice at sinamahan sya ni ion sa cr.

"Maliligo na ko, labas na" mataray na utos ni vice kay ion.

Pagkatapos maligo ni vice tsaka nya lang naaalala na wala syang towel kaya binuksan nya ng bahagya ang pinto at sumigaw.

"Ion??, Towel!"

Kaso wala si ion kasi lumabas ito saglit upang magpaalam sa mga kasama sa bahay na sa labas sila mag breakfast ni vice.

"Shaks wala si ion" Sabi ni vice sa sarili.

Binuksan nya ng mas malaki ang pinto at nakita na nakalagay ang towel sa hanger sa tabi ng pinto ng closet.

"Ilang hakbang lang naman yan eh, labasin ko nalang" kausap ni vice sa sarili.

Nang walang ano-ano ay lumabas si vice ng banyo at naglakad papunta sa towel pagkahablit nya nito ay saktong bukas ng pinto at pasok ni ion.

Agad namang napatakip ng mata si ion habang si vice ay nakatalikod parin at hindi gumagalaw.

"Ano...uhm...vice sa labas lang ako muna ah, bihis ka muna dyan.....wala akong nakita" pahinga ng pahina na sabi ni ion habang unti-unting nalabas ng kwarto.

Si vice naman ay naistatwa dahil hindi nya alam kung ano ang gagawin.

Nang makalabas na ng tuluyan si ion ay kaagad na nagtapis si vice at tinext si ion upang tanungin kung nasaana ang damit nito.

Bumalik si ion sa kwarto at ibinigay ang mga underwear kay vice, XXL Sweatshirt na black at shorts.

Maya-maya lang ay lumabas na ng kwarto si vice, napatingin naman sakanya si Jackie, Vhong at ion.

Kung maganda si vice ng naka makeup mas maganda sya kapag natural lang ang itsura nya, walang make-up, ligo kabog na kabog na.

Napatingin naman sya sa suot nya dahil naiirita sya sa pagtingin ng mga tao.

"May dumi ba ko sa mukha or di bagay sakin yung damit ko?, Tell me!" tanong ni vice sa tatlo.

"Madumi yung mukha mo tas di bagay sayo yun--" Hindi natuloy ang pangiinsulto ni Jackie kay vice dahil tinapik sya ni Vhong at sinenyasan na baka magalit si ion kaya tumahimik nalang ito at ipinagpatuloy ang pagluluto ng agahan nila ni Vhong.

"Wala, you just look so beautiful....so ano, ready ka na ba, let's go na?" tanong ni ion kay vice.

Tumango naman si vice at inangklahan ang braso ni ion.

Pagkatalikod nila ay nagkatinginan si vice at Jackie, tinarayan naman ni Jackie si vice, samantalang dinilaan ni vice si Jackie at ipinakita ang naka angkla nyang kamay sa braso ni ion.

Lumabas na nga ang dalawa at sumakay sa kotse ni ion at tinungo ang isang restaurant.

I'm Into You (version 2.0)Where stories live. Discover now